12: Amusement

1532 Words
Elaine's POV Napanganga na lang ako sa mga sapatos na nakabalandra sa harapan ko ngayon. Kasalukuyan akong pinapapili ni Ahl ng sapatos na susuotin para sa rehearsal. Bago kasi ako sumabak sa practice sa runway ay tuturuan muna ako kung paano maglakad suot ang isang 4 inches shoes. Dahil beginner pa lang daw ako, iyon daw ang pinaka minimum heel height ng heels for models. Literal na napanganga ako nang malaman na minimum na iyon. Ano pa kaya ang average at maximum? Nakaupo ako ngayon sa isang couch habang nagsusukat ng sapatos kung anong bagay sa akin. Kasama ko si Ahl na namimili. Binigyan lang ako ng 5 minutes para mamili sa halos 50 pairs na sapatos na nasa harapan namin ngayon bago magstart ang pagppractice ko. "I think this one matches you." sabi ni Ahl saka kinuha ang isang kulay pink na sapatos. Lumuhod siya sa harap ko saka dahan-dahan itong sinuot sa paa ko na akala mo'y ako si Cinderella. Napatitig na lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon. "I knew it. This looks good on you, Elaine. You should wear this one." nakangiti niyang sabi at nag-angat ng tingin sa akin. Napatango na lang ako. "Thanks. Ito na lang siguro." sabi ko saka dahan-dahan nang tumayo kaso namali ako ng tapak kaya nawalan ako ng balanse. Pero agad akong sinalo ni Ahl kaya napakapit ako sa braso niya. Nagkatitigan kami dahil doon. "Are you alright?" he asked with a worried look in his eyes. "U-Uhm. Oo. Thanks." nahihiya kong sabi saka umayos na sa pagkakatayo. "Hindi pa tayo nagsisimula natutumba ka na. Save that for later okay?" biro niya saka tumawa. Sinamaan ko nga siyang tingin. Kaya iyon lalo siyang natawa. "Let's go and start the training." sabi sa amin ng assistant kaya nga lumabas na kami parehas ni Ahl. - After so many hours of training walking with heels ay nakaramdam ako ng pagsakit ng paa ko nang makabalik kami ni Ahl sa hotel room. Kaya nga pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa room ay agad na akong naupo sa sofa. After ko kasing matutuhan ang 4 inch heels ay tinuro na din agad sa akin ang 5 inches heels. Nung una medyo nawawalan akong balanse pero ginaguide naman ako nung trainer. Kumuha kasi si Ahl ng kakilala niyang model trainer para turuan lang ako na maglakad wearing heels. Pero syempre tinuruan na din ako ng basic catwalks saka mga tips na dapat ko tandaan while walking on the runway. "Does your feet hurts?" tanong ni Ahl nang mapansin niyang ginagalaw ko ang paa ko in a circular motion. "Yeah. Those heels are killing me." sabi ko kaya natawa siya. "Kill them before it kills you." biro niya. Natawa na lang ako. Lumapit siya sa akin at naupo sa harap ko. Nagtataka ko naman siyang tinignan nang makitang marahan niya itong minasahe. "I know this part hurts, am I right?" tanong niya saka tinuro ang part ng paa ko kung saan mismo masakit. Tumango ako as a respond kaya he gently massages it with his hands. I was amazed by his skills dahil medyo nag-ease ang sakit. "You should be a masseur." biro ko kaya natawa siya. "Maybe I should. Pero ayoko namang mawalan ka ng isang fashion advisor." He chuckled. We both remained silent after that. Pinanood ko lang siya habang minamasahe niya ang paa ko. "Thank you, Ahl." sabi ko thanking him for everything that he done for me. Hinding-hindi ako magsasawang pasalamatan siya. "No worries, Elaine. I got you." sabi niya. Napangiti na lang ako while looking at him. After that, ay sakto namang hinatiran na kami ng pagkain sa kwarto kaya nagsimula na din kaming kumain ni Ahl ng dinner. Nag-usap kami about sa mangyayaring catwalk rehearsal bukas. "Do you think I'm ready for tomorrow?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Ahl. "Yes. Why not?" sagot niya. "Eh kasi kakatrain ko lang kanina. I don't think I can do it." sabi ko. "Well, the trainer for tomorrow will also teach you and the other models." sabi ni Ahl. "Natatakot ako na kinakabahan. Baka magkamali ako sa harap ng maraming models. They will laugh at me." sabi ko. "Let them laugh at your mistakes, Elaine. Because they can no longer laugh once you become successful." sagot ni Ahl. "Why are you so confident that I can do it?" tanong ko. Kasi he seems unbothered. "Because I believe that YOU CAN, Elaine." sabi niya na inemphasize pa ang salitang 'you can'. Tapos ay binigyan niya ako ng isang reassuring smile na nagpabawas ng kaba na nararamdaman ko. - The next day ay maaga akong pinagprepare ni Ahl. Sinabihan niya na lang akong sumunod sa baba once na ready na ako. Doon kasi kami mismo magrerehearse sa lugar kung saan gaganapin ang fashion show next week. After kong magbihis ay bumaba na din ako agad sa lobby kung saan naghihintay si Ahl. Tapos ay dumiretso na kami sa venue kung saan gaganapin ang fashion show. Nang makarating kami ay nandoon na din ang ibang models pero wala pa din ang iba. Kaya naghintay pa kami ng mga ilang oras bago magstart. Nang magsidating na ang iba pang models ay napalunok ako. Lalo na nang makita kung gaano sila kagaganda at kapopoised maglakad. Tindig pa lang nila alam mo na na isa silang models. Pero sabi naman ni Ahl may ilan ding baguhan tulad ko. "Well, look who's here." bigla sabi ng isang pamilyar na boses. Pagkalingon ko ay nakita ko si Chanel. "Why are you here? Are you lost or something? You don't belong here in the runway chéri." sabi niya saka tinawanan ako. Hindi ako nakasagot. Kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya dahil alam ko namang tama siya. I don't belong here. "I think you're mistaken, Chanel. Elaine was born to be here. Unlike you who belongs to be recycled." biglang sabi ni Ahl sabay inakbayan ako. "Recycled? Me? What do you mean?" taas kilay na sabi ni Chanel. "Plastics should be recycled, Chanel. Since you're 95% made of plastic surgery, you should be in a recycling factory instead of here." sabi ni Ahl kaya nanlaki ang mata ni Chanel. "Are you saying that I'm trash?" hindi makapaniwalang sabi ni Chanel. "Hmm. Maybe? Because your attitude stinks." sabi ni Ahl na kinatawa ng ibang models na nakarinig. At dahil parang napahiya si Chanel ay inis itong umalis sa harap namin na may masamang tingin. "Thanks, Ahl." sabi ko. Ngumiti lang siya saka tinap ang balikat ko dahil mag-iistart na din ang rehearsal. Nang isa-isa na kaming pinalakad sa runway ay tila kinabahan na ako. It was my turn next at hindi magkanda mayaw ang pagkabog ng dibdib ko. The trainer is hot-tempered, dahilan para lalo akong kabahan. Kanina pa siya sigaw ng sigaw sa mga models na nagkakamali. Nang ako na ang maglalakad sa runway ay ginawa ko ang makakaya ko pero dahil sa sobrang nerbyos ay may nakalimutan akong steps. Kaya iyon, pinahinto ako ng trainer at pinaulit sa akin. Pero nagkamali na naman ako after doing the steps. I forgot to turn my back like instructed. Sa sobrang nerbyos ko nakakalimutan ko ang steps na tinuro sa amin kanina. "Are you stupid or what?" sigaw ng trainer kaya nag-sorry ako ng nagsorry. Ang pangalawang pagkakamali ay nasundan pa ng iba kaya halos ako ang nasisigawan ng trainer. Hiyang-hiya na ako kasi kada babalik ako sa backstage ay pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng ibang models. Dahil nga sunod-sunod akong nagkakamali ay pinaawat muna ako ng trainer sa stage. Pinaupo niya muna ako sa seat ng audience at sinabihang panoorin ko muna kung paano gawin ng ibang models ang pagrampa. Hanggang sa matapos ang rehearsal ay hindi na ako muling pinaakyat ng stage ng trainer. Which made me doubt myself even more. Habang hinihintay ko si Ahl ay saktong lumapit si Chanel sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "I told you. You don't belong here." sabi ni Chanel at binigyan ako nang nanunuyang tingin at umalis. Ilang saglit lang ay dumating na si Ahl. Kinausap niya pa kasi yung ibang staff dahil may pinapasabi daw si Madame. "Let's go?" he asked. Tumango lang ako as a response. Nahihiya ako kay Ahl kasi nakita niya lahat kanina kung gaano ako katanga sa runway. Siguro narealize niyang mali siya, na hindi talaga ako nababagay dito. Hindi siya nagsalita buong byahe kaya natahimik lang din ako. Nang huminto ang sasakyan namin ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan. Doon ko lang narealize na hindi pala sa hotel kami dumiretso. Napanganga na lang ako sa gandang bumungad sa harap ko. Narinig ko ang sigawan ng mga tao na nakasakay sa ilang rides. "I think you need an amusement, kaya here you go! Amusement park!" sabi niya kaya napangiti ako. "Ready to have some fun?" tanong niya saka inilahad ang kamay niya sa akin. Napatingin naman ako doon at nakangiti itong tinanggap. "Ready." sagot ko kaya nga nakangiti niya akong hinila papasok ng amusement park. Napangiti na lang din ako habang pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak. And then suddenly, the sadness and disappointment that I felt a while ago fades.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD