Chapter 3

1063 Words
Eryx Parker POV NAIA Terminal 3 Departure Area Sobrang ingay ng paligid dahil nagkakagulo na ang mga Soldiers nang makita nila kaming naglalakad sa airport. Papunta ngayon ang Bullet Boys sa Hawaii para sa aming Fly high World Tour Concert. Halos wala na kaming pahinga dahil sa concert na ito. Gusto naming paligayahin ang aming mga tagahanga sa ibang panig ng mundo. Masaya na rin kami basta't masaya ang aming mga Soldiers. Puspusan ang rehearsals na ginagawa namin para sa paghahanda sa concert na ito. Maraming body guards ang nakapalibot sa amin upang protektahan kami sa pagkuyog ng ibang mga tagahanga. Sanay na ako sa ganitong eksena. Kami na nga siguro ang pinakasikat na grupo sa aming henerasyon ngayon. Pangarap lang namin ang bagay na ito noon, ngunit ngayon ay halos nag-uumapaw na ito sa aming mga palad. Habang seryoso akong naglalakad kasama ang iba... Nagulat na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko ang isang Haunted Soldier. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko syang nakangiti sa akin. I will never forget her cute face. Sobrang ganda ng mga mata nya. Pero... Bigla na lang nya akong niyakap ng mahigpit. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ako makahinga sa yakap nya. Parang biglang naglaho ang mga tao sa paligid nang yakapin nya ako. Para bang ako at sya lang ang tao sa mundo. At ang hindi ko malilimutan ay nang hablutin nya ang magkabila kong pisngi at hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. She kissed me passionately. I felt her lips invade mine. Aaminin ko. She is my first kiss. At naiinis ako sa ideyang ninakaw nya ang una kong halik. Sa totoo lang, nasiyahan ako sa first kiss na iyon. May kakaibang elektrisidad ang gumapang sa buo kong katawan. And suddenly, she was forcibly grabbed by one of the bodyguards. Binitbit sya na parang isang ligaw na pusa at inilayo sa akin. Kaawa-awa ang naging itsura nya ngunit tinitigan ko pa sya sa huling pagkakataon. Nakangiti lang sya sa akin na para bang hindi nya alintana ang panganib habang bitbit sya ng bodyguard. Kitang kita ko ang maganda nyang mukha. Marami na akong nakikitang magagandang babae pero iba sya. Ibang-iba ang kagandahan nya. But my heart broke into pieces when I realized that she is a Haunted Soldier. Sila yung mga tagahanga namin na sobrang baliw sa Bullet Boys. They will do anything just to have our attention. Gaya ng isang ito. Ninakaw nya ang first kiss ko. "Are you okay?" Tanong ni Rocky Inakbayan nya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. I simply caress my lips. Bigla kong naalala ang Haunted Soldier na kumuha ng unang halik ko. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ko ito nagustuhan. Ganito rin ba ang magiging reaksyon ko kung ibang babae ang gumawa nito? I don't know. "Solid yun Eryx ah! Ang cute pa ni Girl. Sana hinalikan nya rin ako." Wika ni Axel na syang mahilig talaga sa mga babae. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa kanya dahil ginagawa na naman nyang biro ang nangyari sa akin. Lahat yata ng klaseng babae ay pasok sa panlasa nya. "Nakakatakot ang Haunted Soldier na yon. Nagawa nyang takasan ang mga bodyguards natin?" Takot na wika ni Grayson. "Kaya doble ingat tayo. Kailangan nating magmasid sa paligid para makita ang mga gustong sumugod sa atin" Saad naman ni Jethro "Kung ganung kagandang Soldier ba naman ang hahalik sa akin ay pababayaan ko rin sya kagaya ng ginawa ni Eryx. Aminin mo, gusto mo din noh?" Mapang-asar na wika ni Hunter "Pumikit pa nga si Brother Eryx eh. Dinama yung kiss ng babae." Dagdag pa ni Jet Napuno ng tawanan ang loob ng first class seat ng eroplano. Napailing na lang ako sa kanila. Nagsisimula na naman silang magbiruan at wala silang pinipiling lugar. "Tigilan nyo nga ako, ang inaalala ko ay baka kung ano ang gawin ng ibang Soldiers sa kanya." Seryosong tinig ko "Naku! Tama na yan. Magsisimula na naman syang magdrama. Mag-enjoy na lang tayo sa flight! Wohoo! Hawaii, papunta na kami!" Sigaw ni Axel Nabibingi na ako sa kanilang sigawan. Nakakahiya sila! Pati ba naman sa eroplano ay ang iingay nila. Napatingin ako sa may bintana at iniisip ko pa rin ang Haunted Soldier kanina. Sana ay ayos lang ang lagay nya. Hindi ko gusto ang nagkakasakitan sila nang dahil sa amin. Gusto kong magkaisa ang mga taga-hanga namin at hindi nag-aaway away. Napabuntong hininga ako. Nang mapadako ang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon ay napansin ako ang isang kakaibang bagay. Kumunot ang noo ko nang makuha ko ang bagay na ito sa aking bulsa. Isang simpleng card na naglalaman ng isang mensahe. Paanong napunta ang card na ito sa bulsa ko? Kanino galing ang bagay na ito? Kaagad kong binuklat ang card na hawak ko. At hindi ako makapaniwala sa mga nakasulat dito. Para sa minamahal kong si Eryx Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na una kitang minahal Sa tuwing nakikita kita parang ang oras ay bumabagal Sa tuwing masisilayan ko ang masungit, ngunit gwapo mong mukha Ang buong mundo ko ay binigyan ng kulay ng may lumikha Ikaw ang nagbibigay inspirasyon sa akin para ako ay mabuhay Dahil kung wala ka, ang lahat ng ito ay wala na ring saysay Sana, bigyan mo ako ng pagkakataong makilala ka Sana, huwag kang magsasawang magbigay sa akin ng saya Dahil kapag ang lahat ng ito ay natupad, ako ang magiging pinakamaligaya Lagi mong tatandaan na ako ang babaeng pinapangarap ka! --Nathalie Kaagad kong itinago ang card na hawak ko pagkatapos kong mabasa ang sulat mula kay Nathalie. Nathalie pala ang pangalan ng Haunted Soldier na nagnakaw ng unang halik ko. Lihim akong napangiti habang nakatanaw muli sa bintana. Hindi ko alam kung magkikita pa kaming muli. Masasabi kong iba sya sa ibang Soldier na nakilala ko. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako natuwa sa isang Haunted Soldier. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya. Tumatak sa utak ko ang mga katagang, "ako ang babaeng pinapangarap ka" Shi.t! Ano bang ginawa nya sa akin? Kaagad kong tinakpan ang mga mata ko at pilit na inaalis sya sa utak ko. Hindi na kami magkikita pa. At alam kong mamaya lang ay makakalimutan ko rin sya. Mawawala rin sya sa isip ko. Pumikit ako at tuluyan na akong nakaidlip. Umaasa akong lilipas rin ang ginawa ni Nathalie sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD