6: Louvre Museum

2202 Words
Elaine's POV Schedule ko ngayon ng work sa agency. Maaga ako nag-ayos para hindi na maghintay sa akin si Ahl. Akala ko after the conversation that we had last night eh magiging awkward at distant siya sa akin. Pero good thing naging normal pa din naman ang usapan between us. Medyo busy si Ahl ngayon dahil sa schedule niya. Since ako ang assistant niya, alam ko kung ano mga appointment niya. And yes, full ang schedule niya sa buong araw. Sa bilis ng oras at sa sobrang busy parehas namin ni Ahl ay hindi ko namalayang lunch break na pala. Aayain ko sana si Ahl para maglunch kaso nang mapatingin ako sa gawi niya ay busy pa din siyang nakikipag usap sa isang supplier sa kaniyang telepono while looking at some papers. Napangiti na lang ako sa sobrang seryoso at sipag niya sa trabaho. Ibang-iba siya sa Ahl na araw-araw kong nakakausap. No wonder na favorite siya ng boss namin. Napabuntong hininga na lang ako saka inayos na ang mga papel na kakaxerox ko lang. Saka napagpasyahan na pumunta na lang muna sa cafeteria para bumili ng lunch namin ni Ahl. Kasi for sure eh hindi pa siya matatapos agad doon sa kausap niya. Buti na lang at may cafeteria ang company para sa mga staffs. Hindi na kailangang lumabas pa para bumili ng makakain. One of Ahl's job is to direct and negotiate with manufacturers and suppliers kaya halos lagi siyang may kausap sa telepono. Habang tinititigan kong maigi ang menu, hindi alam kung paano bibigkasin ang French na nakasaad ay may babaeng biglang tumayo sa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung model na napagkamalan akong assistant last time. "Bonjour." she smiled at me sweetly. Pero ewan ko ba parang feeling ko plastik ang ngiti na iyon. Hindi ako nakasagot, bagkus ay nginitian ko lang siya. "I'm so sorry dear that I made you do an errand for me. I thought you are an assistant of mine." she said. "Ah, it's okay." sagot ko. "Hmm. Next time, you should not dress like one, okay?" sabi niya saka umalis na kasunod ang isang babae na sa tingin ko ay assistant niya. Nang sundan ko siya ng tingin ay nakita kong nakasabay niya si Manon. They smiled at each other saka sabay na naglakad paalis. Napatanga na lang ako nang makitang pinalupot ni Chanel ang kamay niya sa braso ni Manon. Is it just me or parang may iba sa kanilang dalawa? Nabalik lang ako sa wisyo nang biglang sumulpot si Ahl. "Elaine! I've been looking for you. Ikaw naman, dapat magsabi ka sa akin kung nagugutom ka na hindi yung kakain ka mag-isa ng wala ako." he chuckled. "Uy, hindi ah. Naisip ko lang sana na bumili na lang ng lunch nating dalawa. Busy ka kasi. Ayoko naman kitang istorbohin sa trabaho mo kaya ako na lang sana bibili kaso...." "Kaso?" he asked raising his eyebrows. I pointed at the menu saka bumulong sa kaniya. "I don't know how to order it. Baka mamaya mamali yung pronunciation ko." sabi ko. Nanlaki na lang ang mata ko nang humagalpak siya sa tawa. Halos yung ibang kumakain ay napatingin na sa amin dahil sa lakas ng tawa niya. "Anong nakakatawa?" kunot noo kong tanong. Maluha-luha na kasi siya kakatawa. "Well, you're so hilarious but yeah. I appreaciate your effort. Saka please, no need to whisper on my ear. Everybody here can't even understand tagalog." sagot niya nang makaget over sa katatawa. Naupo na ako sa isang bakanteng table at saka hinintay si Ahl na umorder para sa aming dalawa. Nang makadating na siya ay inilapag niya ang tray sa lamesa at naupo na sa tabi ko. "Sorry for making fun of you. Natawa lang ako kasi sa sobrang concern mo nawala sa isip mo na nasa France ka nga pala." he chuckled. Well, yeah. Hindi ko naisip na we're in France. Of course ang menu ng cafeteria is French. Basta ang nasa isip ko lang kanina is lunch time na at hindi pa kami kumakain na dalawa. "Here, apology treat." sabi niya saka lapag ng isang croissant sa harapan ko. "Thanks. And apology accepted." sabi ko kaya natawa na lang kami parehas at kumain na ng lunch. After namin kumain ay nagpasya na din kaming bumalik agad sa office. Pagkapasok namin ng elevator ay agad pinindot ni Ahl ang button. Tahimik lang kaming dalawa ngayon sa elevator nang biglang iopen niya ang topic sa nangyari kagabi. "About what happened last night. Gusto ko din mag sorry." bungad niya. Pero agad ng bumukas ang elevator kaya lumabas na muna kami. Huminto kaming dalawa sa tapat ng pinto ng office niya. "Para saan?" I asked. "Well, aaminin ko. When I saw you getting out of my boyfriend's car I felt a little jealous." "Ahl, sorry. I didn't mean to. Kung alam ko lang naman na kapatid pala ng kaklase ko si Manon sana--" "Yes, Elaine. I understand don't worry. Hindi naman nagtagal yung jealousy na iyon kasi kilala naman kita. I know you can't do anything to make me mad. Sa part lang na nakilala mo ang kapatid niya at nakapunta ka sa kanila ako naiinggit." sabi niya. Hindi ako nakapagsalita kaya hinayaan ko siyang magpatuloy. "Look, Manon and I are together for 2 years already. Pero hindi ko pa namemeet ang family niya. Kaya nung malaman ko na nakilala mo na ang kapatid niya ay tila naawa ako sa sarili ko. Minsan iniisip ko na baka kinakahiya ako ni Manon kaya ayaw niya pa akong ipakilala. Pero naiintindihan ko naman siya. Our relationship is not normal like the others. I respect his decisions." "Ahl..." "Hindi ko naman siya masisisi Elaine. And besides, quits lang naman kami dahil hindi ko din siya magawang mapakilala sa parents ko. Kasi maski pagkatao ko nga hindi matanggap ng mga magulang ko, relasyon pa kaya namin. Hahaha! But well, for me. I tried. Sinubukan kong ipakilala siya sa parents ko. It didn't end well but atleast I tried di ba? Pero si Manon? He didn't even tried. It's so unfair. Life is so unfair for people like me." "Ahl, don't say that. Life is not unfair just because you're different. It's not your fault if Manon didn't tried to introduce you to his family. It's his loss na hindi ka niya pinakilala nung una pa lang. Because you're an amazing person, Ahl. If Manon can't see it? Ako kitang-kita ko. Kitang-kita namin ni Cyleen." sabi ko. Nakita ko namang nawala ang lungkot sa mga mata niya at tila napalitan ito ng mga ngiti sa kaniyang labi. "You're amazing too, Elaine. Thank you." sagot niya. Kaya napangiti na lang din ako. - Days passed...eventually naging okay naman ang bawat araw ko sa school at sa office. Sa school, si Beatriz ang lagi kong kasama kaya siya na din ang itinuring kong kaibigan ko doon. Sa office? Walang araw na hindi busy si Ahl kaya as his assistant. I did my best to help him out. And since it's weekend, nagstay ako ngayon dito sa apartment habang ginagawa ang sketches ko. Pang pito ko na siya ngayon, and I really enjoy admiring my designs once na natapos ko na ito. Kasi lagi kong iniimagine na someday eh mairarampa ng mga sikat na models ang mga design kong ito. Na somehow ay magiging kilala din ako tulad ng ibang mga sikat na designers. Hahaha! Ang sarap mangarap. Napatigil ako nang tumunog ang doorbell ko. Automatic naman na alam kong si Ahl iyon. Dahil sino pa nga ba ang magpapakita sa pintuan ko? Hahaha! Hindi pa naman alam ni Beatriz kung saan ako nakatira. "Bonjour chéri!" masayang bungad ni Ahl sa akin nang buksan ko ang pintuan. Napatitig naman ako sa kaniya dahil nakabihis siya. "May lakad ka?" tanong ko. "What you mean is...May lakad TAYO." sabi niya na inemphasize pa ang salitang 'tayo'. Kaya nga napakunot noo ko. "Tayo? Saan tayo pupunta?" I asked. Di pa naman ako naliligo. Hahaha! Di ko naman alam na may plano pala kami. "We're gonna put a check on that box, chéri." sabi niya. Napansin niya namang di ko pa din siya nagets kaya nagsalita ulit siya. "Ang ibig kong sabihin. Gagawin natin yung ikalawa sa bucket list mo." sabi niya. Bigla namang nag-ningning ang mga mata ko. "Talaga?" masaya kong tanong. Tumango naman siya. "Yep. So, what's on the next list?" He asked. "Visit Mona Lisa!" I giggled excitedly. Well, kapag nasa France ka. Malamang hindi mawawala sa bucket list mo ang makita at makapag papicture sa painting na Mona Lisa di ba? "Sure, sure. But first. Take a bath. You stink." sabi niya. Napa pout na lang ako saka pumunta na sa banyo para maligo. After ko maligo ay agad na din akong nagbihis. Pero napansin ko bigla si Ahl na tinitignan ang sketches ko. Agad ko naman itong inagaw sa kaniya. Alam kong ipapakita ko din naman ito sa kaniya to ask for his opinion. Pero right now hindi pa ako ready. Nag-iipon pa sana akong confidence to show him. But yeah, too late. Nakita niya na. "Why are you hiding such great masterpiece, Elaine? Don't be ashame to show it." sabi niya. "Really? Do you think it's great?" I asked. Well, importante sa akin ang opinyon ng isang fashion merchandiser. Knowing Ahl na may ilang taon nang experience sa mundo ng fashion. "Yep, seriously speaking. Bakit ayaw mong ipakita sa akin?" sagot niya. "Hindi sa ayaw ko. Hindi pa lang talaga ako ready na ipakita sa iyo. Pero plano ko naman talagang ipakita sa iyo. Gusto kong ikaw muna ang unang makakita." sabi ko. Napatango naman siya. Pero hindi na siya nag-usisa pa dahil may lakad kami. - "Btw, wala bang ticket doon sa Louvre Museum?" I asked. Nasa kalagitnaan na kami ngayon ng byahe papunta doon para makita si Mona Lisa. "Of course meron." he chuckled. "Do you have a ticket? How can we enter?" tanong ko pero kalmado lang si Ahl. "Ako pa ba? Don't worry chéri. I already have two tickets for the both of us." He smiled kaya napapalakpak ako sa tuwa. Nang makarating na kami at makapasok sa loob ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng museum. Hindi din ako magkanda-mayaw sa kakalingon sa bawat sulok ng museum. Alam kong si Mona Lisa ang pinunta ko dito pero I also fell in love to the other artworks and sa museum mismo. The aura here is so refreshing. And dahil nga si Mona Lisa ang pinunta namin ay agad na namin itong hinanap. Literal na naghugis puso yata ang mga mata ko nang makita ko ito in person. I can't even hide my smile. Para akong bata sa sobrang pagkasabik. "Let me take a photo for you." nakangiting sabi ni Ahl, hindi naman na ako umapila at agad pumwesto. "Okay. One...Two...Three. Smile!" sabi ni Ahl sabay click sa shutter button. After that ay naglibot pa kami para sulitin ang bayad na ticket. We took many photos around the museum. Kahit na alam ko naman na hindi ito ang first time na pumunta si Ahl sa museum ay tila nakisabay siya sa excitement ko. After naming libutin ang museum ay nakaramdam kami ni Ahl ng pagod at gutom. Kaya nga nagdecide kaming dalawa na kumain sa isang malapit na Café. Which is ang Café Marly na nasa labas lang mismo ng Louvre Museum. Sabi kasi ni Ahl is nakapagpareserve na siya ng table for us. We are both sitting in a good spot. In front of us is the breathtaking view of the Louvre Pyramind. We are currently waiting for our order. Well, si Ahl ang umorder of course. I can't even understand the menu. I can't help but to smile while admiring the beautiful view in front of me. Hanggang ngayon kasi hindi pa din ako makapaniwala na I'm here in Paris. It's really a dream come true to be here. Nang dumating na ang order namin ni Ahl ay nagsimula na kaming kumain. "Elaine, can I have a favor?" sabi bigla ni Ahl while in the middle of eating. "Sure, sure. Ano ba iyon?" I asked. "Well, anniversary kasi namin ni Manon next week. I'm just wondering if you can help me to set up a surprise for him?" tanong niya. "Tinatanong pa ba iyan, Ahl? Of course I will help you." sagot ko. Napangiti naman siya. "Thank you so much, Elaine! Sorry. Wala kasi akong alam na ibang hihingan ng tulong kundi ikaw. You know? Cyleen is not here." explain niya. "It's okay, Ahl. Sa lahat ng naitulong mo sa akin this is nothing." sabi ko. And then after that we discuss the plan about his surprise to his boyfriend, Manon. After eating, dumiretso na din kami agad pauwi sa apartment. Parehas na din kaming pagod sa ilang oras na paglilibot sa museum kaya nagkasundo kaming dalawa na umuwi na. Nang makapasok na ako sa apartment ay agad na akong nagpatihulog sa kama ko. At napaisip na lang sa surprise na pinlano namin ni Ahl para sa anniversary nila ni Manon. Ahl is an amazing person inside and out, and I hope Manon is aware how lucky he is to have Ahl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD