Elaine's POV Magmula nang malaman ni Ahl na buntis ako ay naging maalaga siya sa akin. Naggrocery siya ng mga pagkain na puro healthy para daw sa akin. Binilhan niya din ako ng gatas para daw maging healthy ang baby. Hindi ko maitatanggi na natutuwa ako sa mga efforts niya. Dahil hindi ganito ang ineexpect ko from him. Ang akala ko hindi niya ako pananagutan kaya takot na takot ako nung una. Pero ngayon, tila nabawasan ang alalahanin ko dahil nandito na siya. Natatakot lang ako na baka masanay ako sa ganito. Tinatatak ko sa isip ko na ginagawa niya lang ito para sa anak namin hindi para sa akin. "I bought the baby's favorite." sabi niya. "Ano iyon?" kunot noo kong tanong. "Charan! Pickles!" sabi niya nang mailabas ang isang garapon ng pickles sa paper bag. Natawa naman ako. "Napansin

