Elaine's POV Nang makalabas na ako ng NAIA ay napahawak na lang ako ng mahigpit sa maleta ko saka napabuntong hininga. "I'm finally back." bulong ko na lang sa sarili ko saka hinawakan ang tiyan ko. "We're home, baby. This is where we truly belong." sabi ko dito saka naghanap na ng taxi na masasakyan papunta sa apartment ko. Nang makadating na kami sa tapat ng apartment ay tinulungan ako ng driver na ibaba ang maleta ko kaya nagpasalamat ako dito pagkaabot ko ng bayad. Napatitig na lang ako sa apartment ko na ilang buwan nung huli kong nakita. Hinila ko na ang maleta ko saka binuksan na ang pinto at pumasok sa loob. Napaupo na lang ako sa sofa at pinagmasdan ang bawat sulok ng silid. Walang pinagbago ito. Tandang-tanda ko na ganito pa din siya mula nang lisanin ko ito para mag-Paris. I

