Elaine's POV
Today is my first day sa school na papasukan ko. Dahil isa akong part-time student ay medyo niluwagan naman nila ang schedule ko. Which is a big help kasi hindi na ako maiistress pa kung paano ko hahatiin ang oras ko sa pag-aaral at sa pagttrabaho.
"Break a leg." Ahl chuckled nang maihinto niya na ang sasakyan niya sa parking lot ng school. Napabuntong hininga naman ako saka inalis na ang seatbelt ko bago siya hinarap.
"Thank you sa paghatid." sabi ko.
"No prob. Just text me kapag kailangan mo na magpasundo." sabi niya na tinanguan ko lang bago bumaba na ng sasakyan niya. Nagwave lang ako sa kaniya bago siya tuluyang umalis.
Si Ahl na kasi ang maghahatid sundo sa akin dito. Well, hindi din naman kasi ako marunong magcommute. At natatakot ako dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito. Kaya mabuti talaga na nandiyan si Ahl para sa akin.
Nagpakawala ulit ako ng isa pang buntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng building. Good thing ay translated to English ang directions nila saka iba pang signage kaya kahit papaano ay hindi naman ako naligaw. Hays, pero siguro dapat matutunan ko din ang lenggwaheng French. Dahil hindi pwedeng sa translation ako lagi nakaasa lalo na kung may balak ako mamalagi pa dito ng ilan pang taon.
Nang makarating akong classroom ay naupo na agad ako sa isang bakanteng pwesto. Pinanood ko lang ang bawat estudyanteng pumapasok sa pintuan hanggang sa dumating na mismo ang professor na kung sa tatantiyahin ko ay mga nasa 50's ang edad.
"Bonjour, I'm Darcey Elisavet Bernard. Just call me Madame Deb. And I'm gonna be your professor for Bachelor of Design in Fashion and Apparel Design. And yes, for the whole four years if you ask. So? Any questions?" sabi niya at tumingin sa paligid pero walang umimik.
"Okay, I think we're good." she smiled sweetly. "Today, I'm gonna give you a tour to our school. And I'm sure you'll get use to it in no time."
Nagdiscuss lang siya ng konti tapos ay tumayo na kami at sumunod sa kaniya para sa sinasabi niyang tour. Habang nag-eexplain siya sa bawat purpose ng room na dinadaanan namin ay nagtatake down notes naman ako. This is why I'm here anyway.
The tour took hours dahil sa isang room yata na madaanan namin ay halos isang oras din nag-eexplain itong proctor namin. Kaya yung iba halos mabored na pero walang magawa kundi magpatuloy. Hahaha!
After the said tour ay binigyan na kami ng time para kumain kaya hinanap ko na ang cafeteria. Nang makarating ako doon ay agad akong naupo sa isang bakanteng pwesto at inilabas na ang baon kong pagkain para kainin habang ginagawa ang ilan sa mga sketches ko.
"Bonjour là!" abot hanggang tengang ngiti ng isang babae saka naupo sa harapan ko. "Je suis Beatriz. Ravi de vous rencontrer. Quel est ton nom?"
Napangiti na lang ako ng mapanglaw dahil di ko siya naintindihan. Hala? Paano ba ito. Anong sasabihin ko? Dapat pala nagpaturo ako kay Ahl ng basics.
"Uhh, sorry. I'm new here in France. I can't understand or speak French." kamot ulo kong sabi. Natawa naman siya.
"Oh, sorry. Hahaha! So, are you pinoy too?" she asked. I nodded.
"Well, kumusta. Ako nga pala si Beatriz. Ikaw?" she smiled. Napatitig ako sa kaniya. Like? Wth? Itong babae na ito looks 100% French for me but she talks tagalog fluently.
"What? Gulat ka ba na nakakapagsalita akong tagalog?" she chuckled.
"Uhh, sorry. I'm Elaine. Hehe. Nagulat lang ako na ang fluent mo sa tagalog kahit na mukhang French ka." sabi ko.
"Hahaha! Well, hindi ikaw ang unang nagsabi niyan. To tell you a story, I'm half Filipino and half French. My Dad's a French and my Mom's a Filipino." she explained. Napatango na lang ako. Kaya pala mukha talaga siyang French. Kasi may dugo pala talaga siyang French.
"Pero ang galing. Ang fluent mo sa tagalog. I'm relieved that I have now someone to talk to." sabi ko.
"Hahaha! Well, like you. I'm also new here. I'm fluent in tagalog kasi I grew up in the Philippines for 12 years. Tapos iyon, we decided to migrate here kaya naadapt ko na din ang French language." napatango-tango naman ako sa sinabi niya.
"Mahirap ba aralin ang French? I want to learn too actually." sabi ko.
"Well, at first mahirap talaga. Kasi bigkas bigkas pa lang grabe na. Isang maling bigkas ibang meaning na lalabas. Hahaha! Pero once na magtagal masasanay ka na din." paliwanag niya. Nagkwentuhan pa kami after that hanggang sa matapos na ang breaktime namin at bumalik na naman kami sa klase.
I focused myself on the lectures while taking down notes. I did my best on the activities and recitation. Sinigurado ko na unang araw pa lang ay gagalingan ko na. That's what I'm here for anyway. To do my best. I'm not intelligent like Cyleen or Gian pero ang maipagmamalaki ko lang is yung sikap ko.
After class ay inayos ko na ang gamit ko. Agad naman akong inapproach ni Beatriz.
"So, you are a scholar pala? That means you're intelligent?" she asked.
"Uhm. Siguro?" I chuckled saka sinakbat ang bag ko at kasabay na naglakad palabas kasama si Beatriz.
"So, where do you stay here?" she asked.
"Uhm, I forgot the name. Pero tapat lang namin is the Ourcq Canal." sagot ko. Napatango naman siya.
"Ohh nice. So you said, you have a friend here?" she asked.
"Yep. And there he is." sabi ko nang saktong makitang huminto ang kotse ni Ahl sa tapat namin.
"Ohhh. FRIEND? Okay. Okay." tumatango niyang sabi saka ngumisi sa akin.
"No--He's..."
"Goodbye, Elaine! See you tomorrow. Enjoy your time with your FRIEND." sabi niya na diniin pa ang salitang 'friend' at kinindatan ako. Bago pa ako makapag explain ay nagpaalam na siya at sumakay na din sa sasakyan na kadadating lang. Napabuntong hininga na lang ako saka sumalay na sa sasakyan ni Ahl.
"Nice, you made a friend already." bungad ni Ahl.
"Ahh, oo. Si Beatriz." sagot ko pagkakabit ng seatbelt ko. "I feel relieved when I discovered that she can talk tagalog. Hahaha! Akala ko lahat na lang ng makakasalamuha ko don is French. Argh. Maybe you should teach me some basic French." sabi ko na ikinahalakhak ni Ahl habang nagddrive.
Nang makarating kami sa place namin ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at pumasok na sa sarili naming room. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong binaba ang bag ko at nagsalang ng tsaa mula sa binigay ni Ahl. I decided to finish my fourth sketch while sipping tea.
Napatigil ako sa pagsketch nang biglang tumunog ang doorbell ko. Agad naman akong tumayo at binuksan ang pinto. Tumambad si Ahl sa harap ko na may dalang pagkain.
"Brought some food!" nakangiti niyang sabi sabay agad pasok sa loob at dumiretso sa kitchen. Inilapag niya sa dining table ang pagkain at agad naglabas ng plato at eating utensils.
"Alam kong di ka pa din kumakain kaya sabayan mo na ako Elaine. Kasi alam mo? Ngayong alam kong may kaibigan ulit akong nakatira malapit sa akin, parang di na ako sanay kumain ulit mag isa. Hahaha! Kasi you know nung nandito pa si Leen, lagi kaming sabay kumakain non. Breakfast, Lunch, Dinner. Kaya I hope you don't mind me eating with you."
"Ahh. Ano ka ba. Okay lang. Nakakalungkot naman talagang kumain mag-isa." sabi ko at naupo na sa silya kasabay niya.
"This is my specialty. I want you to taste this and judge my cooking." sabi niya kaya nga agad ko nang tinikman ang itsurang mechado na niluto niya.
"Mmmm. It's good." puri ko sa kaniya which is totoo. Masarap nga talaga ang luto niya. At talagang naamaze ako kasi first time ko makatikim ng homemade French dish.
"That's a boeuf bourguignon." sabi niya. Napatango na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain. Hirap bigkasin ng name hahaha!
"Buti pala marunong ka magluto?" I asked.
"Yep. I learned to cook on my own. Kasi syempre ano pa nga ba aasahan ko kundi ang sarili ko di ba?" he smiled. Pero nakita kong may sadness sa ngiti niya. I want to ask pero sa tingin ko wala pa ako sa posisyon para magtanong kaya natahimik na lang ako at agad iniba ang topic.
"You should teach me how to cook this. " I smiled at him.
"Sure. Sure." sabi niya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nang matapos kami kumain ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan habang si Ahl ay naglilibot sa buong kwarto.
Sakto namang pagkatapos ko maghugas ay lumapit siya sa akin na hawak ang picture namin ni Gian.
"So, you brought this with you huh?" nakangisi niyang sabi. "Do you still love him?" tanong niya pero sinagot ko siya ng ngiti.
"Hmm. I think the right thing to say is that I cherish him." sabi ko.
"Gian is so lucky. He has Cyleen but he also has you." sabi ni Ahl. Napangiti na lang ulit ako.
"Bakit? You're lucky din naman ah? You have Cyleen, your boyfriend, and me." sabi ko. Ginulo-gulo niya naman ang buhok ko.
"Thanks for the reassurance." he chuckled saka nagpaalam na sa akin para bumalik na sa kwarto niya. Napangiti na lang ako nang kunin ang picture namin ni Gian.
"I will reach my dreams and find happiness here Gian. Don't worry." sabi ko sabay inilapag na ang frame sa side table ko at nahiga na sa kama.
--
Kinabukasan ay nagprepare na ako para pumasok sa school. Every Monday, Wednesday and Friday kasi may pasok ako sa school tapos Tuesdays and Thursdays ay pasok ko naman sa agency. Full packed ang weekdays ko pero ayos lang. As long as masaya naman ako sa ginagawa ko.
Nang maihatid na ako ni Ahl sa tapat ng gate ay agad na akong nagpaalam sa kaniya. Pero nagulat ako dahil bumaba siya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Agad naman akong bumaba.
"Thanks." sabi ko. Ngumiti lang siya.
"Break a leg." sabi niya saka agad nang sumakay ng sasakyan niya. Kaya ako naman ay dumiretso na papasok sa loob ng gate. Sakto namang nakita ko si Beatriz na nakaabang pala sa akin.
"Bonjour!" bati niya.
"Bonjour." bati ko in a trying hard French accent kaya parehas kaming natawa.
"So? You didn't tell me that you have a boyfriend." she teased na sa tingin ko ay si Ahl ang tinutukoy niya.
"Hoy! Hindi ah. He's not my boyfriend. Kaibigan ko lang si Ahl." sabi ko.
"Okaaaaay. Sabi mo eh." she giggled pero halata namang di siya kumbinsido sa sagot ko. Napailing-iling na lang ako saka sabay na kaming nagtungo sa classroom.
Nang matapos ang klase ay agad lumapit sa akin si Beatriz.
"Hey, since we're friends na. You want to hangout at my place? Sabay na nating gawin ang sketches na pinapagawa ng prof natin." she asked.
"Uhm...gusto ko sana eh. Kaso susunduin ako ni Ahl at saka di pa ako pamilyar sa lugar na ito." sabi ko.
"Don't worry. Ipapahatid naman kita sa brother ko pauwi. Please, Elaine? Wala kasi talaga akong kaclose dito ikaw lang. And I'm the only girl in the house kaya feeling ko mababaliw talaga ako." pakiusap niya.
"Uhh...Sige. Itext ko lang si Ahl." sabi ko.
"Yeyy! Sige. Sure, sure. Inform your boyfriend first. Hihi."
"He's not my boyfriend." pagtama ko.
"Okay fine. Hahaha! I'll wait you outside. Sabihan ko lang ang driver ko." sabi niya at nagpaalam muna. Kaya ako naman ay agad tinext si Ahl.
-
To: Ahl
Hey, di mo na muna ako kailangang sunduin ngayon. Sasabay ako sa classmate ko, sasaglit ako sa kanila. Magpapahatid na lang ako pauwi.
_
From: Ahl
Hindi sa pagiging kj, Elaine. But you just met her right?
_
To: Ahl
She seems nice naman. You don't need to worry.
_
From: Ahl
Okay fine. Malaki ka naman na. Lol. Just send me their address para in case lang. Or just type SOS if you need help.
_
To: Ahl
Okay sure.
_
Sakto namang lumapit na sa akin si Beatriz at inaya ako kaya nga sabay na kaming sumakay sa sasakyan nila.
Nang makarating na kami sa bahay nila ay agad na kaming pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto niya.
Simple lang ang bahay nila. Hindi ganon kalaki pero maganda naman ang interior sa loob. Parang middle class family sila if irerate mo base sa itsura ng bahay nila.
"Wait here. Kukuha akong juice." sabi niya at lumabas ng kwarto niya. Habang hinihintay siya ay inilibot ko ang paningin ko sa bawat paligid ng kwarto niya. Napangiti na lang ako sa mga naka display na sketches ni Beatriz. Dahil halata talaga na gusto niyang maging isang fashion designer gaya ko.
Napatigil ako nang mahinto ang paningin ko sa isang larawan. Nakita ko ang picture niya. A family picture to be exact. Pero halos magulat ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Si Manon!
Agad akong napabaling sa pintuan nang bumalik na si Beatriz na may dala nang tray ng juice.
"Here. Buti na lang at may stock pa kami ng juice. Good thing that jerk is not at home." sabi niya.
"May kapatid ka pala?" tanong ko sabay kuha ng inaabot niyang juice sa akin.
"Yep. Half-brother." sagot niya kaya lalo akong nacurious.
"Half-brother?" kunot noo ko.
"Yeah. Kasi anak siya ng Dad ko sa unang asawa. But her first wife died from an accident. Then later on, she met my Mom. And--here I am." she chuckled.
"Well, in good terms naman kayo ng brother mo?" I asked.
"Hmm. Neutral lang. He's not living here naman. Sometimes dumadaan siya dito kapag pinapapunta ni Dad. Kapag may special occassion ganon." kibit balikat ni Beatriz.
"Don't worry, I already ask him na dumaan dito para ihatid ka. Tutal yung bahay mo is malapit lang sa lagi niyang pinupuntahan." sagot niya pa. Alam kaya nila na may relasyon si Ahl at Manon? Gusto ko man itanong ay sa tingin ko wala ako sa posisyon para doon. Baka mamaya pala kasi hindi pa alam nila Beatriz, pinangunahan ko agad. Saka parang wala talaga silang ideya kasi hindi kilala ni Ahl si Beatriz nung time na hinahatid sundo niya ako sa school. Para bang, they haven't met at all?
The time passed, kaya nga hinintay na namin sa labas ang sasakyan na maghahatid sa akin pauwi. I'm not surprise when I saw Manon. Pero si Manon mismo ay hindi inaasahan na makikita niya ako sa pamamahay nila, kasama ang kapatid niya.
"Occupez-vous de son con! Assurez-vous qu'elle rentre à la maison saine et sauve!" sagot ni Beatriz. (T: Take care of her, jerk! Make sure she gets home safe or else!)
"Amende, amende." sagot ni Ahl sabay buntong hininga. (T: Fine, fine.)
Pinagbuksan ako ni Elaine ng pinto kaya nga agad na akong pumasok sa sasakyan.
"Bye, Elaine! Thank you for spending time with me. See you on school!" bati niya. Napangiti na lang ako at saka sinara niya na ang pinto. Ilang sandali pa ay umalis na din kami agad ni Manon. Ilang minuto kaming tahimik, hanggang sa huminto ang sasakyan sa red light.
"So, you and my sister know each other." bungad niya sa akin.
"Uhh. Yeah. We're on the same class." sagot ko. Napatango-tango naman siya.
"I'm hoping that you didn't said anything to her about me and Ahl."
"Don't worry, I didn't said anything." sagot ko. Napatango na lang siya ulit saka nagfocus na sa kalsada nang magberde na ang traffic lights. Napatingin na lang ako ng diretso sa labas ng bintana at pinanood ang bawat daan na tinatahak namin.
Tila nakaramdam ako ng konting inis nang marinig ang bilin ni Manon sa akin. I know I'm not in the position to react like this. Pero kaibigan ko si Ahl. At alam kong masasaktan siya kung narinig niya ang sinabi ni Manon sa akin. Pero inisip ko na lang na baka mahigpit ang tatay nila Manon at Beatriz kaya hindi pa mapakilala ni Manon si Ahl sa magulang niya. After all, wala naman akong alam sa relasyon nila.
Nang makarating na kami sa tapat ng apartment ay agad na akong nagpasalamat at nagpaalam sa kaniya. Tinanguan niya lang ako tapos umalis na din siya agad. Sakto namang papasok na sana ako nang makita ko si Ahl na nasa labas. Mukhang hinihintay niya ako.
"Is that Manon?" he asked with a serious tone.
"Uhh, oo." sagot ko. Napatango siya ng marahan. Tila may iniisip. Para hindi iba ang isipin niya sa amin ni Manon ay agad akong nagsalita.
"Don't worry--uhm. Yung classmate na nasabi ko sayo. It happens to be Manon's sister. Kaya iyon. Si Manon ang naghatid sa akin." paliwanag ko pero parang lalo'ng sumeryoso ang mukha niya.
"Oh? Meron pala siyang kapatid? Buti ka pa alam mo." ngiti niya. Pero alam kong di totoo ang ngiti na iyon.
"Ahl--"
"Let's go inside. Kanina pa kita hinihintay." pagpuputol niya sa sasabihin ko. Hindi na lang ako sumagot saka sumunod na sa kaniya papasok sa loob ng apartment. And there's the uneasy feeling again.