NAKAPAMULSANG naglakad-lakad si Linus sa dalampasigan. Sa mga nakalipas na araw mula nang magdesisyon siyang huwag nang hayaang lumalim ang nararamdaman para kay Ivler, sinubukan niyang ituon kay Micah ang lahat ng atensyon niya.
Whenever Ivler is around and he's with Micah, he tries his best to show that he's happy so he wouldn't notice that he's trying to distance himself. Ngunit ngayong huling araw na ni Micah bukas, parang gusto na lang ding umalis ni Linus sa takot na baka kapag wala na siyang distraction ay mapunta na naman ang atensyon niya kay Ivler.
"Linus, look. Wala yatang kasama 'yong bata," ani Micah saka tinuro ang batang babaeng namumulot ng sea shells sa tabing dagat.
Kasama si Micah ay nilapitan niya ang batang babaeng kung tatantyahin ni Linus ay nasa anim na taong gulang. Si Micah na ang hinayaan niyang makipag-usap sa bata upang magtanong kung nasaan ang mga magulang nito habang nanatili naman si Linus sa tabi ni Micah upang makinig.
The little girl didn't answer. Nang siguro ay napansin sila ng lifeguard ay lumapit ito sa kanila. "Huwag kayong mag-alala, boss. Talagang nagpupunta 'yang si Helga dito tuwing umaga at nagpupulot ng shells. Anak 'yan ng isa sa trabahador sa rancho at imbes mainip, pinapabayaan ng tatay mamasyal dito kapag nagtatrabaho."
"Gano'n ba? So who's looking after her?" hindi naiwasang itanong ni Linus.
"Ako lang, boss binabantayan ko na lang." Nakipag-apir ito sa bata. "Ano, Helga? Mag-ipit ba?"
The little girl smiled then shyly pointed at Linus. Napakunot tuloy siya ng noo at muling napabaling sa lifeguard. "What does she mean?"
Ngumisi ang lifeguard. "Gusto ka niyang talian ng sanrio sa buhok, boss. Pumayag ka na may libreng kendi naman 'yan."
Natawa silang pareho ni Micah. Nang tignan niya ang bata at nakita niya ang kagustuhan nitong gawin ang sinabi ng lifeguard, naupo si Linus sa buhangin at hinayaan ang bata na itali ang tuktok ng kanyang buhok.
Micah giggled and took photos of him. Nang matapos naman siyang talian ng buhok ni Helga, may dinukot itong lollipop sa bulsa saka ibinigay sa kanya na tila reward dahil hindi siya malikot.
"Thank you, Helga. My name is Linus and this is ate Micah."
The little girl smiled and waved at Micah. Mayamaya ay tinawag na ito ng tatay na nagtatrabaho sa rancho para umuwi. Halatang pagod ang tatay nito ngunit nang makatakbo si Helga palapit sa ama, unti-unting napawi ang pagod na nakapinta sa mukha ng lalake. Pinasan nito ang anak sa likod saka ito nagpaalam sa kaibigang lifeguard.
Napatanaw na lang si Linus. Gusto niya rin ng anak... kaya hindi talaga pwede na hayaan niya ang sariling mahulog kay Ivler. Masakit mang isipin ngunit hindi talaga sila talo at ayaw niyang pati pagkakaibigan nila ay maapektuhan pagdating ng araw.
"Tanggalin ko ba?" tanong ni Micah na ang tinutukoy ay ang sanrio na tinali ni Helga sa kanyang buhok.
Hinawakan niya ang tali sandali saka siya ngumiti kay Micah saka umiling. "Nah, maybe I'll keep it this way for now. Humahaba na rin ang buhok ko at nakakaabala na sa mga mata."
"Bagay mo nga rin," kumento nito saka na umangkla sa kanyang braso upang makapaglakad-lakad sila ngunit bago pa man mapalayo sa pwesto, patakbo nang lumapit si Sandro at Colden sa kanila.
"Bro, tawag tayong lahat ni Trunk," balita ni Sandro.
"Trunk? The Chief? He's here?" kunot-noo niyang tanong.
Makahulugang ngumisi si Colden. "Oo kaya hindi ka pwedeng tumanggi kun'di patay tayong lahat. Isang pindot lang ni Trunk, sasara ang clubhouse and we don't want that."
"Huh? Eh technically hindi naman ako myembro."
Lumawak ang ngisi nito. "Hindi nga pero... kailangan ka mamaya." Pinagsalikop nito ang mga kamay. "We're gonna play a game..."
MAHIRAP man para kay Ivler na panindigan ang kanyang desisyon at iwasan nang magselos kay Micah ay sinubukan pa rin niya. Ewan din ba niya ngunit mula noong gabing nagdesisyon siyang huwag nang hayaan pang lumalim ang nadarama para kay Linus, tila umiwas na rin ito sa kanya. Not that Linus kept his distance, though. It's just that, they somehow became distant with each other in a different way.
Wala nang masyadong tinginan, wala nang gaanong biruan, at lalong wala nang yayaan na mangisda na silang dalawa lamang. It somehow helps him in getting over with Linus, but a part of him still craves for the way they used to.
Minsan tuloy ay natutulala na lamang siya habang nakatanaw sa dalawa. Kung hindi pa siya tatapikin ng mga kasamahan sa MCB, baka hindi pa siya matatauhan at iiiwas ang tingin.
Lumabas siya ng kanyang cabin at nagtungo sa pool area kung saan nagkakasiyahan ang kanyang mga kasamahan. Ang sabi ay may palaro umano si Trunk at kung sinong koponan ang matatalo, kailangang mag-clean up drive sa dalampasigan ng isang barangay na malapit sa Monte Costa.
Of course they added monetary bets, too, and whichever team will win the game, will bring home a hundred million pesos from the overall bets.
Napansin ni Ivler na naroon na si Linus. Nakaupo ito sa sun lounger, nakayuko at mayroong tinitignan na video sa phone nito. He's wearing a pair of board shorts and baby blue shirt. Nakatali rin ng sanrio ang tuktok na buhok nito kaya mas bumata ang itsura, ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ni Ivler ay ang lollipop na nakapasak sa bibig nito.
Is this guy really a badass soldier just like what Sandro told him? Kung siya yata ang kalabang makakaingkwentro nito sa bakbakan ng militar at terorista tapos ganoon ang itsura ni Linus, baka bigla siyang lumipat ng kampo maprotektahan lamang ito.
Muntik niya nang batukan ang sarili sa naisip. Of course he would. It's him, the friend who accidentally developed something forbidden for Linus.
"Oh, kumpleto na ba?" tanong ni Trunk na nakaagaw ng pansin ng lahat.
"Yeah!" halos sabay-sabay na sagot ng karamihan bago sila tinignang pareho ni Linus sa makahulugang paraan. Hindi niya tuloy naiwasang mapakunot ng noo at mapalunok. Why are they looking at them as if they know his secret? Was he that obvious?
"Alright, alright. Go with your teams so we can begin." Kinuha nito ang dalawang fish bowl na may mga nakatiklop na papel. "I have your names here. Whoever I'm gonna call will represent your teams. No switching or I'll throw all of you out of MC."
Nagsitango ang mga kasamahan niya. Sa sulok naman ng kanyang mata ay napansin niyang tumuwid ng upo si Linus na tila nakikinig lang.
Trunk took a piece of paper from the first bowl. Mayamaya ay ngumisi ito at tumingin sa kanya. "Team Kumags, Ivler." Tinuro nito ang unang silya. "Sit down, kumag."
Napakamot siya ng batok. "Ano na naman bang laro 'to?"
Sandro chuckled. "Oh, something fun for sure. In Chief Trunk Avila we trust."
Napakunot siya ng noo nang maging makahulugan ang ngiti ng mga kasamahan nila. What's going on?
Trunk took a paper from the other bowl, and when he called Linus' name, Ivler gulped. Why does he have a weird feeling about this?
"Shault, sit down so we can start."
Napabuntong hininga si Linus saka ito nagtungo sa silyang dalawang metro ang layo mula sa kanya. "What kind of game is this?"
Trunk smirked. "I call it, eyes of lies. The rule is simple. You're gonna look at each other. Each will have to say a truth or a lie, the other one will guess whether you lied or you said the truth. Kada maling hula, the other player will move his chair closer. The loser of course will take three straight shots of this baby right here." Pinakita nito ang bote ng matapang na alak. "Whoever will manage to cross this line right here in the middle, will win. One ultimate rule is, you're not allowed to break eye contact. Ang unang umiwas ng tingin, talo. Game, everyone?"
"Game!" excited na sagot ng kanilang mga kasamahan kaya wala na silang nagawa ni Linus kung hindi maglaro dahil kung sino raw ang unang aatras ay awtonatikong talo.
They did a rock-paper-scissor to know who will say a truth or a lie first. Linus went first, and when his guess was correct, he smirked and watched Linus drink three shots. Napangiwi ito kaagad sa tapang ng alak, at nang mag-resume ang laro, tinaasan siya nito ng kilay.
"Your turn, mate."
He moistened his lower lip then smirked. "I lost my virginity when I was fourteen."
"Lie." Ngumisi ito. "You told me you lost it when you were fifteen. Take your shots."
Napawi ang kurba sa kanyang mga labi habang umalingawngaw naman ang kantyawan ng dalawang koponan.
"I told you that? When?"
"During a drinking session," simple nitong tugon habang iniinom niya ang alak na napakatapang naman pala talaga!
He groaned when he finished drinking three shots. Nagpatuloy pa ang kanilang laro, at habang palapit nang palapit ang kanilang mga silya sa isa't isa, tumatama na rin ang alak sa kanilang mga sistema.
When their chairs both reached the last spot, Trunk levelled up the mechanics and changed it into a staring contest while Trunk asks them questions. With every wrong answer, they need to lean their upper bodies forward.
"Puta, ano 'to? Who wants to be a millionaire?" asik niya kay Trunk nang marinig ang mahirap na tanong.
Nagtawanan ang kanilang mga kasama lalo nang hindi niya nasagot sa loob ng limang segundo.
He cussed and when he looked at Linus again, he noticed how he gulped as if he was thinking of something earlier before their gaze met again for the game.
"Oh, game na game na!" sigaw ni Sandro na halatang aliw na aliw. Linus showed his middle finger to their friend then looked at him again.
They continued answering but with every wrong answer to the unbelievably hard questions, they had to drink and lean closer until their faces are already inches away, their minty with a hint of alcohol breaths are already fanning each other's face.
"Okay, last stage. Whoever will look away first will be the loser," ani Trunk.
It's probably the alcohol that gave Ivler so much courage to be cocky. He licked his upper lip and shot up his brow, teasing Linus. Dumilim naman ang ekspresyon nito at ang panga ay umigting sa kanyang ginawa.
Mayamaya ay nanlaki naman ang kanyang mga mata nang gumanti ito ng pang-aasar. Linus folded his arms in front of his chest and started touching his lower lip with his index finger and thumb. Napalunok siya at inigting ang panga sa hirap na pigilan ang sariling idapo ang tingin sa mga labi nito. Damn it!
"Ivler, would there be any chance that you'll ever date a friend?" Trunk asked.
He gulped. "Depende kung sinong kaibigan."
Napansin niyang lumamlam ang mga mata ni Linus na tila iba ang naging kahulugan ng kanyang sagot para rito.
"Linus, would you ever... date someone from the same s*x?"
Siya yata ang biglang kinabahan lalo nang manatiling malamig ang ekspresyon ni Linus habang nakatitig sa kanya. He already told himself that he'll forget whatever it is that he's feeling for Linus, but a part of him couldn't help but still hope that there's a chance that they'll meet in the middle just like what's happening in this game.
Napalunok siya at lalong kinabahan nang humugot ito ng malalim na hininga saka sinabi ang sagot na naging mitsa ng matinding hiyaw at pagwawala ng lahat ng mga kasama nila.
"Nope... but if it's someone special and we happened to feel the same way then maybe I'll consider..."