Elaine's POV
Today is Ahl and Manon's anniversary. And ever since yesterday ay good mood si Ahl. I'm sure buong araw siyang nakangiti ngayon sa office. But since, it's not my schedule to go to the office today ay nandito ako ngayon sa school. Kasama ko ngayon si Beatriz na kumakain sa cafeteria.
"You're so deep in your thoughts. Care to share?" tanong ni Beatriz kaya nabalik ako sa wisyo.
"Ah. Sorry sorry. Iniisip ko lang yung plano namin mamaya ng kaibigan ko para sa anniversary nila ng jowa niya." sabi ko at saka ipinagpatuloy na ang pagkain.
"You guys are really just friends lang pala talaga ano? Sayang. Akala ko kayo eh. Bagay pa naman kayo." sabi niya tila nasamid naman ako sa sinabi niya.
"I told you, Beatriz. We're not together. At saka kahit single pa si Ahl eh hindi magbabago ang tingin ko sa kaniya. We're friends. Nothing more, nothing less." sagot ko.
"But still...Argh! Whatever. Kayo bagay para sa akin!" sabi niya. Napailing-iling na lang ako sa kaniya tapos ay ikinwento ko na din sa kaniya ang naging lakad namin ni Ahl last week sa Louvre Museum.
Nang matapos naman ang klase ay agad na akong sinundo ni Ahl. Bumaba kami sa venue kung saan namin balak magset up ng surprise para kay Manon. Yes. Ahl can pay someone to arrange the surprise. Pero mas gusto niya daw na kami yung nag-effort.
After namin ayusin ang venue ay napangiti na lang ako sa ganda. Red roses petals everywhere, table for two, idagdag mo pa ang magandang ambiance ng lugar. Talagang love is in the air. Nakakainggit.
At dahil natapos na namin ni Ahl ang venue ay hinatid niya na ako pauwi. Papasok na sana ako sa loob ng apartment nang tawagin niya bigla ang pangalan ko.
"Elaine." tawag niya. Kaya nga agad akong lumingon sa kaniya. Pagkalingon ko ay agad niya akong niyakap. Dahilan para maestatwa ako.
"Thank you so much for helping me. I really appreciate it. Thanks for being my friend." bulong niya habang yakap ako.
"W-Wala iyon. Ano ka ba." I smiled and tapped his back. Kasi di ko alam if yayakapin ko ba siya pabalik or what.
Nang kumalas na siya sa yakap ay nagpaalam na din agad siya sa akin. Kaya nga pumasok na ako agad sa apartment ko.
-
Hours passed by...Kasalukuyan kong nilulunod ang sarili ko sa paggawa ng mga sketches. Napangiti na lang ako habang nag-iisketch nang maisip sila Ahl. For sure nag-eenjoy sila parehas ni Manon ngayon doon. Panigurado bukas sa trabaho eh hindi mahihinto si Ahl kakakwento sa akin about sa gabi nila.
Natigil ako sa pag-iisketch nang biglang magring ang phone ko. Nang makita ko ang name ni Ahl sa screen ay nagtaka ako. Kasi, bakit niya naman ako tatawagan at this hour? I thought they're still in the middle of the romantic date. Pero para masagot na ang mga katanungan ko ay agad ko itong sinagot.
"Hello, Ahl?" bungad ko. Pero nagulat ako dahil ibang boses ang sumagot sa kabilang linya.
"Bonjour, est-ce madame Elaine?" boses ng isang lalaki'ng french.
"Uh, hello. Sorry I can't understand French. Can you talk in English?" I asked.
"Oh, sorry sorry. Madame, your friend passed out. Can you fetch him? He's drunk and I'm afraid we're closing the restaurant already. We can't leave him here." sabi ng lalaki.
"Okay, okay. I'm on my way. Sorry for the inconvenience." sagot ko saka binaba ang tawag at agad nagbook ng taxi papunta doon sa restaurant. Tila hindi ako mapakali habang nasa gitna ng byahe. Di ko mapigilang hindi kagatin ang labi ko. I hope Ahl is okay. Ano kayang nangyari? Hindi ba sumipot si Manon? Bakit naman kaya?
Nang makadating na ako sa venue ay agad akong pumasok sa loob ng restaurant. Sakto palang hinihintay ako ng staff. He explained everything to me. Hindi pala sumipot si Manon. Tapos daw si Ahl ay nag-inom na lang ng nag-inom. Hindi daw nila mapigilan kasi nga bayad ni Ahl ang venue.
Nang puntahan ko si Ahl ay nakita ko ang gulo-gulong set-up na pinaghirapan naming ayusin dalawa kanina para kay Manon. Nagkalat ang mga basag na plato sa sahig na kasalukuyang nililinis ng isa sa mga staff. Tapos merong tatlong bote ng alak sa lamesa na mukhang si Ahl lang ang umubos. Nang lapitan ko siya ay nakadukdok lang siya sa lamesa kaya sinubukan ko siyang gisingin.
"Ahl...Wake up. Uuwi na tayo." sabi ko. Dahan-dahan niya namang inangat ang ulo niya.
"Elaine!" bati niya saka ngumisi. Kitang-kita mo na talaga sa mukha niya na lasing siya. "Buti ka pa sumipot. Si Manon hindi." sabi niya kaya tila nalungkot ako. Nakangisi siya pero ramdam ko ang lungkot niya.
"Tara Ahl, uuwi na tayo." sabi ko at agad inakay ang braso niya sa balikat ko. Nakita naman ng staff na nahihirapan ako buhatin si Ahl kaya tinulungan ako nito hanggang sa maipasok ko na si Ahl sa kotse niya. Nagpasalamat ako dito saka humingi ng pasensiya sa mga nasira ni Ahl. Pero okay lang naman daw kasi malaki naman ang naitip ni Ahl sa kanila.
Nang umalis na yung staff ay napabuntong hininga na lang akong tinignan si Ahl na nakahiga ngayon sa backseat. Good thing eh tinuruan ako ni Gian kahit papaano magdrive ng sasakyan. Kaya nga ako na ang nagmaneho ng sasakyan ni Ahl pabalik sa apartment.
Nang maihinto ko na ang sasakyan ay agad ko nang inakay ulit si Ahl palabas ng kotse. Pero bigla siyang sumuka kaya pati damit ko ay natalsikan. Napangiwi na lang ako pero agad ko na din siyang dinala papasok ng apartment.
Nang nasa tapat na kami ng room niya ay kinuha ko ang keycard niya sa bulsa para mabuksan ang pintuan niya. Tapos ay diniretso ko na siya sa kwarto niya para maihiga na siya ng ayos. Nang makahiga na siya ay napahawak ako sa balikat ko. Nangalay yata ako sa bigat ni Ahl. Tsk.
Napansin kong nalagyan din pala ng suka ang damit niya. Kaya napabuntong hininga ako. Kailangan ko siyang palitan ng damit kaya nanguha ako ng shirt sa aparador niya.
Bigla akong nagdalawang isip na hubaran si Ahl. Pero kailangan dahil kundi ay mamamaho siya kinabukasan. Kaya nga dahan-dahan kong inunbutton ang butones ng damit niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka bumangon sa pagkakahiga. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko saka tinitigan. Napalunok na lang ako dahil doon.
Pero agad din siyang nawalan ng malay ulit at nagpatihulog sa kama. Mukhang naalimpungatan lang yata siya. Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga saka inalis ang damit niyang may suka. Nanguha na din ako ng basa'ng bimpo at pinunasan siya. Tapos saka ko na siya sinuotan ng t-shirt. After non ay inayos ko na siya ng higa sa kama niya. Kinumutan ko na din siya.
Nang masigurado ko na okay na siya ay nagpasya na akong pumunta sa apartment ko. Kaso nang hanapin ko sa bag ko ang keycard ay wala ito. Napasapo na lang ako sa noo ko nang maalala na naiwan ko ito sa isa kong bag. Which is nasa kwarto ko. Nawala sa isip kong kunin kanina dahil sa pagmamadali na sunduin si Ahl. Argh! Now what?
At dahil wala akong choice ay bumalik ako sa apartment ni Ahl. Okay lang naman siguro kay Ahl if mag-iistay ako kahit ngayong gabi lang. Tsk. Kainis naman kasi Elaine bakit mo pa nakalimutan yung keycard!
Naalala kong nalagyan din pala ng suka ang damit ko kaya nanghiram muna ako kay Ahl ng t-shirt na pwede suotin. Magsosorry na lang ako kay Ahl kinabukasan. Tsk.
Nang silipin ko ulit si Ahl sa kwarto niya ay mahimbing na siyang natutulog kaya nagpasya akong sa sofa niya na lang sa living room matulog.
-
Naalimpungatan ako kaya nagising ako sa aking pagtulog. Nang idilat ko ang mata ko ay nagulat ako dahil wala na ako sa sofa. Nakahiga na ako mismo sa kama ni Ahl at nakakumot. Pero wala si Ahl.
Nang makita ko ang orasan ay pasado alas dos na ng madaling araw. Agad naman akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Ahl sa living room na umiinom ng tsaa. Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam if lalapitan ko ba siya or ano. Pero nagulat ako nang mapansin niya ang presensya ko.
"Hey." mahinang tawag niya. Kaya nga dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Tinap niya yung bakanteng space sa tabi niya kaya naupo ako doon. Tahimik lang ako doon habang pinagmamasdan siyang uminom ng tsaa niya. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan ang conversation. Baka kasi mamaya ayaw niyang pag-usapan muna.
"By the way, thanks for taking care of me." sabi niya. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magsalita ulit.
"Sad to say. Our plan didn't end well. Manon broke up with me." sabi niya. Napakagat ako sa labi ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kung paano icocomfort si Ahl.
"I didn't know why kasi okay naman relasyon namin. O baka ako lang nag-iisip na okay kami? But yeah, I let him go anyway. That's what he wants. I'll respect his decision."
"I told you, Elaine. Life is unfair for people like me." ramdam ko ang lungkot sa mga bawat salita niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung paano ko sasabihin na nandito lang ako para sa kaniya. Kaya niyakap ko na lang siya. This is the only thing I can do for him. To listen and comfort him. Kasi nung mga panahong ganito din ang nararamdaman ko, no one hugged me. No one comforted me. Kaya I know how it feels. And at times like this, ang hinahanap ko ay yakap. Kaya baka sa yakap is maging okay siya kahit papaano. I will give him comfort when no one gave it to me. Ayokong maranasan ni Ahl ang lungkot na naranasan ko. Ibibigay ko sa kaniya ang hindi ko naranasan, which is ang isang yakap. I know he needs it.
After a second, I heard him crying in my shoulder. Dinukdok niya lang ang ulo niya sa balikat ko habang umiiyak. Kaya hinaplos ko na lang ang likod niya.
"If Manon can't see your worth, Ahl. It's the right decision to let him go." sabi ko between his sobs. Hindi siya sumagot. Umiyak lang siya ng umiyak sa akin. Kaya nga hinayaan ko lang siya. Wag lang sana'ng tama ang hinala ko towards Manon and Chanel. Kasi mas masakit para kay Ahl if ganon nga.
-
Pagsapit ng umaga, nagising na lang ako na nakahiga ulit sa kama ni Ahl. Kaya nga bumangon na ako at hinanap si Ahl.
I saw him in the kitchen cooking breakfast. Nang mapansin niya ang presensya ko ay sinalubong niya ako ng ngiti.
"Goodmorning! Tama lang ang timing mo. Come and eat breakfast with me." sabi niya kaya nga naupo na ako sa dining table at pinagmasdan ang mga nakahaing pagkain sa harap ko.
Araw ngayon ng pasok namin sa office kaya siguro nakabihis na si Ahl ng pang-opisina. And then doon ko naalala na nakihiram nga pala ako ng damit sa kaniya kagabi.
"Uhm, Ahl! Sorry ah? Nakistay ako kagabi saka hiniram itong damit mo. Nalimutan ko kasi kagabi sa sobrang pagmamadali yung keycard ko. Kaya iyon, hindi ko alam if paano bubuksan ang apartment ko." nahihiya kong sabi.
"It's okay, Elaine. Ano ka ba. Hahaha! Don't worry. I'll request a new keycard to the landlord para sa iyo. Pero sa ngayon ay kumain muna tayo dahil may trabaho pa tayo." he chuckled. Napatango na lang ako saka nag-istart ng kumain. His aura is much different from last night. Parang bumalik na siya sa normal na Ahl na kilala ko. Pero I just ignore it dahil ayoko din namang ungkatin ang topic about sa kagabi dahil alam kong masakit pa din sa kaniya kahit na hindi niya pinapakita ngayon. Well, atleast he's trying to be okay.
Nang makarating kaming office ay nilunod ni Ahl ang sarili niya sa work para siguro ialis ang isip niya sa nangyari kagabi. Kaya as his assistant ay sinabayan ko na lang siya sa pagiging busy niya.
Alam kong may hangover pa din si Ahl dahil napapansin kong napapahawak siya sa sintido niya habang may kausap sa telepono kaya nagpasya akong pumunta sa vending machine para bilhan sana siya ng kape. Kaso napatigil ako nang makasalubong si Manon at Chanel. Napatingin ako sa kamay nilang magkahawak na agad namang binitawan ni Manon. Mukhang tama yata ang hinala ko sa kanilang dalawa.
Tinaasan lang akong kilay ni Chanel tapos ay umalis na din sila sa harap ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung anong inis dahil doon. Hindi ko namalayan na napisak ko na yung cup ng kape. Dahilan para tumapon sa akin ang kape at mapaso ang kamay ko. Kaya nga kumuha na lang ulit ako ng panibagong kape sa vending machine saka dinala ito pabalik kay Ahl.
"Here. Drink some coffee. Baka may hangover ka pa." sabi ko pagkalapag ng kape sa table ni Ahl. He just mouthed the word 'thank you' dahil may kausap pa din siya sa phone. Kaya nga bumalik na lang agad ako sa table ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
After a while ay biglang lumapit sa akin si Ahl dahilan para mabalik ako sa wisyo. Kasalukuyan ko kasing iniisip kung sasabihin ko ba kay Ahl or hindi yung about sa nakita ko kanina.
"Are you alright?" he asked.
"Uhh? Ahh. Oo. Okay lang ako." sabi ko. Halata bang may iniisip ako?
"You don't look okay to me. Namumula ang kamay mo, Elaine. What happened?" he asked. Doon ko lang napagtanto na yung kamay kong napaso pala ang tinutukoy niya.
"Uhm, wala iyan. Paso lang iyan. Mawawala din agad iyan." sabi ko. Agad naman siyang may kinuha sa drawer niya saka bumalik sa akin. Pinanood ko lang siyang lagyan ng ointment ang paso ko.
"Next time, be careful." he sighed. Napatitig ako kay Ahl habang nilalagyan niya ng ointment ang kamay ko. Ahl is an amazing person. Look how nice and concern he is. He's so thoughtful towards anyone. At hindi ko maimagine kung paano nagawa ni Manon iyon. Bulag ba siya? Hindi deserve ni Ahl ang masaktan or lokohin. He deserves better!
"Uhm, Ahl?" tawag ko kaya napatigil siya at lumingon sa akin.
"What is it?" he asked.
"Uhh...k-kasi ano...uhm." paano ko ba sasabihin na nakita ko si Manon at Chanel? Maniniwala ba siya sa akin? Kaso baka mamaya magkaroon ng gulo. Ayokong mapahamak si Ahl. Argh! I can't say it for now!
"W-Wala pala." sabi ko. Napangisi naman siya at napailing-iling.
"You know what? Sometimes you're weird, Elaine. I can't even read you." He chuckled saka ginulo-gulo ang buhok ko.
Sorry Ahl if hindi ko masabi sa iyo sa ngayon. Siguro mag-iipon muna ako ng lakas ng loob. Tsk.