18: Worth

1646 Words
Elaine's POV Morning pa lang sinimulan na akong ayusan ng make up artist at hairstylist. Ngayong araw ay sa tokyo plaza ang napiling venue. Maaga kami nagstart today para hindi daw kami maabutan ng maraming tao since mall ito. Sa may entrance ako napiling pumwesto. Yung mirror na parang puzzle ang pinaka background ko. We took many shots bago kami nagdecide na lumipat ng venue. Our next stop was the Akihabara. Pero since new venue ay nagkaroon kami ng break bago ulit ako inayusan ng ibang style ng make up. Tapos nagpalit na din ako ng attire. After that ay sumalang na din ulit kami agad sa photoshoot dahil tirik na ang araw. Hindi kami gaanong nagtagal doon kasi nga tirik na ang araw kaya nagdecide muna yung handler na kumain muna ng lunch sa isang nearby restaurant bago kami magproceed sa last venue. Nagkaayaan kumain ang mga staff sa isang meat restaurant. Pumasok kami sa isang private room na may low table at cushion lang ang upuan. Ewan ko ba ano tawag. Sabi ni Ahl kotatsu daw. Umorder sila ng French lamb chop, grilled chicken, lean beef at kung anu-ano pa. At dahil model daw ako ay hindi ako gaanong pinakain ng marami ng handler. Puro gulay lang yata binigay sa akin. Kaiyak. Hahaha! Gustong-gusto ko pa naman kainin yung meats. Pero sige bahala na. Tsk! After nilang--este naming kumain ay nagpahinga lang kami saglit. Nagkwentuhan sila sa kung anu-anong bagay. Tahimik lang ako sa isang tabi habang nagcecellphone. Katapat ko si Ahl na nakikipagkwentuhan sa mga staff. Napatingin ako sa kaniya nang makita kong sinalinan niya ako ng tsaa sa cup ko. Hindi niya napansin ang pagtitig ko sa kaniya kasi busy pa din siya sa pakikipag-usap sa mga staff. Pero napangiti na lang ako saka ininom ang tea na binigay niya sa akin. After ng pahinga ay nagproceed na din kami agad sa last venue para matapos na agad ang trabaho para sa araw na ito. Ang naging last venue namin for the photoshoot ay ang Takeshita street. Agad na ulit akong pinagpalit ng attire saka make up bago sumalang sa photoshoot. Sa may harap ng isang pink crepe shop ako kinuhanan ng photos. After that ay nagpalit na ako sa casual clothes ko. Pinakita sa akin ng photographer yung mga shots. At naamaze na lang ako sa ganda at quality ng photos. Well, sabagay luxury brand ba naman ito. Talagang professional photographer ang hinired nila. Hahaha! Nang makabalik kaming hotel ay alas kwatro na ng hapon. Sa tatlong venue na iyon ay inabot na kami ng maghapon. At feeling ko knock out na talaga ang katawan ko sa sobrang pagod. First day pa lang ng photoshoot ito. Jusme. Meron pa kaming five more days to work. Planado na kasi lahat mula day one. They already planned the exact place to go for the photoshoot. Tapos kung anong attire or outfit ang isusuot doon. Kumbaga namix and match na nila. Parang checklist na lang na kailangang makumpleto para matapos. Argh! Sana Sunday na. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga nang biglang marinig kong may kumatok sa pinto ko. Dahan-dahan naman akong bumangon saka binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Ahl na tila may tinatago sa likod niya kaya napakunot noo ako. "Can I come in?" tanong niya. Tumango lang ako kaya nga pumasok na siya at dumiretso sa dining table. Sinundan ko naman siya doon at pinanood siyang isa-isang ilabas mula sa plastic ang bawat pagkain. Feeling ko ay nagningning ang mga mata ko nang buksan ni Ahl isa-isa ang mga lalagyan. Bumungad sa akin yung mga meats na inorder kanina ng team sa restaurant na kinainan namin. Yung hindi ko natikman man lang dahil bawal daw. Hahaha! Kainis. "I know you want to taste it. So I ordered it for you." sabi niya saka inabot sa akin ang isang pair ng chopstick. Nakangiti ko naman itong tinanggap at naupo sa upuan. Napatingin na lang ako sa dami ng varieties. "I ordered everything on the menu. Since hindi ko alam kung anong gusto mo." He chuckled. "Kaso may shoot pa bukas. Baka pagalitan ako." sabi ko. "Don't worry. I got you." natatawa niyang sabi kaya mas lalo akong napangiti. Naupo na din naman si Ahl saka kumuha ng pair of chopsticks para saluhan din ako. "Itadakimasu." sabi niya nang nakayuko at magkadikit ang palad. Lagi ko itong nakikita sa tv eh. Kaya nga ginaya ko ang ginawa niya. Yumuko din ako at pinagdikit ang palad ko. "Itadakimasu." sabi ko. Napangisi na lang si Ahl. Tapos ay nagsimula na kaming kumain. While eating ay nagkkwentuhan kami about sa shoot. Sinabi niya din sa akin yung mga lugar na pupuntahan namin tomorrow para sa second day of shoot. Since may hawak din siya ng schedule ko. "Naririnig ko pa lang iyang schedule feeling ko exhausted na ako. Now I know kung bakit ayaw ni Cyleen noon sa mga out of the country projects." sabi ko at napabuntong hininga. Naikwento kasi sa akin ni Ahl na hindi nag-aaccept si Cyleen ng projects if outside France nung mga panahong model pa ito. "Well, wala namang madali na trabaho. And besides, you need this kind of opportunities in order to boost fame, experience and connections. You need to build your own name bago ka pumasok sa isang pagiging designer like you wanted. Kasi once na makabuild ka na ng pundasyon, everything will work smoothly." sabi ni Ahl. Hmm. May point naman siya. Bago ako dapat maging isang fashion designer ay magkaroon ako ng kaalaman about sa fashion industry. And this is one of the good opportunities para matuto ako. "I know it's hard. Pero the most important thing is you're making a progress, Elaine. Maliit man o malaki. A progress is still a progress. Remember that you can't reach the finish line without progress." sabi niya. Napatango na lang ako dahil tama ulit si Ahl doon. Noon naalala ko, I didn't even got a chance to take the screening exam for the school. Pero look at me now. I'm already here in Tokyo working as a model for a luxury brand. And I'm currently studying sa school na pinapangarap ko lang dati. "You're right. I already did some progress." nakangiti kong sabi kay Ahl. Ngumiti na lang siya sa akin pabalik saka nagpatuloy na kami sa pagkain. "Yep. And don't ever think of backing out. Because Chanel will do everything in order to be in your position." sabi niya. Bigla tuloy nawala ang ngiti ko nang maalala na naman si Chanel. Doon ko muli naalala yung about kay Chanel at Manon na matagal nang hindi ko nasasabi kay Ahl. Masyado akong naging occupied sa work at sa pagkakaroon ng feelings kay Ahl na nakaligtaan ko nang sabihin sa kaniya ang dapat niyang malaman. "Ahl, I have to tell you something." sabi ko. Napatigil naman siya sa pagkain at napatingin sa akin. "You look serious. What do you want to tell me?" tanong niya. Napahinga naman ako ng malalim bago nagsimulang magsalita. "Patawarin mo ako kung ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito kahit na matagal ko na dapat nasabi sa iyo. Hindi ko kasi alam if paano sasabihin sa iyo." panimula ko. Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin kaya nagpatuloy ako. "Manon broke up with you because he cheated on you with Chanel." buong lakas kong sabi. Hindi ako nakarinig ng response sa kaniya kaya napayuko ako. "I-I'm very sorry for not telling you right away. Kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo lalo na't sinasabi mo sa akin non na okay ka na. Na masaya ka na." dugtong ko. "Kailan mo pa alam?" he asked. "Right after niyong magbreak, I saw them in the office holding each others hand. I was getting your coffee that time and--" "Don't tell me that's the time na nakita kong may paso ang kamay mo? May kinalaman ba sila doon? Did they hurt you on purpose, Elaine?" he asked seriously. "Ahh. Hindi. Hindi sila yung nagpaso sa akin. I-I was so mad that time na hindi ko namalayan na napisak ko yung cup kaya iyon tumapon yung coffee sa kamay ko." paliwanag ko. Napabuntong hininga naman siya. "Make sure you're saying the truth, Elaine. Kasi kapag nalaman kong may kinalaman sila doon I won't forgive them." seryosong sagot ni Ahl. "But Ahl, won't you say anything about Manon and Chanel? They cheated on you. And you should be mad at me kasi ngayon ko lang sinabi sa iyo." "Elaine. I'm not mad you, okay? And I will never be mad at you. Hmm. How should I put this? I already knew about Manon and Chanel." sabi niya na ikinagulat ko. "Alam mo na? Kailan pa?" I asked. "Bago pa mag-anniversary. I accidentally saw them together coming out from a hotel. Pero that time, since mahal ko pa si Manon ay pinili kong balewalain ito. Nagbulag-bulagan ako. Nagpakatanga ako. Hahaha! Pero thanks to you Elaine. Nagising ako. Alam ko na ang worth ko. Alam ko na hindi ko deserve ang ganoong bagay." sabi niya. I gave him a reassuring smile. "You're right. You deserve more than that. You deserve someone that will love you genuinely. Because you're worth it, Ahl. You're worth loving." sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Will you love me then?" tanong niya na kinabigla ko kaya tila naestatwa ako. Nang makita naman ni Ahl ang reaksyon ko ay agad siyang humagalpak sa tawa. "Relax. I'm just kidding." sabi niya kaya nabalik ako sa wisyo. "Stop teasing me, Ahl." inis kong sabi sa kaniya. "Hahaha! Sorry. I can't help it. Kung nakita mo lang mukha mo, Elaine! You look priceless. Hahaha! That's why I love teasing you." patuloy siya sa pagtawa kaya sinimangutan ko siya. Pero somehow, I don't want it to be a joke, Ahl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD