Kabanata 3

2429 Words
Maingat na itinabi ni Kyrielle para matuyo ang asul na payong galing sa isang estrangherong lalaki na nagbigay nito sa kanya. Kauuwi lamang niya at hindi mawala sa isipan niya kung sino ang lalaking iyon o kung bakit ito nagsakripisyo na mabasa sa ulan para lang sa kanya. Kung sino man iyon ay napakabuti ng kalooban nito. Napangiti siya sa kawalan dahil sa pag-iisip sa estrangherong lalaki na iyon. Madaming magagandang bagay ang nangyari sa kanya sa araw na ito. Una ay nakahanap na siya ng trabaho, pangalawa ay nagkaroon pa siya ng nanay-nanayan at pangatlo ay may naengkwentro pa siyang mabuting lalaki. Bigla niya tuloy naalala ang kawawang tutang nakita niya kanina. Gustuhin man niyang iuwi ito ngayon sa kanila ay baka pag-awayan lang nila iyon ni Murphy dahil hindi ito mahilig sa mga ganoong bagay. Kaya naman, siniguro na lamang niya kanina na nasa maayos at ligtas na lugar ang kawawang tuta na iyon. Siguro ay babalikan na lamang niya bukas iyon para muling tingnan. Pagkapasok niya sa loob ng kanilang bahay ay nagulat siya sa kanyang nadatnan. Iba ito sa inaasahan niya. Inaasahan niya na kasing may kasama na namang ibang babae si Murphy, o 'di kaya'y nasa kwarto sila ng babae nito at gumagawa na naman ng milagro. Pero hindi ganoon ang bumungad sa kanya. "Nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay," nakangiting salubong sa kanya ni Murphy. Kinuha nito mula sa kanya ang bag niya at inakbayan siya nito. Nakangisi naman sa kanila ang isang matandang lalaki. Kumabog ang dibdib niya dahil doon, iba ang kutob na nararamdaman niya. "Sino siya?" tukoy niya sa matandang lalaki na nasa kanilang harapan. "Siya si Don Evasco," masiglang tugon ni Murphy sa kanya. Tumaas ang kaliwang kilay niya sa lalaki dahil sa paghihintay pa ng susunod nitong sasabihin sa kanya. "Sa kanya ka na muna uuwi ngayong gabi na ito, Kyrielle," at pagkuwan ay bulong nito sa kanya na siyang nagpataas ng kanyang mga balahibo sa kanyang katawan. "Ano? A-Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo niyang tanong kay Murphy habang pilit siyang humihiwalay dito mula sa pag-akbay nito sa kanya. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa sinasabi ni Murphy sa kanya. Ngunit mas lalo lamang inilapit ni Murphy ang sarili nito sa kanya habang nakaakbay pa rin sa kanya. Idiniin pa nito ang kamay nito sa kanyang braso na tila pinatitigil siya sa pagpalag na ginagawa niya. "Ngayong gabi lang naman, Kyrielle. Ngayong gabi lang," saad ni Murphy sa kanya na tila ba may pagbabanta sa boses nito. Tinapunan niya ng tingin ang matandang lalaki na ngayon ay nakangisi sa kanya habang sinusuri siya nito ng tingin, mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang paa. Na para bang kung tingnan siya ngayon nito ay hinuhubaran siya nito. Napalunok siya ng sunod-sunod dahil doon. "H-Hindi ko maintindihan," kinakabahang tugon niya pa kay Murphy. "Hindi pa ba malinaw sa iyo?" tanong ni Murphy sa kanya at pagkuwan ay inilapit nito ang sarili sa tapat ng kanyang tainga saka ito bumulong doon, "Ibinenta kita sa kanya para sa isang gabi." Tila parang isang malakas na sampal sa kanyang pagkatao ang mga salitang binitawan ni Murphy sa kanya. At para ba siyang nabingi nang mga sandaling iyon. Batid niyang nagbago na ang lalaki sa kanya at maaaring wala na rin itong pagmamahal para sa kanya, kaya siya nagagawang lokohin na lamang nito ng harap-harapan at kaya din siya nagagawang saktan din nito. Ngunit ang ganito na ibebenta siya nito sa iba ay sobra naman talaga! Wala na ba talaga siyang halaga kahit na kaunti para sa lalaki? Dahil doon ay nagsimulang manikip ang kanyang dibdib at mag-ulap ang kanyang mga paningin. "Ayaw ko!" bulalas niya sa lalaki. "Nahihibang ka na ba?! Anong karapatan mo para ibenta ako sa kung sino lang?!" galit na singhal niya sa lalaki kasabay ng pilit niyang pagpapakawala mula sa pagkaka-akbay nito sa kanya. "Kyrielle, hindi kung sino lang si Don Evasco. Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo!" inis na sigaw sa kanya ni Murphy. "Don Evasco, pagpasensyahan mo na ho siya—" balin pa ng lalaki sa matanda na nasa harapan nila na agad din naman nitong pinutol. "That's all right," nakangising turan ng matandang lalaki sabay lapit hakbang nito papalapit sa kanya. Napalunok siya ng ilang beses at halos masuka siya nang hawakan ng matandang lalaki ang kanyang mukha. "You're so damn sexy. I can't resist on you, Sweetie," magaspang na wika ng matandang lalaki sa kanya. Dahil doon ay buong lakas niyang kinabig ang kamay nitong nasa kanyang mukha saka siya lumayo dito. "Hindi ako sasama sa iyo! Hindi ako papayag sa gusto ninyo! Mga baboy kayo!" sigaw niya. Tila hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili. Malakas na humalakhak lang naman ang matandang lalaki sa kanyang harapan. "I really damn like you! Ganyang-ganyan ang mga tipo ko. ‘Yong pumapalag at marunong lumaban," gigil na sabi naman ng matandang lalaki sa kanya. Nang akmang hahawakan siya ulit nito ay mabilis na siyang tumakbo palayo sa mga ito. Pero agad din siyang nahuli ni Murphy at hinila papasok sa loob ng kanilang kwarto. "Anong problema mo? Huh?! Bakit mo iyon ginawa sa kanya?!" galit na sigaw sa kanya ni Murphy habang napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang palapulsuhan. "Hindi ako papayag sa gusto ninyo!" pagmamatigas niya sa lalaki. At sa isang iglap ay naramdaman niya na lamang ang paghapdi ng kanyang kaliwang pisngi. Para siyang nabingi sa sobrang lakas ng pagsampal nito sa kanya. "T*ng*n* ka! Napakaarte mo! Huwag ka nang pakipot! Magpasalamat ka nga at tinutulungan kita na makahanap ng trabaho!" bulyaw ng lalaki sa kanya. Dahil doon ay hindi na niya napigilan pa ang paglandas ng kanyang mga luha. Napakasakit ng sampal na natanggap niya mula sa lalaki, ngunit higit na mas masakit sa puso niya ang pagpapawalang halaga nito sa kanya. "Trabaho? Anong trabaho ang sinasabi mo? Ang sabihin mo gusto mo lang akong pagkakitaan! Gusto mong pagkakitaan ang p********e ko!" umiiyak niyang sigaw sa lalaki. "Bakit, Murphy? Anong ginawa ko sa iyong kasalanan at ginaganito mo ako ngayon?" mapait na tanong niya pa. "Pwede ba? Huwag mo akong dramahan—" "Wala na ba talaga akong halaga para sa iyo kahit na kaunti?" mapait na putol na tanong niya sa lalaki habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. "Halaga? Hindi tayo mabubuhay ng halaga na iyan, Kyrielle! Ang gusto ko pera! Kaya magtrabaho ka!" singhal sa kanya ng lalaki. "May trabaho na ako, Murphy! Natanggap ako sa in-applyan ko kanina. Hindi mo ako kailangang ibenta sa iba!" hagulgol niya sa harapan ng lalaki habang patuloy sa pagsikip ang kanyang dibdib. "Anong klaseng trabaho iyon? Katulong? Tindera? Kikita ka ba doon ng malaki? Hindi naman 'di ba?! Samantalang sa Don Evasco na iyon, libo-libo ang magiging pera natin!" bulyaw sa kanya ng lalaki na siyang patuloy na humihiwa sa kanyang puso at pagkatao. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi nito ngayon sa kanya. Paano nagagawang sabihin nito sa kanya ang ganoong mga bagay? Paano siya nito nagagawang ibugaw sa iba? "At ano naman ang kapalit?! Ang p********e ko?! Ang dangal ko?!" mapait na tanong niya sa lalaki. "Dangal?" Pumalatak si Murphy. "Matagal ka ng walang dangal, Kyrielle. Kinuha na iyon ng sarili mong ama," pang-uusig nito sa kanya na mas nagpadoble ng sakit na nararamdaman ng puso niya. Hindi niya maunawaan kung bakit ganito siya sinasaktan ng lalaking mahal niya. Ano na ba talaga ang nangyari sa lalaking minamahal niya? Nasaan na ba ito ngayon? Sa sobrang sakit na nararamdaman niya ay para bang mauubusan na siya ng hangin sa paghinga. "Kahit kailan hindi ko ginusto iyon, Murphy. Sa iyo ko lang ibinigay ng buo ang sarili ko dahil mahal kita!" hagulgol niya. "Huwag mo naman akong ganituhin." Nag-iwas ng tingin si Murphy sa kanya nang sabihin niya ang mga bagay na iyon. Sandali silang kapwa natahimik na dalawa at tanging ang pagtangis niya lamang ang siyang naging ingay sa buong silid na kinaroroonan nila. Ilang sandali pa ang lumipas ay muli siyang tiningnan nito sa kanyang mga mata. "Akin ka, Kyrielle. Kaya gagawin ko sa iyo kung ano ang gusto ko. Pag-aari kita kaya susundin mo ako," matigas na sabi nito sa kanya na siyang tuluyang nagpadurog sa kanyang sugatan at luhaang puso. *** WALANG mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ni Kyrielle. Bata pa lamang siya ay puro sakit na ang dinanas niya sa piling ng kanyang mga magulang. Ngunit nang makilala niya si Murphy, ang akala niya ay magiging masaya na siya habang buhay sa piling nito. Akala niya ay hindi na siya muling iiyak pa. Akala niya ay hindi na siya muling masasaktan pa ng ganito. Ngunit nagkakamali pala siya. Sa una lang pala masaya ang lahat. Sapagkat ang kaligayahan na naramdaman at naranasan niya sa piling ng lalaking pinili niyang pagkatiwalaan at mahalin ay nagwakas na. At para bang isang bangungot ang katotohanan na iyon na siyang lumalamon ngayon sa kanya. Hindi niya matanggap. Ano ba ang naging kasalanan niya sa mundo upang maranasan niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon? Labag man sa kanyang kalooban ay wala na rin siyang nagawa pa kung 'di ang sumama na lamang sa matandang lalaki na pinagbentahan sa kanya ng lalaking minamahal niya. Naisip niyang ito na nga lang siguro talaga ang mapait na kapalaran niya. Pagod na siyang mangarap ng isang masayang buhay. Pagod na siyang umasa na balang araw ay may magmamahal talaga sa kanya ng totoo. Wala na ding mga luha ang lumalabas sa kanyang mga mata. Tila naubos na yata lahat. Sumakay si Kyrielle sa kulay itim na mamahalin at magandang sasakyan ng matandang lalaki na nagngangalang Don Evasco. Sa tabi niya ay naroroon ang matanda na nakangisi habang pinagmamasdan siya. Naikuyom niya ang kanyang mga kamay sa halo-halong nararamdaman niyia. Gusto niyang tumakas at tumakbo ngayon pero pakiramdam niya ay wala lang din iyong magiging saysay sapagkat hindi naman siya papayagan ni Murphy na makatakas sa kanila. Sinimulan na buhayin ng driver ni Don Evasco ang sasakyan at mula sa bintana ay agad niyang natanaw si Murphy na nakatanaw sa kanila. Wala siyang mabasang anomang emosyon sa mukha ng lalaki. Banayad lamang itong nakatingin sa kanila hanggang sa tuluyan na ngang umandar ang sasakyan na kinaroroonan niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humahapdi ang puso niya sa sobrang pagsakit nito. Hindi niya matanggap na nagawa sa kanya ni Murphy ang mga bagay na ito. Hindi niya matanggap na wala na siyang halaga para sa lalaki. At higit sa lahat, hindi niya matanggap na sa kabila ng lahat ng sakit… ay minamahal niya pa rin ito. Tanga na kung tanga. Pero palihim siyang umaasa na sana ay sundan siya ni Murphy at ibalik siya nito pauwi sa kanilang bahay. Palihim siyang umaasa na ililigtas din siya ni Murphy ngayon at hihingi ito ng tawad sa kanya. Pero hanggang sa pag-asa na lang yata talaga ang magagawa niya. Katulad ng sa pag-asa niya noon na mahalin sana siya ng tama ng kanyang mga magulang. Imposible! Napakaimposible! Walang humpay ang pagwawala ng kalooban niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa bahay ni Don Evasco. At nang mga sandaling iyon ay maraming katanungan ang nabuo sa kanyang isipan katulad ng… paano nga ba siya makakatakas sa sitwasyon na ito? Bakit napaka-unfair ng Diyos sa kanya? Bakit Nito hinahayaan na maranasan niya ang mga bagay na ito? At bakit sa dinami-dami ay siya pa ang kinakailangan na makaranas ng kalupitan na ganito? Ano ba ang naging kasalanan niya sa mundo at puro sakit na lang ang dinadanas niya? Ito ang mga katanungan niya noon pa man na magpahanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya maghihintay sa mga kasagutan na matagal na niyang hinahanap. O masasagot pa nga ba ang lahat ng katanungan niyang iyon. Ilang sandali pa ang nakalipas nang tumigil ang sasakyan na sinasakyan niya sa tapat ng isang malaking mansyon. Sandali siyang namangha sa laki at ganda ng mansyon na tanging sa panaginip lamang niya nakikita noon. Ganitong klase ng mansyon ang pangarap niyang tirahan kasama ang lalaking minamahal niya na si Murphy, at kasama ang magiging mga supling nila. Ngunit ngayon ay batid na niyang kahit kailan ay hindi na iyon maisasakatuparan pa. Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ng driver ni Don Evasco. Hirap naman siyang napalunok habang tila hindi niya alam kung bakit parang ayaw gumalaw ng katawan niya. Naninikip ang dibdib niya ngunit kasabay din no’n ang kakaibang takot at kaba na nararamdaman niya. Na kung pakikinggan ng mabuti ay naghuhumiyaw sa pagsigaw ng saklolo ang kanyang puso sa kung sinomang makakarinig sa kanya. Sana nga ay mayroon talagang makarinig sa kanya. Habang naglalakad siya papasok sa loob ng malaking mansyon, kasunod ni Don Evasco at pinalilibutan ng mga tauhan nito, ay tila ba hindi niya maramdaman ang mga paa niya sa lupa. Nanlalamig siya at habang tumatagal ay mas lalong sumisikip ang dibdib niya. Hanggang sa dalhin siya ni Don Evasco sa isang malaking silid. Gusto sana niyang sumigaw at humingi ng tulong sa mga taong nakikita niyang naroroon sa mansyon na tila mga tauhan at kasambahay ng matanda. Lalo pa nang iwanan na sila ng mga ito sa malaking silid na iyon. Pero para bang may kung anong nagbara sa lalamunan niya nang mga sandaling iyon, dahilan upang hindi siya makapagbigkas ng kahit na anomang salita. Patuloy naman sa pagbigat ang nararamdaman niya at sa pagsakit ng sobra ang puso niya, dahil sa pagpapabaya at pagbalewala sa kanya ng lalaking mahal niya. "Sabayan mo akong mag-shower," nakangising sabi sa kanya ni Don Evasco habang tinatanggal nito isa-isa ang mga butones ng damit nito. Mapait na umiling lang siya rito pero lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa kanyang braso. Pumiglas siya sa matanda pero hindi niya alam kung bakit parang hinang-hina siya at hindi niya magawang manalo sa matandang lalaki. Sa huli ay nagtagumpay ito na maisama siya sa loob ng shower room. Tinanggal na nang tuluyan ng matanda ang kasuotan nito at tanging ang pang-ibaba na lang ang natira. Bumungad sa kanya ang kulu-kulubot nitong balat sa katawan. "Tanggalin mo na din ang suot mo," nakangising utos nito sa kanya. "Nandidiri ako sa sarili ko," tanging bulong niya sa kanyang isipan. Nanikip ng sobra ang dibdib niya hanggang sa... isang hindi pamilyar na lalaki ang nagbukas ng pinto ng shower room at gulat na napatitig sa kanila. Tila humahangos pa ito dahil sa pagmamadali sa hindi malaman na dahilan, hanggang sa—wala na siyang ibang maalala pa sapagkat tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD