11: Room

1950 Words
Elaine's POV Nandito ako ngayon sa apartment ni Ahl at kavideo call namin sila Cyleen. Nabalitaan kasi ni Cyleen yung about sa fashion show sa London kaya tinawagan niya kami para kamustahin. Tiyahin kasi ni Gian ay isang fashion designer din, which is kaibigan ni Madame. "You know that's a good thing, right? Kung hindi lang ako maliit baka nakuha na akong model." sabi ni Louise. "Tss. Feelingera." sabi naman ni Maddie kaya napairap si Louise at ininom na lang ang frappe niya. Nasa café kasi sila ni Maddie ngayon. Past noon na sa kanila samantalang dito sa France ay umaga pa lang. "Don't worry Elaine, sa una lang talaga iyang kaba na yan. Pero once na nasa stage ka na tuloy tuloy na yung flow. Alam ni Ahl kung gaano ako kamahiyain when we first met." Cyleen laughed. Natawa din naman si Ahl. "Oh, yes! Alam mo ba nung unang sabak niyan ni Cyleen sa photoshoot eh nasermonan talaga yan. Paano kasi yung poses niya akala mo laging nakabaluktot. May pagka tuko yan nung una." kwento ni Ahl sabay dinemo pa paano yung pose ni Cyleen kaya nagtawanan kaming lahat. "Oh come on, Ahlen! Atleast natuto ako okay? Hindi naman lagi sa una ay perfect agad." sagot ni Cyleen. "Oh right, right. Sorry." Ahl chuckled. "Excuse me guys, tignan ko lang yung nakasalang sa oven. Be right backk!" sabi ni Ahl at nagtungo sa kusina. "You know Elaine, always remember na hindi lahat eh perfect sa una. You can't master perfection in a day. Ilang beses kang magkakaroon ng mistakes at makakaranas ng rejection and insults from the industry. Pero don't let that get into you. Kasi once na magpaapekto ka, ikaw ang talo." dagdag ni Cyleen. "Try and try until you succeed!" biglang singit ni Andy sa camera sabay thumbs up sa akin. "Omg gurl, be honest pang ilang slice mo na iyan ng cake?" tanong ni Louise. "Uhh? Fourth? I'm not sure." nakangising sagot ni Andy saka nagpatuloy na sa pagkain niya. Napailing-iling na lang si Louise. "Thanks guys. Kinakabahan lang talaga ako kasi wala naman akong experience sa modelling. Saka may stage fright ako." paliwanag ko. "Well, same. Practice makes perfect lang, Elaine. Saka don't worry. As long as Ahl is there with you ay magiging okay ka. Trust me. Saka we're gonna be there to support you." sagot ni Cyleen. "Pupunta din kayo sa London?" tanong ko. "Yep. We'll gonna support you. And besides nakabili na kami ng flight tickets, mag-iimpake na lang kami." nakangiting sabi ni Cyleen kaya napangiti din ako. Talagang naappreciate ko ang ginawa nila. Pupunta sila all the way to London just to support me. "Thank you so much guys. Naappreciate ko talaga." sabi ko. After that ay nagkwentuhan pa kami ng konti bago na nagpaalam sa kanila. Ahl prepared the table for our brunch kaya pumunta na ako sa dining table at naupo kasama siya. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin na may piercings na siya sa tenga. Nung photoshoot kasi meron siya, pero mukhang nagsuot na talaga siya ngayon. "I look good in it, right?" He chuckled. Napatango na lang ako bilang pag-agree saka nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagfocus na lang sa pagkain ko. Hindi ko talaga mapagkakaila na mas lalo siyang gumwapo nung nagsuot siya ng piercings sa tenga niya. After eating, bumalik na ako sa apartment ko para mag-impake. In 3 days na ang alis namin kaya sinisigurado ko na ready na lahat ng gamit ko lalo na't one week kami magrerehearse for the fashion show. Napatigil ako nang makita ang sketchbook ko. Kaya nga kinuha ko ito at tinignan. Napangiti na lang ako habang tinitignan ang bawat pahina. Kung hindi dahil kay Ahl, wala ako ngayon sa sitwasyon ko. Hindi ako makakasama sa London at mabibigyan ng opportunity kung hindi dahil sa kaniya. He believed in me. At dahil doon, ang mga designs kong ito ay isa sa irarampa sa fashion show. Which is isa sa mga pinapangarap ko. Natigilan ako nang magring ang doorbell ko. Kaya nga agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad si Ahl sa harap ko. May hawak siyang softdrinks at chips. "Masyado pang maaga bago matulog Elaine! Let's watch netflix." sabi niya saka dumiretso ng pasok sa apartment ko. Agad ko namang sinara ang pinto ko at sinundan siya sa living room. Nakapwesto na siya sa sofa at binuksan ang tv. Tinitigan ko lang siya. "Come on, Elaine. Buong araw mo na lang ba akong tititigan? Manood na tayo." he chuckled. "Uhh--" bago pa ako makapagsalita ay nagulat ako nang agad niya akong hinila paupo sa sofa katabi niya. Nakatutok lang ang atensyon niya sa tv na hindi niya napansin na magkadikit na halos kami sa sofa. Mukhang wala lang sa kaniya iyon. Pero ako hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tila naistock yata ang laway ko at hindi makalunok sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ano ba itong nangyayari sa akin? "Do you want cola or sprite?" tanong niya na biglang lumingon sa akin. At dahil nga magkalapit kami at kasalukuyan akong nakatingin sa kaniya ay nagkatitigan kami ng ilang segundo. Pero agad kong iniwas ang tingin ko nang maramdaman ang sobrang kaba sa dibdib ko. Finocus ko ang mata ko sa tv sa harapan namin. "U-Uhm, cola na lang yung akin." sabi ko kaya nga narinig kong binuksan niya ang cola can saka inabot sa akin. Agad ko naman itong kinuha at ininom. At dahil nga kabang-kaba ako ay nawala sa isip ko na softdrink nga pala ang ininom ko. Iyon naistraight ko siya ng inom kaya halos maluha-luha ako. Narinig ko naman ang pagtawa ni Ahl. "Easy, Elaine. That's not beer." halakhak niya saka inabutan akong tissue. Agad naman akong nagpunas. Napapikit na lang akong mariin sa pinaggagagawa ko saka nagfocus na lang sa panonood. - Nakasakay na kami ngayon sa eroplano. At kami ni Ahl ang magkatabi ngayon sa seat. Siya yung nakaupo sa may malapit sa aisle at ako naman sa may bandang bintana. Isang oras lang ang byahe namin kaya di naman kami ganoon kaaga pumunta sa airport. After an hour, nakalapag na ang eroplano namin sa London. May naghihintay ng sasakyan sa amin papunta sa hotel na nirent ni Madame. Kaya nga sumakay na kami doon. Nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang hotel ay bumaba na kami. Si Ahl na ang kumausap sa receptionist para sa pinareserve ni Madame na hotel room sa amin. Sabi kasi ni Ahl dalawang floor daw ang pinareserve ni Madame para lang sa models and staffs ng company. Kinuha na ng porter ang luggage namin kaya sinundan na namin ito papasok ng elevator. Dinala kami nito sa 10th floor at saka binuksan ang room. Sumunod naman kami ni Ahl dito. Nakita naming binaba na nito ang lahat ng luggage. "Uhm, excuse me. Why are you also putting down my luggage?" tanong ni Ahl. "Well, this is your room sir." sagot ng porter. "How about her room?" tanong ulit ni Ahl. "This is also her room." sagot ng porter. Nagtataka naman kaming nagkatinginan ni Ahl. "What do you mean?" Ahl asked. "Sorry sir. I'm just following orders. If you need anything, don't hesitate to call us. Have a good stay." sabi ng porter saka umalis na. "Wait. Tatawagan ko si Madame." sabi ni Ahl saka kinuha ang phone niya at dinial ang number ni Madame. Nang sumagot si Madame ay niloud speaker ni Ahl ang call para siguro marinig ko din. [Bonjour, Ahl! Napatawag ka?] rinig kong bungad ni Madame. "Madame, I think there's been a mistake here." [Mistake? What mistake?] "Elaine and I are on the same room. Baka nagkaroon ng mali sa listahan ng rooms." sabi ni Ahl. Well, iyon din ang iniisip ko since maraming staff ng company ang nandito sa London kaya baka nalito yung nag-asikaso ng mga listahan ng names for the hotel rooms. [I don't see any mistake, Ahl. What's wrong between two lovers sharing a room? Elaine is your girlfriend right? What's wrong with that?] "Uhm..." Napatitig na lang si Ahl sa akin. Tila hindi niya alam ang sasabihin niya kay Madame. [Oh come on, Ahlen. Don't be a p***y. Ang girlfriend mo naman ang kashare mo sa room kaya wag ka nang magreklamo diyan. And besides, wala ng ibang available rooms with two beds because the hotel is fully booked already. So, just enjoy London with your girlfriend okay?] "B-But Madame--" [Byeeee!] then Madame ended the call. Napatingin na lang si Ahl sa buong kwarto bago tumingin sa akin. "I guess we don't have a choice..." He sighed saka naupo sa sofa at nagsalin ng wine sa glass. Ako naman ay naupo sa kama habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto. Natuwa ako sa lambot ng kama kaya nagpatihulog ako dito at nagpagulong-gulong na parang bata. "You like it that much huh?" nakangisi niyang sabi. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa gilid ko at pinapanood akong magpagulong-gulong sa king sized bed. Kaya nga napaupo agad ako ng di oras sa sobrang hiya. Napailing-iling na lang siya sa akin saka naglakad na siya papunta sa bintana kung saan tanaw ang napakagandang view ng mga buildings. Umiinom siya ng wine habang pinagmamasdan ang view na tila malalim ang iniisip. "Sorry for bringing you into this mess, Elaine. Hindi ko alam na kakalat din sa office ang act na ginawa natin." bigla niyang sabi without looking at me. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko siyang magsalita ulit. "Sorry If I don't have the courage to tell them the truth. I'm just afraid. Afraid that Manon will bother me again. Ayoko nang bumalik sa dati Elaine. I'm happy now. So, I'm sorry kung I will just let them think na we're in a relationship." sabi niya sabay lumingon sa akin. Tumayo naman ako saka lumapit sa kaniya. "It's okay, Ahl. I'm fine with it. I told you we're friends. If iyon ang maitutulong ko sa iyo as your friend, okay lang sa akin." sabi ko. "I know, Elaine. That's why I'm guilty. Kasi you're here to become happy and forget about Gian. But look at me, I'm using you like the way Gian used you. I feel crap about it." sabi ni Ahl. Nang marinig ko ang salitang 'used' ay tila may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Maybe that's my only purpose? To be used by someone. Ngayon ko lang narealize na ganon ulit ang nangyayari ngayon sa amin ni Ahl. Like what happened to Gian and I. I stared at him. I saw pity in his eyes kaya mas lalo akong nasaktan. Hindi ko alam pero, every time I'm looking at his eyes may kung anong kakaiba akong nararamdaman. Bago pa tumulo ang luha ko ay agad ko itong pinigilan. I bit my lower lip saka pinilit na ngumiti sa kaniya. "I-I don't mind...as long as the person I care about is happy. I don't mind being use, Ahl." sabi ko and showed him my trying hard genuine smile. Magsasalita pa sana siya kaso biglang may kumatok sa pinto. Agad naman itong binuksan ni Ahl. Pumasok ang isang staff na may dalang mga pagkain kaya agad itong binati ni Ahl. Ako naman ay agad pumasok sa restroom. Ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay doon na umagos. Pero agad ko itong pinunasan at naghilamos sa sink. I stared at my reflection on the mirror. And then pumasok na naman sa isip ko ang itsura ng titig ni Ahl sa akin kanina. Napapikit na lang akong mariin saka naghilamos ulit ng mukha hanggang sa mawala ito sa isip ko. "Not again, Elaine..." inis kong sabi sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD