Ahl's POV
Nang makabalik na kami ni Elaine sa bahay ay nasa kwarto na sila Mama. Kaya nga dumiretso na din kami agad sa kwarto ko. And since wala naman kaming guest room dahil dalawa lang ang kwarto namin dito ay sa iisang kwarto lang kami ni Elaine.
Nakalatag na ang futon sa sahig. Mukhang inayos na ni Mama kanina nung wala kami. Single bed lang kasi ang kama ko kaya hindi kami kakasya ni Elaine. Buti na lang at may nakatabi kaming futon.
"You should sleep on the bed. Ako na dito sa sahig." sabi ko.
"Ha? Dapat ikaw ang nasa higaan kasi sa iyong kwarto ito." sagot niya.
"Elaine, you're a guest here. Kaya ikaw dapat ang matulog sa kama. Para mas komportable ka." sagot ko.
"Sure ka?"
"Yeah, I insist. Don't worry about me. Hindi naman malamig itong sahig. Saka malambot din naman itong futon. Para din siyang kama." dahilan ko. Napatango na lang siya. Pero nagpaalam muna siyang maliligo kaya ako naman ay naghubad na para magpalit ng damit. Kasalukuyan akong naghahanap ng tshirt sa closet ko nang biglang bumalik si Elaine. Nakita kong nagulat siya nang makitang topless ako. Agad siyang napaiwas ng tingin kaya natawa ako.
"I-I forgot my pouch." sagot niya. Kaya nga agad akong napatingin sa kama kung saan nakalapag ang pouch niya na mukhang may laman na mga grooming materials. Agad ko naman itong kinuha at inabot sa kaniya.
"Here." sabi ko habang inaabot sa kaniya ang pouch.
"U-Uhm. Thanks." sagot niya sabay kuha sa pouch niya without looking at me. Tapos agad na siyang umalis. Napailing-iling na lang ako sa reaksyon niya. She's cute when she reacts like that. Hahaha! That's why I like teasing her.
After kong magpalit ng damit ay nahiga na ako sa futon. Ilang saglit pa ay nakabalik na si Elaine. Nakabihis na siya ng pantulog niya. Dumiretso siya sa kama at nagpatuyo ng buhok niya gamit ang towel. Nakita kong hirap na hirap siyang punasan ang buhok niya dahil sa haba nito kaya agad akong napabangon sa kinahihigaan ko.
"Let me help you." sabi ko at kinuha ang towel sa kaniya. Pinunasan kong maigi ang buhok niya.
"You should start in the forehead not at the tips of your hair." paliwanag ko. Tapos niwrap ang towel sa ulo niya after siyang punasan.
"Leave it for 20 minutes." sabi ko. Napatango na lang siya. Kaya bumalik na ulit ako sa futon at nahiga. After a while ay pinatay na ni Elaine ang ilaw saka binuksan ang lampshade kaya nagsimula na siyang matulog.
I rolled over to the other side kaya bumungad sa akin ang mukha niya na taimtim nang natutulog. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siyang matulog. Her face looks so calm that you can stare at her all night.
"Oyasumi tenshi no kao." (T: Good night angel face.) bulong ko na lang sa kaniya saka natulog na din.
-
The next day, since maaga ako nagising ay ako ang inutusan ni Mama na mamalengke. Magluluto kasi siya ng specialty niya na Oyakodon. Gusto niya daw ipatikim kay Elaine ito bago kami makabalik ng Paris. Balak na din kasi naming bumalik agad kinabukasan. There's no reason for me to stay here longer. Since hindi nga kami okay ng Papa ko. At dahil nga sa nangyaring argument kagabi ay umalis daw muna si Papa at nagpunta sa kumpare para magpalamig sabi ni Mama. Hindi ko na lang ito pinansin. Tutal ayoko din munang harapin ang Papa ko.
"Tadaima kaerimashita." (T: I'm back now.) sabi ko nang makabalik ako sa bahay. Agad akong dumiretso sa kusina pero wala si Mama doon. Nilapag ko na lang ang mga pinamalengke ko sa counter saka umakyat na sa second floor para maligo.
Napatigil ako nang marinig na nagtatawanan si Mama at Elaine sa master's bedroom. Nang sumilip ako sa nakaawang na pinto ay nakita ko si Mama na pinapakita ang photo album ko kay Elaine.
"Ito kuha ko nung pinatikim ko siya ng lemon. Kaya ganiyan ang itsura niya. Hahaha!" sabi ni Mama habang tinuturo ang picture ko. Natawa na lang si Elaine.
"Hahaha! Ang cute po ni Ahl." sagot ni Elaine. Natawa na lang si Mama saka pinakita pa ang ibang pictures ko. Aalis na sana ako nang biglang marinig ang tanong ni Mama.
"You like my son, don't you?" biglang tanong ni Mama kaya napatigil ako. Pati si Elaine ay tila hindi inaasahan ang biglang tanong ni Mama. Ilang segundong hindi nakasagot si Elaine. I just watch her reaction. Elaine is an open book. You can easily read her through her expressions.
"You don't need to answer it. Obvious naman. Hahaha!" sagot ni Mama. Nakita kong namula ang pisngi ni Elaine dahil doon.
"Halika. Baka nakabalik na si Ahl galing sa palengke. Ituturo ko sa iyo paano iluto ang specialty ko." sabi ni Mama.
Kaya nga agad din akong umalis nang makitang palabas na sila ng kwarto. Agad akong pumasok sa kwarto ko dahil doon. Tapos nanguha na din ako agad ng damit ko at dumiretso na sa banyo para maligo.
Habang naliligo ako ay naisip ko na naman ang narinig kong usapan nila Mama kanina. Hindi man sumagot si Elaine ay kitang-kita ko sa mukha niya ang sagot. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko after I heard their conversation. I can't imagine Elaine liking me. Anong nagustuhan niya sa akin? Because the last time I checked, wala namang kagusto-gusto sa akin.
Elaine's POV
Saktong tapos na kami magluto ng Mama ni Ahl nang makababa si Ahl sa kusina. Mukhang katatapos niya lang maligo.
"Oh, Ahl. Sakto ang dating mo. Tulungan mo na si Elaine maghain. Aayusin ko lang ang mga labada ko sa itaas." sabi ng Mama ni Ahl. Nakita ko namang nginitian ako nito at kinindatan ako. Halatang sinadya niya ito para maiwan kaming dalawa ni Ahl. Feeling ko namula na naman ang pisngi ko nang dahil sa naging usapan namin kanina. Did I just confess to his Mother?
"Ako na ang magpprepare ng ulam. Baka mapaso ka pa. Ikaw na ang bahala sa mga plato. The plates are on that cabinet." sabi ni Ahl saka turo sa cabinet na nasa itaas. Napatango na lang ako saka tumungtong na sa maliit na hagdan since hindi ko ito abot. Isa-isa kong kinuha ang plates since hindi ko kayang buhatin ito ng sabay sabay. Kaso yung mga baso ay nasa higher shelf kaya tumingkayad ako para maabot ito. Pero bigla akong nawalan ng balanse dahilan para bumagsak ang baso. Muntik na akong mahulog sa hagdan pero agad akong sinalo ni Ahl.
Nagkatitigan kami nang saluhin niya ako. Kasalukuyan siyang nakahawak sa bewang ko. Hindi ko alam pero ang bilis ng t***k ng puso ko. Sa kaba ba dahil sa muntik na akong mahulog o dahil sa pagsalo sa akin ni Ahl?
Natauhan ako nang makita ang basag na baso sa sahig kaya agad akong yumuko upang linisin ito.
"S-Sorry." sabi ko na lang at agad kumilos.
"Don't touch it!" pagpigil ni Ahl pero huli na dahil nahawakan ko na ito sa sobrang taranta ko. Napasinghap ako nang masugatan ang daliri ko.
"I told you not to touch it. Tsk." sabi niya at agad hinawakan ang kamay ko at tinignan ang sugat ko. Sakto namang bumalik ang Mama niya.
"What happened? I heard a glass broke." sabi nito.
"I accidentally broke the glass. Sorry po." sabi ko nang makita ng Mama ni Ahl ang basag na baso sa sahig.
"Oh no. Okay lang, Elaine. Are you hurt?" tanong nito.
"Her finger is bleeding. Do you know where is the first aid kit, Ma?" tanong ni Ahl sa Mama niya.
"Yes. Nandoon sa cabinet sa banyo. Kunin mo doon. Gamutin mo na iyang sugat ni Elaine. Ako na ang bahala dito, okay?" sabi ng Mama ni Ahl. Kaya nga sumunod ako kay Ahl sa taas.
Nakaupo ako ngayon dito sa kama habang hinihintay si Ahl na kunin ang first aid kit sa banyo. Nang makabalik siya ay agad siyang lumapit sa akin. Umupo siya sa harap ko at sinimulang gamutin ang sugat ko. Pinanood ko lang siyang gawin iyon.
"Next time, wag mong hahawakan ng diretso ang bubog. Naghahanap ka lang ng sakit sa katawan eh." sabi niya habang ginagamot pa din ang sugat ko.
"S-Sorry." sabi ko na lang ulit. Nang matapos niyang gamutin ang sugat ko ay napabuntong hininga na lang siya saka tumayo na.
"Just be careful next time. You're so clumsy. You always make me worried." sabi niya at sininop na ang first aid kit. Teka. Tama ba ang rinig ko? Pinag-aalala ko siya?
"Let's go. I'm sure naghihintay na si Mama sa atin sa baba para kumain." sabi niya kaya tumango na lang ako at sumunod sa kaniya palabas ng kwarto. Nang makababa kami pabalik sa dining area ay naghihintay na nga doon ang Mama ni Ahl. Kaya nga nagsimula na kaming kumain.
Ang akala ko magagalit sa akin ang Mama ni Ahl dahil sa nakabasag ako ng mukhang mamahalin na baso. Pero hindi siya nagalit gaya ng inaakala ko. Nag-alala pa siya sa akin. Tinanong niya pa kung malalim ba ang naging sugat ko at kung nagamot ba ni Ahl ng ayos. Natuwa ako dahil doon. Because It's been a long time since I felt being cared for. Nakakamiss makaramdam ng pagmamahal mula sa isang pamilya. At parang nakikita ko ang pagmamahal na naramdaman ko kay Mama sa Mama ni Ahl. She reminds me of my Mother.
-
Kinabukasan, agad na kaming nagpaalam sa Mama ni Ahl. Since wala ang tatay ni Ahl. Hindi kami nakapagpaalam dito.
"I'm going to miss you both. Please visit here often." sabi ng Mama ni Ahl saka niyakap si Ahl.
"I'll miss you too, Ma." sabi ni Ahl nang yakapin niya ang Mama niya pabalik. Nang kumalas ang Mama niya sa kaniya ay sa akin naman ito lumapit. Nagulat na lang ako nang yakapin din ako nito.
"It's so nice to meet you, Elaine. You're always welcome here in the house." sabi niya. Napangiti na lang ako at niyakap din siya pabalik.
Sakto namang dumating na ang taxi na binook ni Ahl papuntang station kaya nagpaalam na kami sa Mama niya at sumakay na sa taxi. Pinagmasdan ko na lang sa bintana ang Mama niya na kumakaway sa amin hanggang sa makalayo na kami.
Nang mapatingin ako kay Ahl ay nakita ko sa mukha niya ang lungkot. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nalungkot din ako. Kahit na saglit lang ako doon ay feeling ko matagal na akong nakatira doon dahil sa mainit na pagtanggap sa akin ng Mama niya. I felt home. Pakiramdam ko ay isa ako sa pamilya nila.
Sana makabalik ulit kami dito.