Elaine's POV
Nang matapos ang halos isang linggo'ng photoshoot ay napagdesisyunan namin ni Ahl na bisitahin ang parents niya sa Nagoya. Sa bullet train kami sumakay at halos dalawang oras ang naging byahe namin bago kami nakarating ng Nagoya. Sa Nozomi train kasi kami sumakay ni Ahl dahil iyon daw ang fastest train.
Nang makababa kami sa station ay agad naman kaming sumakay ng taxi papunta sa mismong bahay nila. Magkatabi kami dito sa backseat. At pinagmamasdan ko na lang ang bawat daan na tinatahak namin.
"Alam ba ng parents mo na kasama mo ako?" tanong ko kaya napalingon sa akin si Ahl.
"Actually, ni hindi nila alam na bibisita ako ngayon." kamot ulo niyang sabi.
"Ha? Seryoso ba. Bakit hindi ka nagsabi. Baka sabihin nagdala ka pang sabit." sabi ko kaya natawa siya.
"Don't worry ako na bahalang magpaliwanag. Saka gusto ko sana'ng surpresahin si Mama." sabi niya.
"Eh ang Papa mo? Nasa inyo ba?" tanong ko na kinatahimik niya saglit.
"Hindi ko alam. Pero sa huling pagkakaalam ko kasi naghiwalay na sila. Sinabi lang sa akin ni Mama nung nakaraang taon na nagkausap kami." sagot niya.
"Edi saan tumutuloy ang Papa mo?" tanong ko ulit.
"Hindi ko alam. Baka nandoon siya sa ancestral house na minana niya sa lolo't lola ko." sagot niya. Napatango na lang ako.
Ilang saglit pa ay huminto na ang taxi sa tapat ng isang bahay. Binayaran na ni Ahl ang taxi driver saka sabay na kaming bumaba bitbit ang maleta namin. Napatingin na lang kami parehas sa kabuuan ng bahay nila.
Napatitig na lang ako sa ganda at laki ng bahay nila. Halata mo na talaga na may kaya sila Ahl sa itsura pa lang ng bahay nila.
"They renovated the house. Ngayon ko lang narealize na matagal na din pala nung huling punta ko dito. It's been a long time." saad ni Ahl. Huminga siya ng malalim bago pinindot ang doorbell. Ilang saglit pa ay bumukas agad ang gate at bumungad sa amin ang isang babae na sa tingin ko ay Mama ni Ahl.
"Musuko? Anatana no?" (T: Anak? Ikaw ba iyan?)
"Hai, okāsan." (T: Opo, Mama.) sagot ni Ahl saka nagbow. Maiyak-iyak siyang niyakap ng Mama niya. Napangiti na lang ako nang yakapin din ni Ahl pabalik ang Mama niya. Kitang-kita ko talaga kung gaano nila namiss ang isa't-isa. Nang kumalas sa yakap ang Mama niya ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Ahl.
"Musuko-san, naze kyō dake otozureta nodesu ka? Anata ga inakute sabishikattadesu." (T: Anak, bakit ngayon ka lang bumisita? Namiss kita ng sobra.)
"Gomen'nasai, okāsan." (T: Sorry, Mama.) sagot ni Ahl.
"Sore wa daijōbu. Jūyōna no wa, anata ga imakoko ni iru to iu kotodesu." (T: Ayos lang. Ang mahalaga nandito ka ngayon.)
Sakto namang napadako ang tingin sa akin ng Mama niya. Nagtataka siguro siya kung bakit may kasamang babae ang anak niya na ngayon lang bumisita sa kanila.
"Kanojo wa daredesu ka? Kanojo wa anata no tsumadesu ka?" (T: Who is she? Is she your wife?) tanong ng Mama niya sa kaniya na mukhang ako yata yung tinutukoy dahil tumitingin ito sa akin. Nakita kong nagulat si Ahl sa sinabi ng Mama niya.
"Īe, okāsan. Kanojo wa tada no tomodachidesu. Watashitachiha shigoto no tame ni koko Nihon ni imasu. Watashi wa chōdo kanojo no kaisha o ataemashita." (T: Hindi, Ma. Kaibigan ko siya. Nandito kami sa Japan dahil sa trabaho. Sinamahan ko lang siya.) sagot ni Ahl na ikinatango ng Mama niya.
"Kanojo wa nihongo o rikai dekimasu ka?" (T: Can she speak Japanese?) tanong ulit nito kay Ahl.
"Īe. Shikashi, kanojo wa Tagarogu-go o rikai dekimasu." (T: No. But she can understand Tagalog.)
"Tagarogu-go ga mada hanaseru no wa yoi kotodesu." (T: Good thing that I can still speak Tagalog.) sagot nito kay Ahl bago humarap sa akin.
"Kamusta. Ako si Ayaka Terada. Nanay ako ni Ahl. Natutuwa akong makilala ka." sabi nito at nagbow sa akin. Nagulat naman ako nang malaman na marunong pa lang mag Tagalog ang Nanay ni Ahl. Pero may pagka Japanese accent pa din siya kahit na fluent ang pagkatagalog niya.
"U-Uhm. Masaya din po akong makilala kayo. Ako po si Elaine. Kaibigan ni Ahl." sagot ko at nagbow din. Since aware ako na ang meaning ng bow sa Japanese ay respect. Nagulat naman ako nang hawakan nito ang kamay ko.
"Ngayon lang nagdala ng babae si Ahl dito. Kung may gusto ka sa anak ko, ituloy mo lang." bulong nito sa akin na ikinagulat ko. Feeling ko tuloy namula ako sa sinabi ng Mama niya. Si Ahl naman ay napakunot noo na lang sa ginawang pagbulong ng Mama niya sa akin since hindi niya narinig ang sinabi nito sa akin.
"Halika at pumasok na kayo." sabi ng Mama nito kaya nga binitbit na ni Ahl ang dalawang maleta namin dahil hawak-hawak pa din ako ng Mama niya sa kamay papasok ng bahay. Hindi ko alam pero lubos akong natutuwa dito.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay mas lalo akong namangha sa interior nila. Dinala kami ng Mama niya sa isang kwarto sa second floor. Dalawa ang kwarto nila kaya mukhang sa iisang kwarto lang kami magsshare ni Ahl. Doon ko lang nakumpirma na kwarto ito ni Ahl nang makita ang picture niya nung highschool na nasa side table niya. Napangiti naman ako nang makita ito.
Inobserbahan ko ang bawat sulok ng kwarto niya. Isang single bed tapos side table na may lamp shade. Isang wooden shelf na puro manga at anime action figures ang nakadisplay. Tapos sa side table niya naman ay maayos na nakasalansan ang mga libro niya at mga stationaries. Meron din siyang isang flat screen tv na may another shelf din sa baba kung saan nakalagay naman ang mga video games at movie disks.
Walang bahid na kahit anong alikabok ang kwarto niya dahil mukhang araw-araw itong nililinis ng Mama niya. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang kwarto niya saka naupo sa kama niya. Natutuwa ako dahil nandito ako ngayon kung saan lumaki si Ahl. I was thrilled but at the same time excited. I am excited to know more about him.
Ilang saglit pa ay pumasok na si Ahl. May dala siyang towel saka ito inabot sa akin.
"Ito tuwalya. If gusto mong maligo mamaya. May heater naman kami sa banyo if ever na gusto mo ng warm water pangpaligo." sabi niya. Napatango na lang ako saka nagpasalamat sa kaniya dahil sa towel. Tapos ay isa-isa niya nang inayos ang laman ng maleta niya at hinanger ang mga damit niya sa closet.
"You can also put your clothers here inside my closet." sabi niya.
"Okay. Salamat." sabi ko. Pinagmasdan ko lang siya. Napansin ko sa mukha niya na tila may bumabagabag sa kaniya.
"Okay ka lang, Ahl?" tanong ko. Kinausap din kasi siya ng Mama niya kaya ngayon lang siya nakaakyat sa kwarto niya. Ano kayang pinag-usapan nila para maging ganito ang mood ni Ahl?
"My Father came back. Okay na sila ni Mama. And maybe later, he'll come home and we're going to meet him." sabi nito saka napabuntong hininga. Bigla din tuloy akong nakaramdam ng kaba. Sa kwento kasi ni Ahl eh mukhang nakakaintimidate ang tatay niya.
"Are you worried?" tanong ko.
"I'll lie if I said that I'm not." sagot niya.
"It'll be okay, Ahl. Don't worry." sabi ko na lang. Tumango na lang siya saka tinuon na ang pansin niya sa pag-aayos ng laman ng maleta niya.
-
Nang maghapunan na ay pinababa na kami ng Mama ni Ahl sa dining area. Pagkadating namin sa dining area ay naabutan nga namin ang Papa niya na nakaupo na doon. Napatitig siya sa aming dalawa ni Ahl.
"Otōsan." sabi ni Ahl saka nagbow. Nagbow din naman ako kasabay niya. Tinitigan lang siya ng seryoso ng Papa niya. Hindi ko alam pero nakailang lunok na yata ako. Tama si Ahl. Talagang nakakaintimidate ang presensya ng tatay niya. Pati ako naiintimidate.
"Futari wa nani o matteimasu ka? Suwatte tabete kudasai." (T: Ano pang hinihintay niyo? Umupo na kayo at kumain.) sabi ng Papa niya. At dahil hindi ko naintindihan ay napatingin ako kay Ahl.
"He said that we should sit down and eat. Sorry. My father can't speak Tagalog or English, Elaine. I'll just interpret it to you." paliwanag sa akin ni Ahl. Napatango na lang ako saka umupo na kami sa harap ng hapag at nagsimula nang kumain kasabay ang Mama't Papa niya. Hindi daw kasi sila gumagamit ng ibang lenggwahe kapag nandito ang Papa niya. Ayaw ng Papa niya na marinig na nag-uusap sila ng hindi Japanese dahil nga hindi nito maintindihan. Good thing at half-filipina ang Mama ni Ahl. Kahit papaano ay nakakausap ko ito.
Tahimik lang kami lahat habang kumakain. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness na bumabalot sa aming lahat habang kumakain.
"Dezāto o itadakimasu. Elaine? Can you help me?" (T: I'll just get a dessert.) sabi ng Mama ni Ahl at tumingin sa akin. Napatingin na lang ako kay Ahl saka sa Papa niya na tahimik pa din parehas habang kumakain. Doon ko lang nagets ang Mama niya kaya tumayo na din ako at sumama sa Mama niya sa may kitchen.
"Pasensiya na Elaine at tinawag kita. Gusto ko kasing bigyan ng pagkakataon ang mag-ama na magkausap. Kung naikwento na ni Ahl sa iyo. Hindi sila ayos ng ama niya nang umalis siya dito." sabi nito saka inilabas ang isang buong cake galing sa ref.
"Ah, opo. Naikwento po sa akin ni Ahl." sabi ko.
"Natutuwa ako na open sa iyo ang anak ko. Bagay na hindi niya kayang gawin sa amin." sabi nito.
"Actually, tanggap ko si Ahl. Tanggap ko siya kahit ano siya. Mahal ko ang anak ko. Pero ang asawa ko, iba ang paniniwala sa akin. Ito ang naging dahilan kung bakit kami nagkahiwalay noong nakaraang taon. Pinag-awayan namin ang hindi pag-uwi ni Ahl dito."
"Umuwi naman na po ulit siya di ba? Ibig sabihin po ba non tanggap niya na si Ahl?" tanong ko.
"Hindi ko alam. Umuwi na lang siya basta dito nang hindi namin inoopen ang usapan tungkol kay Ahl. Kaya hindi ko alam." sabi nito at tila nalungkot.
Napatigil kami parehas ng Mama ni Ahl nang makarinig ng sigaw mula sa dining area. Kaya agad kaming bumalik doon. Naabutan namin na sumisigaw ang tatay ni Ahl kaya agad itong pinakalma ng Mama ni Ahl. Si Ahl naman ay hindi na lang umimik at basta na lang umalis at lumabas ng bahay. Agad ko naman siyang sinundan.
Ahl's POV
Nang makasunod si Elaine sa kusina kung saan pumunta si Mama ay agad nagsalita si Papa.
"Anata wa sudeni anata no kankaku ni ikimashita ka? Sore ga anata ga on'nanoko o ie ni tsurete kita riyūdesu yo ne?" (T: Have you gone to your senses already? That's the reason you brought a girl home, right?)
"Kanojo wa watashinotomodachideari, anata ga watashi o ukeireru tame no chikettode wa arimasen." (T: She's my friend not a ticket for you to accept me.) sagot ko. Napatigil siya kumain at tinitigan ako.
"Anata ga watashi ni anata o watashi no musuko to shite ukeirete hoshī nonara. Sono dōseiai-sha no tawagoto de teishi shi, jibun jishin o te ni ireyou! Anata no iwayuru shokugyō o yamete, koko ni towa ni todomari nasai. Anata wa anata ga damashite iru watashitachi no bijinesu o kanri suru hitodenakereba narimasen! Anata o Pari ni okuru no wa machigaidesu." (T: If you want me to accept you as my son. Stop with that gay s**t and get a hold of yourself! Quit that so-called profession of yours and stay here for good. You should be the one to manage our business you fool! Sending you to Paris is a mistake.)
"Sumimasen, otōsan. Shikashi, watashi wa sore ni wa ikimasen." (T: Sorry, Dad. But I'm not going to do that.) lakas loob kong sabi. I shouldn't sacrifice my own happiness just to make him accept me.
"Nan to iimashita ka?" (T: What did you just say?)
"Otōsan, kiita yo." (T: You heard me Dad.) sagot ko. Padabog naman siyang tumayo.
"Baka! Dōshite kon'nani watashi ni kansha dekinai no ka! Watashinotomodachi wa anata no okage de watashi o waratte imasu! Kore wa anata no ryōshin ni hensai suru anata no hōhōdesu ka?! Anata wa tawagoto no ichibu!" (T: You fool! How can you be this ungrateful to me! My friends are laughing at me because of you! Is this your way of repaying your parents?! You piece of s**t!) sigaw niya sa akin. Dahilan para mapapunta sila Mama at Elaine. Agad siyang pinakalma ni Mama. Pero hindi niya pinansin si Mama at patuloy akong pinagalitan.
"Anata ga sonoyōni todomaru tsumorinara, kono sekai ni anata no yōna dareka no tame no basho wa arimasen. Daremoga anata o waraudeshou! Sore o oboete oite kudasai." (T: There's no place for someone like you in this world if you're going to stay like that. Everyone will just laugh at you! Remember that.)
At dahil hindi ko na kaya pang marinig ang mga susunod niyang sasabihin ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at umalis sa harap nila. Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa bakanteng lote na lagi kong pinupuntahan noong bata pa ako. Dito ako lagi pumupunta kapag gusto ko mapag-isa at mag-isip isip.
Nahiga lang ako sa damuhan habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Ilang saglit pa ay sumunod si Elaine. Nang makita niya ako ay nahiga din siya sa tabi ko. Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa langit gaya ko.
"Ang ganda ng mga bituin no?" pagpuputol niya sa katahimikan naming dalawa.
"Y-Yeah." sagot ko na lang. Tapos nanatili ulit kaming tahimik. But somehow because of her presence I felt comfort. Pumunta ako dito sa tambayan ko to be alone. Pero ngayon nang nandito na si Elaine, biglang ko na lang naramdaman na kailangan ko pala ng kasama.
"My Father told me that there's no place in the world for someone like me. He hates me that much, Elaine. Mali siguro ang naging desisyon ko na bumisita pa dito. Hindi na dapat tayo pumunta. Hindi ko alam kung anong ihaharap ko sayo after mong masaksihan iyon." sabi ko sa kaniya.
"Ahl, don't say that. Hindi mo ba nakita ang reaksyon ng Mama mo? She was so happy to see you. Matagal ka na niyang hinihintay na umuwi dito. Kung nagsisisi kang umuwi dito ay parang nagsisi ka na din na makitang masaya ang Mama mo." sagot niya. She's right. Masaya akong makita na napasaya ko ang Mama ko. Matagal-tagal na din nung huling kita namin.
"Do you think I should just stay here in Japan and manage our business and then forget about my dreams in Paris? Para lang matanggap ako ng tatay ko?" I asked.
"Ahl, first of all. You don't need to be someone just to please your own Father. You are the best version of yourself, okay? Hindi dapat ikaw ang nag-aadjust for him. You are his son. It is not your duty to carry his burden. You have your own life. You have the rights to choose where to be happy." sagot niya. Natahimik ako at napaisip.
"He's still my Father. Gusto kong tanggapin niya din ako for who I am. Pero hindi ko alam anong gagawin ko, Elaine. Ano ba ang dapat kong gawin?" tanong ko. Natahimik naman siya.
"I'm sorry, Ahl. I don't know either. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko." sabi niya.
"It's alright. Your presence is enough." sabi ko na lang at binigyan siya ng isang ngiti.
Thank God I have Elaine by my side kung kailan ko siya kailangan. Siguro kung wala siya dito ngayon baka nilamon na ako ng kalungkutan.