Elaine's POV
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi sa ilang oras na magkasama kami ni Ahl. Sinakyan namin lahat ng extreme rides at sinubukan ang lahat ng palaro at pagkain sa amusement park.
We took many photos on his camera. We made so many memories together. Kaya kahit panandalian lang ay nakalimutan ko din ang lungkot na naramdaman ko dahil sa naging resulta ng rehearsal. I expected it to be bad in the first place, pero not that bad.
Isang ride na lang ang hindi namin nasasakyan ni Ahl kaya napagpasyahan namin itong huling sakyan bago bumalik sa hotel.
Nang makapasok kami sa loob ng isang passenger car ng ferris wheel ay agad na kaming umupo sa loob. Dibale magkatapat kami ng upuan para balance. Napangiti na lang ako habang unti-unting tumataas ang ferris wheel. Pinagmasdan ko lang ang napakagandang view ng London.
We are both silent. Iniwasan kong lumingon sa direksyon niya at nagfocus na lang sa view na nasa harap ko. Kasi alam kong nakatitig siya sa akin ngayon. Natatakot ako na baka kapag nagtama na naman ang tingin naming dalawa ay hindi ko na mapigilan ang kabog ng dibdib ko.
"Elaine." He called with a gentle tone on his voice. My heart skipped beat. Kaya kahit ayokong lingunin siya ay tinignan ko siya. Nakita ko ang seryosong ekspresyon sa mukha niya.
"You are disappointed, am I right?" sabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon kadali para sa kaniya ang basahin ako. Samantalang ako, hindi ko alam kung paano ko siya babasahin. It's unfair that you know me that well, Ahl. I don't know anything about you pero bakit ganito?
"You are easy to read, Elaine. Kahit wala pa tayong isang taon na nagkakasama sa Paris ay masasabi kong kilala na kita. You're an open book to me." sabi niya.
"Yes. I am disappointed. Disappointed ako sa sarili ko kasi I can't even get anything right on that rehearsal. First day pa lang ng rehearsal puro mali na agad ang nagagawa ko. Hindi ko tuloy alam kung kakayanin ko pa. Maybe Chanel is right. I don't belong here. Madame made a mistake sending me here to London. I will just ruin the fashion show, Ahl." sabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inilabas na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Because somehow it feels right to cry in front of him. I'm at ease with Ahl.
"I should've never dream that far." dagdag ko saka humikbi. Inabutan niya ako ng panyo kaya tinanggap ko ito at pinunas sa mukha ko na napuno na ng luha.
"Elaine, kahit gaano pa kalayo ang pangarap mo ay hindi ka dapat mapagod or huminto. Remember why you're here in the first place." sabi niya kaya biglang pumasok sa isip ko sila Mama at Papa. Naalala ko ang pangarap nila sa akin. Naalala ko na hindi lang pala basta pangarap ko kaya ako nandito. Kasi pangarap namin ito. Pangarap namin nila Mama at Papa.
Tama si Ahl. I already made this far kaya nakapunta ako sa France. And now I am here in London because I was given an opportunity to show my talent. Kaya hindi ako dapat magpaapekto sa mga negatibong bagay. I should be strong no matter what.
Sakto namang malapit na pala kami bumaba ni Ahl kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa view kaya yung side lang ng mukha niya ang kita ko. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang view. Dahil doon ay hindi ko din maiwasang hindi mapangiti. We're both enjoying the view.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. The crazy thing is hindi ko na pinigilan ang nararamdaman ko. I just let it flow. Nung una hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero ngayon alam kong naliwanagan na ako.
I like Ahl.
And this little moment we had on this ferris wheel made me realize that I like him. Na kahit anong pigil ko sa sarili ko. Na hindi na dapat maulit ang nangyari kagaya kay Gian ay nangyari pa din. I can't stop liking him. Sa bawat araw na lumilipas ay mas pinapakita niya na tama ako. Tama ako na siya ang nagustuhan ko.
Sa ngayon? I will just secretly like him. Because first of all, I don't want to ruin the friendship that we both cherish. Alam kong kaibigan lang ang turing sa akin ni Ahl. Pero I'm already contented in that. As long as he's here.
-
The next day, hindi ko alam pero feeling ko ay punong-puno ako ng energy. The second day of rehearsal went smoothly. I was praised many times kasi umayos na ang pagrampa ko sa runway. Although nakikita ko ang mga masasamang tingin sa akin ni Chanel ay hindi ko ito pinansin. Nagfocus lang ako sa buong rehearsal.
The second day was followed by the third, fourth, fifth and sixth day. And then on the last day ay nagkaroon na ng fittings sa mga isusuot na pieces. Para malaman if may kailangan bang adjustments or what.
Hindi na kami nagrehearse pa sa last day. The trainer gave us our day off to pamper ourselves for tomorrow. Yes, tomorrow na ang fashion show. Kaya napagpasyahan ko lang na magstay sa hotel room buong araw. Wala kasi si Ahl. He's busy preparing for tomorrow. Kasama niya si Madame ngayon sa venue at inaayos na ang mga ito para bukas. Balita ko kasi maraming mga kilalang personalidad ang pupunta.
Natinag ako sa pagkakahiga nang may kumatok sa pintuan. Kaya agad ko itong binuksan. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang apat na babae.
"Good day, Ma'am! Mr. Terada sent us for you." sabi ng isang babae. Pinakita nila sa akin ang ginawang pagbook ni Ahl kaya pinapasok ko na sila. Pinaupo nila ako sa arm chair saka sinimulan ng ayusan. Yung isang babae ay minamanicure ako. Yung isang babae naman ay nilalagyan ako ng mask sa mukha. Tapos yung isa pa ay finofoot spa ako. Then yung isa pang babae is kinukutingting yung buhok ko. Di ko alam ano ginagawa kasi nakatakip sa mata ko ang pipino na nilagay ng babae kanina. Ano ba ito, Ahl?
Nang matapos yung mga babae ay nagpaalam na din agad ito sa akin. Hindi ko namalayan na inabot na pala kami ng hapon dahil sa pag-aayos sa akin. Pero infairness, I feel fresh. Hahaha!
Dumating na yung dinner sa room pero wala pa din si Ahl kaya hinintay ko muna siya. Kaso sumapit na ang alas otso ay wala pa din siya kaya nagdecide na akong mauna na kumain. After eating ay nanood naman akong tv para malibang ako. Pero sumapit na ang alas diyes ay wala pa din siya. Hanggang sa makaramdam na ako ng antok at nakatulog na.
-
Kinabukasan ay nagising na akong nakahiga ng ayos sa kama at nakakumot. Nakapatay na din ang tv na naiwan kong nakabukas kagabi. Siguro nakabalik na si Ahl?
Kaya nga agad akong bumangon at hinanap siya. Pero wala ulit siya. Mukhang sobrang busy niya nga talaga. Nang kunin ko ang cellphone ko ay doon ko lang nakita ang message niya.
From: Ahl
Goodmorning! Pagkagising mo magprepare ka na. Tapos dumiretso ka na doon sa lobby. Nandoon yung driver na maghahatid sa iyo sa venue. Sa venue kayo aayusan at bibihisan. I'm so busy yesterday saka today kaya I can't accompany you. I hope you understand.
From: Ahl
And...look for my gift on the table. That's yours. Wear that, okay? ;) You didn't tell me It's your birthday today kaya iyan hindi ako nakapagprepare. But I hope you like it.
-
After reading his messages ay agad kong nakita yung regalo na sinasabi niya. Kaya agad ko itong binuksan. Napangiti na lang ako sa ganda ng sapatos nang makita ito.
Sa sobrang occupied ko about sa fashion show, nakalimutan ko na birthday ko nga pala ngayon. Mukhang nalaman ni Ahl kila Cyleen. It's my 20th birthday today. Pero hindi ko naman ito gaanong sinecelebrate ever since mawala sila Mama. There's no point on celebrating.
At dahil nga may fashion show ay agad na akong nagprepare. Sinuot ko ang sapatos na niregalo ni Ahl saka dumiretso na sa lobby kung nasaan ang driver na maghahatid sa akin sa venue. Nanlaki ang mata ko nang makitang limousine ang maghahatid sa akin papunta doon. Sinabihan ako ni Ahl na magsuot ng shades. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang siya.
Nang makarating kami sa venue ay doon ko lang napagtanto kung bakit ako pinagsusuot ni Ahl ng shades. Kinabahan ako bigla sa sobrang dami ng paparazzi sa labas. Well, ano pa nga ba? Malaking fashion show ito na dadaluhan ng mga kilalang tao eh. Malamang talaga nandito sila.
"Don't worry, Miss. We're going to the back." sabi ng driver sa akin saka nagmaneho papunta sa likod ng building. Doon ako pumasok sa back room at nagtungo agad sa room kung saan ako aayusan.
Lahat ng models ay isa-isa nang inaayusan ng mga make up artists at hairstylists na hinire ni Madame. Kaya nga sinimulan na din akong ayusan. Nang matapos na akong ayusan ay agad na akong pinagbihis. Kaya nga sinuot ko na yung damit at pumila na sa iba pang models na nagreready nang lumabas doon sa stage. Rinig na rinig ko na ang palakpakan ng mga tao kaya bigla akong kinabahan. Pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Natigilan ako nang matanaw si Ahl sa hindi kalayuan. Muntik ko na siyang hindi makilala dahil nakaayos din siya tulad ko. He's wearing a suit. Tapos yung buhok niya ay halatang inayos din ng hairstylist. Pero bumagay ito sa kaniya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo saka ngumiti sa isa't-isa. Akto na sana siyang lalapit sa akin nang tawagin siya ng isang staff kaya naging occupied ulit siya. Napabuntong hininga na lang ako saka nagfocus na ulit kasi nagsimula nang lumabas isa-isa ang mga models.
You can do this, Elaine! Do it for your dreams!