Halos mabaliw si Kyrielle dahil sa masuyong pagsamba sa kanya ng lalaking kasama niya ngayon sa loob ng apat na sulok ng kwartong nirentahan nila para sa gabing ito. Kapwa nilang habol-habol ang kanilang mga hininga at pagdaka'y sabay silang pagod na bumagsak sa malambot na kama nang sabay nilang maabot ang rurok ng liwanag.
"It's your turn, baby," the guy whispered in her ears.
At kahit na hindi pa siya nakakabawi sa lakas na nawala sa kanya ay umibabaw na agad siya sa lalaking kanyang sineserbisyuhan at pinaliligaya. She suddenly smirked when she saw his large member stands proudly. Ginalingan niya ang pagpapaligaya sa lalaki hanggang sa muli nitong maabot ang sukdulan.
"That's great, baby," the guy said huskily to her at muli na naman nitong sinakop ang kanyang mga labi. "I still want you," bulong pa nito sa tapat ng labi niya.
Sumulyap si Kyrielle sa oras ng suot niyang relo saka siya mabilis na umiwas at lumayo sa lalaking banyaga na kasama niya. "But, your time is up, baby," nakangising tugon niya dito.
"Let's have another round please. I'm still horny. I'll pay you more, don't worry," saad ng lalaki sa kanya sabay halik nito sa kanyang panga. At doon ay naulit pa nga ng ilang beses ang init na pinagsaluhan nilang dalawa.
Pasado alas tres na nang madaling araw nang matapos sila sa pagniniig. At bago pa makatulog nang tuluyan dahil sa pagod ang banyagang lalaki ay inabutan na siya nito ng cash na nagkakahalaga ng forty thousand pesos. Nakaapat na round kasi sila, kotang-kota ang lalaki sa kanya.
Nang masiguro na niya na malalim at mahimbing na ang tulog ng lalaking kasama niya ay mabilis na siyang nagbihis saka ito tuluyang iniwanan sa silid na iyon. Sanay naman na siya na umuwi ng ganitong oras dahil ganitong oras niya lagi iniiwanan ang mga nagiging customer niya kapag natapos na ang serbisyo niya sa mga ito.
Sa paglipas ng walong taon ay madami na ang nangyaring pagbabago sa buhay ni Kyrielle. Noong una ay ayaw niya talaga ng pinapagawa sa kanya ni Murphy. Natatandaan niya pa nga noong unang beses na ibinenta siya nito sa isang matandang lalaki na si Don Evasco. Samu’t sari ang emosyon na nararamdaman niya noon at mabuti na lamang at hindi iyon naging matagumpay. Sapagkat may dumating na isang lalaki nang araw na iyon kaya napigilan ang masamang balak sa kanya ng matandang mayaman na si Don Evasco. Naaalala niyang nawalan pa siya ng malay noon at nagising na lamang siya kinabukasan sa bahay na inuupahan nila ni Murphy.
Hindi sinabi sa kanya ni Murphy kung sino ang naghatid sa kanya pauwi sa bahay o kung paano siya nakabalik sa kanila. At pagkatapos ng araw na iyon ay wala na din siyang naging balita pa tungkol sa matandang lalaki na pinagbentahan nito sa kanya. Pero sa kabila no’n ay hindi pa rin tumigil si Murphy na hindi siya mapapayag sa gusto nito.
Nang mga panahon rin na iyon ay ilang beses siya nitong ginamit, walang halong pag-iingat at madalas na saktan kung maibigan lamang ng lalaki. Ang dahilan nito ay para daw mas hanapin ng katawan niya ang kahalayan at nang sa ganoon ay pumayag na siya sa kagustuhan nito na magbenta ng aliw sa mayayamang lalaki. Bagay na hindi niya maatim-atim at halos sumpain na niya si Murphy dahil doon. Lalo pa nang dumating na din sa punto na pinagbantaan na nito ang buhay niya mapapayag lamang siya sa kagustuhan nito.
At sa mga panahon na iyon ay tuluyan na ngang naglaho ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa lalaki, at sa halip ay napalitan na iyon ng matinding pagkamuhi. Pero hindi iyon ang naging dahilan kung bakit napapayag siya nito na pasukin ang maruming mundo at pamumuhay na mayroon siya ngayon. Hindi ang mga pagbabanta at ang mga pananakit ng lalaki ang naging dahilan kung bakit naging isa siyang bayarang babae.
Nagbunga ang ilang beses na paggamit sa kanya ni Murphy, at nang sinabi niya sa lalaki ang tungkol sa pagdadalang-tao niya ay sinabi nitong ipalaglag na lamang ang bata. Sa sobrang pagkahabag niya para sa kanyang sarili at para sa batang nasa sinapupunan niya ay nagmakaawa siya sa lalaki na buhayin lamang ang anak nila, at papayag na siya sa kagustuhan nito. Hindi niya nais na alisan ni Murphy ng buhay ang batang nasa sinapupunan niya, sapagkat wala naman itong kasalanan sa kahit na sino. Wala itong kasalanan sa mundo para sa kalupitan na iyon. At para sa kanya, ang anak na lamang niya ang nag-iisang mayroon siya.
Sa huli ay napapayag naman niya ang lalaki. Hinayaan ni Murphy na buhayin niya ang batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Kahit na alam niyang sa oras na isilang na niya ito ay ilalayo lang din naman ito sa kanya ni Murphy. Ayos lang iyon sa kanya basta mabuhay lamang ang anak niya at maibigay sa maayos at mabuting pamilya.
Maayos at mabuting pamilya. Bagay na kailanman ay hindi siya nagkaroon. Bagay na ipinagkait sa kanya ng Diyos. Bagay na alam niyang para lamang at dapat lamang sa iba, hindi sa tulad niya.
Nang isinilang niya ang kanyang anak na babae ay halos pumutok sa sobrang pagkatuwa ang puso niya, lalo pa nang marinig niya ang una nitong pagpalahaw at nang masilayan niya ang maamo nitong mukha. Iba pala talaga sa pakiramdam ang pagiging isang ina. Napakasarap sa pakiramdam na may buhay siyang dinala ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan at ngayon ay matagumpay at ligtas niyang nailabas sa mundo.
Ngunit masakit man sa loob niya, ay wala na siyang ibang nagawa pa nang kunin at ilayo na ni Murphy ang anak niya sa kanya. Pero siniguro naman ng lalaki na sa maayos na pamilya niya iiwan ang anak nila. Kung kanino man, iyon ang hindi niya alam. Hindi kasi nais ni Murphy na malaman niya ang tungkol sa pinag-iwanan nito sa anak nila dahil baka daw balikan niya lamang ang bata at takasan niya ito. Bagay na siyang pinanghawakan niya.
Ginawa at sinunod niya ang mga pinagawa at gusto ni Murphy, para sa pagdating ng tamang panahon, kapag kaya na niya ay mahanap na niya ang anak niya at sabay silang lalayo sa demonyo nitong ama. Kinalimutan niya ang kanyang sarili para sa kapakanan ng kanyang anak. Lagi kasi siyang pinagbabantaan ni Murphy na kapag hindi siya nagtrabaho ng maayos ay sasaktan nito ang bata. Bagay na ikinatatakot niya ng husto. Lumaki siya sa sakit, pagdurusa at hirap. Kaya naman ayaw niyang maranasan pa iyon ng kanyang anak. Ayaw niyang matulad pa ito sa kanya kaya naman ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para sa anak niyang nawalay sa kanya.
Sapagkat naniniwala siya na darating ang araw na makakasama niya rin ang anak niya. Kung kailan iyon? Iyon lang ang hindi niya alam. Pero ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Ang anak na lamang niya ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa na magpatuloy sa laban ng buhay. Nabubuhay na lamang siya para sa anak niyang nawalay sa kanya.
Sa loob ng walong taon na pagtatrabaho niya bilang isang entertainer at bayarang babae ay nakakapag-ipon na siya kahit na papaano. Hindi iyon alam ni Murphy dahil tiyak siyang kukunin lamang nito ang mga naipon niya kapag nalaman nito ang tungkol doon. Nagsimula talaga siya bilang isang entertainer sa club na pinagpasukan sa kanya ni Murphy. Kahit na labag sa loob niya ay nagpe-perform siya doon sa pamamagitan ng pagsasayaw ng halos nakahubad na. Natatandaan niya pang noong unang gabi na sumasayaw siya sa gitna ng entablado habang pinagtitinginan at pinagkakatuwaan siya ng iba’t ibang tao na nanonood doon, ay katakot-takot na pagsumpa na sa sarili at kay Murphy ang ginawa niya. Pero para sa anak niya, natuto siyang lunukin lahat ng takot at pag-aalinlangan niya. Hanggang sa paunti-unti ay pumapayag na din siyang sumama sa iba’t ibang lalaki na nag-aalok ng malaking pera sa kanya kapalit ng aliw niya.
Madalas na mga amerikano ang tinatanggap niyang customer, dahil doon ay natututo na rin siya ng lenggwahe ng mga ito. Pumapayag lang naman siya na kapwa pinoy ang bumili ng gabi niya kung mala-artistahin at kung mapera din ang mga ito. Nagpapagamit lang din naman siya, kaya bakit hindi pa niya sulitin na sa mga mayayaman at bigatin, hindi ba? Kahit na bayaran siyang babae ay mapili din naman siya. Hindi siya napatol basta-basta sa kung sino lamang. Ginagamitan niya ng utak ang bawat pagsama niya sa iba't ibang lalaki.
Ilang sandali pa ang nakalipas nang makarating siya sa kanilang bahay at makarinig siya ng mga kakaibang ingay mula sa kabilang kwarto. Bagay na siyang nakasanayan na niya. Sanay na sanay na siya sa ganito.
Halos araw-araw kasi ay ganito ang senaryong nadadatnan niya. Uuwi siya galing sa trabaho at madadatnan niya na may kalampungan na ibang babae ang demonyong kinakasama niyang si Murphy. Minsan naman, kung uuwi siya na wala itong kasamang babae ay siya ang pinagnanasaan nito.
Oo demonyo ang lalaki. Anak ito ng demonyo. Ay hindi pala. Ninuno ito ng mga demonyo. Ito ang bagay na palaging pumapasok sa isipan niya sa tuwing makikita niya ang lalaki. Pinatay ng lalaki ang damdamin niya para rito. Ginawang bato ng lalaki ang puso niyang tanging ito lang naman ang minahal at pinagkatiwalaan. Ngayon ay wala ng ibang mas mahalaga pa sa kanya kung 'di ang kaligtasan at ang kapakanan ng kanyang anak na isang beses lang niya nasilayan dahil sa demonyo nitong ama.
Puro droga, pera, sugal, at babae ang inaatupag ng demonyong lalaki. Hiling nga niya araw-araw na sana ay dumating ang araw na magkasakit ito. Siya ang unang matutuwa kung sakali mang dumating ang araw na iyon.
Sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Murphy ay hindi siya pumapayag na wala itong suot na proteksyon. Gano'n din naman siya sa lahat ng mga nagiging customer niya.
Dere-deretsyong pumasok si Kyrielle sa kanyang sariling kwarto upang magpahinga na. Isa ito sa mga hiniling niya kay Murphy. Ang bumukod na siya ng kwarto dahil hindi na naman katulad ng dati ang relasyon nilang dalawa. Ibang-iba na ang lalaki kumpara noon. Ibang-iba na sila kumpara noon at wala na siyang natitirang pagmamahal pa dito kahit na kaunti. Pumayag naman ang lalaki sa gusto niya. Pabor din iyon sa lalaki para hindi niya maistorbo ito kung may kasama itong ibang babae.
Wala na siyang nararamdaman pa na pagmamahal para sa lalaki. At batid niyang ganoon din naman ito sa kanya. Noong araw pa lang na ibinenta siya nito sa mayamang matandang lalaki ay alam na niyang tuluyan nang nawala ang pagmamahal sa kanya ng lalaki.
Sino ba naman kasing matinong lalaki ang magbubugaw sa iba sa kanilang mga mahal? Nang dahil sa mga bisyo ni Murphy ay nagawa nitong sirain ang buhay niya. Wala itong pinagkaiba sa kanyang mga magulang na matagal na rin niyang isinumpa.
Ilang sandali pa nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa kwarto niya. Nagitla siya dahil doon at mabilis na napatingin doon. Napalunok siya ng makita si Murphy na walang saplot sa katawan habang dere-deretsyong pumasok sa loob ng kwarto niya.
"Nandyan ka na pala," nakangising sabi nito sa kanya.
Batid niya kung ano ang pakay nito ngayon sa kanya kaya mabilis siyang lumayo dito. "Pagod ako," saad niya rito. Tatalikuran niya sana ito nang bigla naman siya nitong hinawakan sa palapulsuhan niya. "Ano ba, Murphy? May kasama ka 'di ba?" Pinilit niyang huwag maipahalata ang takot sa boses niya.
"Tulog na siya. s**t ang hina. Ikaw na lang," nakangisi nitong tugon sa kanya sabay marahang tulak nito sa kanya paupo sa kama niya.
Oo marumi siya. Oo nakakadiri siya.
Sapagkat wala naman siyang ibang magagawa kung 'di ang manatiling marumi at nakakadiri para lang manatiling buhay—ang anak niya.