THE MOMENT Ivler looked away, the whole crowd went suddenly wild after seeing Ivler's heated cheeks. Pakiramdam naman ni Linus ay naalibadbaran lang ito sa sagot niya kaya naman nang bigla siyang tinamaan ng hiya, umalis siya sa lugar at hindi na pinansin pa ang mga pagtawag ng mga kasamahan.
He went out of the clubhouse and just decided to meet Micah by the beach. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili dahil kung hindi ay lalamunin siya ng kahihiyan.
God, he shouldn't have said that. Now Ivler will surely keep his distance from him. Baka mamaya ay isipin nitong iba talaga ang intensyon niya magmula pa noon.
Micah gave him his beer while they're sitting by the beach, silently watching the waves. Ang akala siguro ni Micah ay ine-enjoy niya lang ang magandang tanawin dahil sa repleksyon ng mga bituin sa payapang karagatan, ngunit ang totoo ay lumilipad ang kanyang isip dahil sa naging laro kanina.
"Aalis na ko mamayang madaling araw. Susunduin ako ni Daddy." Sinandal ni Micah ang ulo nito sa kanyang balikat. "Pwede kang... sumama para maka-bonding mo muna sina mommy at daddy bago ka umalis, Linus."
Napalunok siya sandali bago binalingan si Micah na nakatutok ang mga mata sa kanya. "Baka magalit lang si Iggy."
Micah flashed a slight smile. Mayamaya ay hinawakan nito ang kanyang batok at hinatak ang kanyang ulo upang halikan siya sa mga labi.
Linus tried to shut his eyes and remember his feelings for Micah, but the more he's trying to kiss her back, the more he realizes the truth.
Wala na kay Micah ang pagmamahal niya... at kahit masakit mang isipin, mukhang kahit anong gawin niya ay mananatili na talaga si Ivler sa kanyang puso umalis man siya ng Monte Costa at hindi na ito makita pa.
He pulled away and opened his eyes, only to look away when Micah's eyes soften as if she got the idea already. Natungga niya ang kanyang bote at tuluyang tinanggap ang katotohanang hindi niya na kaya pang ibalik sa dating nobya ang pagmamahal na hindi niya inasahang mapupunta kay Ivler sa maikling panahon lamang na nakasama niya ito.
"May... bago na ba, Linus?" Micah asked in a sad tone.
Napayuko siya at sandaling inigting ang kanyang panga bago siya humugot ng isang malalim na hininga.
"Y—Yes..." He swallowed the lump in his throat. "I'm... sorry."
Micah went silent for a few moments before she patted his back. "I understand. Kasalanan ko rin dahil... ako naman ang unang naghanap ng iba, Linus. Ako ang unang nagkaroon ng ibang karelasyon kaya... siguro ay karma ko na 'to na kung kailan ko napagtantong ikaw pa rin ang gusto ko, hindi na sa akin ang puso mo."
Napatingin siya rito ngunit nang makita niya ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Micah, parang sinuntok ang dibdib niya.
"Micah..." He sighed then faked a smile. "Hindi rin kami pwede."
She sniffed and forced a smile. "Dahil aalis ka na ay hindi mo na ipaglalaban? That's unfair. Kung sino man ang bagong nagmamay-ari sa puso mo, Linus, sana huwag mo nang pakawalan para hindi na rin ako umasa na... pwede pa tayo. Minsan mo na akong sinukuan dahil inisip mong hindi ko kaya ang sitwasyon natin kaya sana, sa bago mong mahal, huwag mo nang gagawin iyon..."
Lumamlam ang kanyang mga mata. "I thought I did what's best for you..."
Malungkot itong ngumiti. "No... and your decision just made me look for love in somebody else so..." She drew in a sharp breath. "This time please just follow your heart and don't let your chance slip away just because you think you're causing trouble to the person you love. Mahalaga ka sa akin kaya... kung mayroon na talagang iba, sana maging masaya ka na lang. Hindi na kita guguluhin pa."
Tumayo ito at tuluyang naglakad pabalik ng Raja, ngunit bago pa ito nakalayo ay nagsalita na si Linus.
"We can't be together. Ako lang naman ang may gusto."
Nilingon siya nito. "Did you even ask?"
Lumunok siya at umiling kaya mapakla itong napangiti.
"Then you are simply assuming things, Linus. You once assumed that you're a burden to me and that's how we lost what we had. Don't make the same mistake and just confess..."
Pinanood niya itong maglakad nang tuluyan, at nang mag-sink in sa kanyang isip ang huling mga sinabi ni Micah, tuluyang napabuga ng hangin si Linus saka niya hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.
"Hay, tangina." He sighed. "Bahala na nga kung anong mangyayari..."
Tuluyan siyang lumakad patungo sa nakaparadang golf cart at buo na ang loob na bumalik ng clubhouse. Anuman ang kahinatnan ng gagawin niya, ihahanda na lamang niya ang kanyang sarili... pati ang kanyang pisngi oras na masuntok siya ni Ivler dahil sa gagawing pag-amin.
IVLER stared at the pool while remembering how Linus left them after seeing his face turned red. Was he disgusted of him? Siguro. Baka nga nahalata na rin talaga nito ang tunay niyang nararamdaman kaya ito na ang kusang umiwas.
He felt bad when Linus did that, kasi pakiramdam niya ay iyon na ang kumpirmasyong kailangan niya para mapagtanto na kahit kailan hindi talaga sila magtatagpo sa dulo.
Naupo si Trunk sa kanyang tabi saka nito piniga ang kanyang balikat. "Are you upset because you lost the game or because of something else?"
Kilala siya ng mga kaibigan bilang isang competitive na tao, ngunit alam niya sa sarili na hindi naman ang pagkatalo sa laro kanina ang dahilan kung bakit ang bigat ng dibdib niya ngayon.
"Yeah," sagot na lamang niya bago tinungga ang kanyang bote.
Umismid si Trunk. "Liar." Bumuntong hininga ito. "Do you know why I went home all the way from California? Because these grown up kids of mine said you and Linus needed help."
Biglang kumabog ang dibdib niya at tumingin kay Trunk. "W—What?"
Trunk smirked. "What? You think they're that naive to not even notice that there's something going on with you and Linus? You think they didn't pay attention when Sandro tried to make you jealous when he laid on Linus' back? Iyong pag-alis mo sa initiation party para sumunod kay Linus. Iyong night fishing, do you think Jael would tell his guests to stay out of the waters at night so you won't feel shy to go for a sail, kung hindi nila napapansin? Iyong pagseselos mo sa ex-girlfriend ni Linus, pati ang kung paano na nag-react kanina sa sagot niya, it's all obvious." Ginulo nito ang kanyang buhok. "Ikaw ang bunso ko rito sa MCB. Kararating ko pa lang pero alam ko na kaagad kung ano ang nangyayari. Paano pa ang mga 'yan na ilang linggo nang nag-oobserba?"
Napalunok siya at nahihiyang yumuko. "I... don't think we're on the same page, Chief."
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan kaya kung ako sayo, kumilos ka na. Ilang araw na lang 'yon dito."
Tinignan niya ito matapos pasadahan ng tingin ang mga kasamahan nila. "Hindi ba kayo naiilang?"
"With what? Sa sudden shift ng sexuality mo? We're not your true friends if we wouldn't accept you for who you truly are at kung kami pa ang unang pipigil sayo na piliin kung anong makakapagpasaya sayo. I know we have an oath here, but a part of me always wish that my boys will soon break it. Kasi kapag nangyari 'yon, Ivler, ako ang pinakamagiging masaya." Tinapik nito ang kanyang likod. "Go ahead. I didn't raise cowards, Beckham."
Napangiti si Ivler. Tinango niya ang kanyang ulo saka inilapag ang kanyang beer. Nang makatindig siya ay tuluyan siyang ngumiti kay Trunk.
"Thank you for helping out, Chief."
Ngumiti ito nang mas malawak at tumango. "Now go get him and don't disappoint me."
He smirked and nodded his head. Umalis siya ng pool area at sinubukang katukin si Linus sa cabin nito, ngunit nang makita siya ni Stephan at sinabihang nakita nito si Linus na papunta ng Raja Amor, tuluyan siyang umalis ng clubhouse upang sundan ito sa pag-aakalang pupunta ito para mangisda nang mag-isa.
He's so terrified at the moment but Trunk was right. He's never going to find out the truth between him and Linus if he will just keep his feelings to himself.
Salamat sa alak na pwersahan niyang nainom kanina sa laro, kahit paano ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para sumakay ng golf cart at puntahan si Linus upang umamin na, ngunit nang makarating siya ng Raja at nakita si Linus na kasama si Micah sa tabing dagat, pakiramdam ni Ivler ay tumigil ang mundo niya lalo nang makita ang sumunod na eksena.
Micah kissed Linus... and he kissed her back...
Parang nilamutak ang kanyang puso at ang tanging nagawa na lamang niya ay ang tumalikod upang isalba ang sarili mula sa mas matinding sakit. Kahit na ang sikip-sikip ng dibdib niya, bumalik siya sa golf cart na ginamit at minaneho ito pabalik ng clubhouse. Gusto tuloy niyang tawanan ang kanyang sarili dahil sa rami ng nakarelasyon niya noon, ito pa yatang wala namang naging label ang pinakamasakit.
He's already slapped with the answer he's looking for. Hindi na kailangan pang magtanong, kaya wala na ring dahilan pa upang manatili sa Monte Costa habang naroroon pa si Linus. He already caused enough pain to himself tonight. Wala naman sigurong masama kung ililigtas niya na ang sarili mula sa mas matindi pang sakit.
With a heavy heart, Ivler packed his things and carried his travel bag, but the moment Ivler opened the door, his heart almost dropped to the floor when he saw the man standing right behind it.
"Linus..."