Kabanata 18

1217 Words
CHERRY Ilang beses na akong bumuga ng hangin. Ilang ulit ko na ring inangat ang aking kamay para buksan sana ang pinto kung saan kami nakatayo ni Reynan ngayon, kaya lang, hindi ko magawa. Hindi ko kayang makita na may isa na namang tao na malapit sa akin na nag-aagaw buhay. Noong natanggap ko ang tawag mula kay George na na-aksidente ang kanyang magulang at nag-agaw buhay si Tita Izabelle, hindi ko napigil ang aking emosyon. Nadudurog ang puso ko para sa kanya. Tinuring ko silang mga magulang, kahit pa hindi maganda ang naging kahihinatnan ng relasyon namin ni George. Hindi ko pwedeng ipagkibit-balikat lang ang nangyari sa kanila. Kaya kahit ayaw ko sanang makita si George, sinabi kong pupunta ako. Kinapalan ko ang aking mukha, hiniling ko kay Reynan na bumalik kami sa Pilipinas. Mabuti na lang at naunawaan niya ako. Agad siyang nag-book ng flight pabalik dito. Kararating lang namin. Mula airport ay dumiritso kami rito sa hospital. Kaya lang, para naman akong nawalan ng lakas na makita sila. Doctor ako, pero sa pagkakataong ito, nawala lahat ang kakayahan ko. Para akong bumalik sa pagkabata na walang nagagawa kundi ang umiyak at panoorin lang ang aking ina na nag-aagaw buhay. “Cherry, kung hindi mo kaya, ‘wag mong pilitin,” sabi ni Reynan, na kanina pa hinahaplos ang likod ko. Napatingin ako sa kanya. Pinahid ko rin ang aking mga luha at mapait na ngumiti. “Kailangan kong lakasan ang aking loob, baka hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataon na makita siyang buhay.” Muli akong bumuga ng hangin at binuksan ang pinto. “Cherry…” bulalas ni George na agad tumayo nang makita ako, pero agad ring nagbago ang ekspresyon nang makita nitong nasa likuran ko si Reynan. Pero wala na sa kanya ang aking atensyon, nasa mga magulang niya na parehong walang malay. “Kumusta sila?” tanong ko nang nasa tabi na ako ni Tita Izabelle. Paminsan-minsan kong ring sinusulyapan si Tito Thomas at ang kanyang monitor na sa awa ng diyos ay normal naman lahat. Kaya lang, si Tita Izabelle, hindi pa rin maganda ang kalagayan niya. May vintelator siya at mababa lahat ng vitals maliban sa blood pressure. “Si dad, may mga sugat at galos, but his okay…but Mom…hindi sigurado kung magigising pa ba siya,” sagot ni George sa kalmadong boses, pero bakas naman ang lungkot. Lumapit siya sa akin. Tumayo sa tabi ko at sabay naming tinitigan ang kanyang ina. “Ano ba ang sanhi ng aksidente?” “Brake failure. ‘Yon ang lumabas sa imbestigasyon.” Hindi na ako sumagot. Nanghihina akong umupo, at hinawakan ang kamay ni tita. “Gumising ka Tita Izabelle. Sabi mo didisiplinahin mo pa si George. Sisiguraduhin mong titino siya…paano mo pa ‘yon magagawa kung hihiga at matutulog ka lang dito?” tahimik kong kausap sa kanya, habang hinaplos-haplos ang kamay niya. Pinipigil ko rin ang aking sarili na ‘wag umiyak. “Cherry…” Agad akong napalingon nang marinig ang nanghihinang boses ni Tito Thomas. Maingat kong nilapag ang kamay ni tita sa tabi niya at lumapit ako kay tito. “Kumusta na po ang pakiramdam mo?” Umupo ako sa tabi niya. Sinuri ko ang mga mata niya. Umiling-iling naman siya, tumulo ang mga luha habang nakatingin sa kanyang asawa. Nakagat ko ang aking labi, ramdam ko ang lungkot ni Tito Thomas. Mahal na mahal kasi nila ang isa’t-isa. Naging saksi ako sa pagmamahalan nila, kung paano nila alagaan ang isa’t-isa. Tapos ganito ang mangyayari. “Tito Thom, ‘wag ka po masyadong mag-alala. Makasasama po sa’yo. Ang dapat mong gawin ay magpalakas ka.” Mapait siyang ngumiti at tumango-tango na parang bata. “Sige na po, magpahinga na kayo. Babalik ako bukas,” sabi ko at tumayo na. “Ihahatid na kita,” agad namang sabi ni George. Hinarang niya ako nang akmang lalapitan ko si Reynan. “Hindi na kailangan,” sagot ko, at lumihis ng daan. “Cherry…” Hinawakan niya ang aking kamay na agad namang binawi ni Reynan at hinila ako palapit sa kanya. “Let’s go home,” sabi niya. Niyapos ang baywang ko at giniya palabas ng kwarto. “Cherry, wait…” Rinig naming sabi ni George na sinundan kami. Lilingon sana ako, pero pinigil ako ni Reynan. Kagat-kagat niya ang ibabang labi at halos buhatin na ako papuntang elevator. “Bakit mo ba siya nilalayo sa akin?” sikmat ni George, at malakas na itinulak si Reynan nang maabutan niya kami sa elevator. “Ano ba, George?! Hindi maganda ang lagay ng iyong mga magulang, tapos nagagawa mo pang manggulo!” “Hindi ako nanggugulo. Gusto lang kitang kausapin. Papapel ang isang ‘yan!” Dinuro niya si Reynan. “Ikaw ang papapel!” sagot ni Reynan sabay waksi sa kamay ni George. Pero kamay ko naman ang hinawakan niya. “Sumama ka sa akin sa bahay…” “Bitiwan mo nga ako. Hindi ako sasama sa’yo!” Inagaw naman ako ni Reynan at malakas na itinulak si George na muntik na nitong ikatumba. “Ang yabang mo ‘ah!” Akmang sasapakin n’ya si Reynan, pero humarang ako. “George, hospital ‘to. Naka-confine ang mga magulang mo rito, matuto ka namang rumespeto!” “Pinagtatanggol mo ang lalaking ‘yan?” “Alangan namang ikaw ang ipagtanggol…ikaw nga ang hayop na ang kaya lang saktan ay mga babaing mahina,” gigil namang sagot ni Reynan. “Wala kang pakialam kung paano ko man tratohin ang babae ko!” “Babae mo?” pahapyaw na tumawa si Reynan, pero halatang nanggagalaiti na sa galit. Umiigting kasi ang panga at kuyom na ang mga kamao. “Sigurado kang babae mo pa rin siya?” Hinawakan niya ang aking kamay at nilapat sa kanyang labi na ikinalaki ng mga mata ni George. “Reynan, tara na…” Agad ko siyang hinila papasok ng elevator nang magbukas ito. “Bakit mo ‘yon ginawa?” Kaagad kong tanong nang magsara ang elevator. “Bakit ka galit? Pinakita ko lang sa kanya na hindi ka na niya pag-aari—hindi ka na niya babae. Asawa na kita, Cherry.” “Reynan, nagkasundo tayo. Hindi na muna natin ipapaalam sa iba ang tungkol sa ating kasal.” Bago ang aming kasal, hiniling ko sa kanya na itago muna namin ang aming kasal. Limang taon nga kaming nagsama ni George, at ang alam ng karamihan ay malapit na kaming ikasal. Pero sa iba pala ako ikinasal. Siguradong ako ang mapapasama, lalo’t kahihiwalay lang namin. “Sinabi ko bang kasal tayo?” “Wala ka ngang sinabi, pero hinalikan mo ang aking kamay. Tingin mo, anong iisipin no’n?” “Wala akong pakialam sa iisipin niya. At saka, ano ngayon kung halikan ko ang kamay mo? Siya ngang gagong kasama ang ibang babae sa hotel at pinapunta ka pa—” Awtomatikong natiiim niya ang kanyang labi at nag-iwas ng tingin. Kunot noo kasi akong napatitig sa kanya. ‘Yong titig na pilit inaalam ang laman ng utak niya. “Magsabi ka ng totoo, Reynan. May tinatago ka ba sa akin?” Umiling-iling siy, pero niluwagan naman ang necktie, na lagi niyang ginagawa kapag hindi siya komportable. “Wala akong naalalang ikinuwento ko sa’yo ang pangyayaring ‘yon, Reynan. Bakit mo alam?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD