CHAPTER 11

1006 Words
TROY POV Tatlong araw ang lumipas, napasarap na ako sa pagpunta ko dito sa bar mag isa. Nasa sulok habang nag eenjoy sa palihim kong tinititigan ang ilang mga gwapong lalaking madalas kong makita rito. Ngunit ang pinaka pumukaw sa akin ay ang isang lalaking matangkad na naka suot ng sandong pumasok sa loob ng bar. Tila ay huminto ang mundo ko ng makita ko siya kahit na parang nasa 40's na itong tingnan. Parang nabuhay ang dugo kong berde na itinatago ko sa kaloob looban ng aking brief. Tinigasan talaga ako sa kanya. At huli na ang lahat, nahuli na niya akong nakatingin bago ko pa iiwas ang mga mata kong makasalanan. Sa hiya ko, sinuot ko ulit ang hoodie jacket sa ulo ko at kunwari akong nakatingin sa selpon. Wag sanang lumapit sa akin ang lalaking ito kasi baka maubos ang laway ko sa kakatulo sa kanya. Habang nakatutok ako sa selpon ko, bigla na lamang ako naka langhap ng mabangong perfume. "Isang bote nga hard drink nga na kahit ano," sambit ng lalaking may malalim na boses. Tapos naramdaman ko pa na tumabi siya mismo sa akin kahit na ang luwag luwag pa ng space. What is this weird feeling inside of me? Parang lumalakas ang kabog ng puso ko. I can't even describe it to begin with. Pero ayos lang sa akin kung tumabi siya- tutal hindi naman ako maselang lalaki. At kung siya yung nakita ko kanina, bahala siya sa buhay niya. Dedma lamang siya sa akin kahit na ang hot niya! Nag laro muna ako ng games sa selpon ko habang nagpapapatay ng oras. Naka kalahating bote lamang ako ng tequilla at dalawang bote pa ulit ang o-orderin ko at pagkatapos ay uuwi na rin ako. "Hays, mukhang mag isa ka rin kagaya ko iho," sabi ng lalaking katabi ko. Alam kong ako lang ang taong katabi niya pero napa tanga ako at napatanong sa sarili ko kung ako ba ang kinakausap nito. "Mukhang mahiyain ka iho. Takot ka bang makipag usap sa iba?" Lumingon na ako this time. And damn! Tumabi nga sa akin yung lalaking tinititigan ko kanina. Nakangiti pa siya sa akin at ang sarap tingnan ng mga brown niyang mga mata. Nararamdaman kong pamula na ang pisngi ko kaya pasikreto kong kinurot ang balat ko sa kamay. "Sir, ako po ba ang kinakausap... niyo?" nahihiyang sabi ko. Napangisi siya, "Oh bakit? May iba pa bang tao rito? Hindi kasi ako sanay na makakita ng mag isang tao kaya sorry kung napalapit akong bigla." He sounded so concert. At yung ngiti niya sa akin, sobrang genuine nito. Para akong maiihi sa pantalon dahil sa kilig. But I need to be manly, mukhang walang pag asa na pumatol ang ganitong lalaki sa isang katulad ko kasi ang astig niya lang tingnan. "Ganun po ba? Tatlong araw na po kasi akong nandito," sagot ko, I am so glad that I manage to defeat my weird feelings for this damn attracted guy. "Tatlong araw na ikaw lang mag isa?" he said, at tiningnan niya ako na tila ay hindi ito naniniwala sa sinasabi ko. "Yes po, tatlong araw na akong nandito at nag iinom. Kahit na tanungin niyo pa ang mga waiters rito. Hindi ko na nga kailangan magsalita kung ano ang oorderin ko eh. Makita pa lang nila akong papalapit ay inihahanda na nila yung tequilla ko." Speaking of drinks, napatingin ako sa kanya at long neck yung inorder niyang alak. Ang lakas pa naman ng tama nito sa tiyan at utak. Dalawang inom ko nga lang nito ay halos matumba na ako. Pero siya, tila ay plano nitong ubusin itong long neck ng siya lang mag isa. "Defensive kang masyado? Bakit wala ka bang kaibigan na pwedeng mayaya?" tanong pa niya. Lumingon ako sa kanya, may mga kaibigan naman ako pero wala naman silang pakialam sa akin. "Ahhhh... mukhang ang tapang po ng iniinom ninyo ha?" pag uusisa ko pa. "Normal lang naman sa akin na uminom ng ganito karami. Hindi naman ako basta basta nalalasing sa ganito." "Bakit po pala kayo nagpunta ritong mag isa?" lakas loob ko pang tanong ulit. Nawala ang ngisi sa kanyang mukha. Tumunga siya mismo sa bote at napayuko. "Babae lang naman ang dahilan kung bakit ko gustong uminom ng alak ngayon. Gusto kong makalimot sa mga nangyari sa akin ngayong araw at lunurin ang isipan ko sa kalasingan." Napalunok na lamang ako. Tama nga ang hinala ko na mayroon nang sinisinta ang lalaking ito. Sabagay, hanggang tingin lang naman ako sa kanya. Hindi na ako dapat umasa na magkakagusto ang isang kagaya niya sa discreet na kagaya ko. "Ikaw, bakit ka nandito?" tanong naman niya na nagpabalik sa akin sa realidad. "Ahh... kasi..." Nanlaki ang mga mata ko ng iakbay niya ang kamay niya sa balikat ko. "Boy, yung totoo, bakla ka ba?" tanong niya na gumimbal sa buo kong pagkatao. Parang ang sakit marinig ng salitang ito. Lalo na't nanggaling pa sa isang maskuladong lalaki na gaya niya. Dinaan ko na lang sa ngisi ang sinabi niya. "Sir... naman... sa gwapo kong ito, ganyan ang itatanong ninyo sa akin?" "Ayos lang naman sa akin kung tago ka. Pero kasi, kahit na lalaki ako, kaya kong umamoy ng mga kagaya mo." "Teka lang. Ano po ba ang pangalan ninyo sir?" magalang na tanong ko kahit na gusto ko nang mag walk out sa kanya. Iniabot niya ng nakangiting labas ngipin ang kamay niya, "Ako nga pala si George, nice meeting you." Ayaw ko namang maging bastos at gusto ko ring hawakan ang kamay niya, "Ako po si Troy, nice meeting you sir George." "Troy?" pag uulit niya, sabay bitaw sa kamay ko. "Ba-bakit po?" "Ahh wala, marami naman sigurong Troy sa mundo." "Siguro may Troy po kayong kilala?" "Wala, hindi ko naman sa kilala. Pero hayaan na natin ang bagay na 'yan," hinatak niya ako papalapit sa kanya at halos magkadikit na ang aming mga mukha. "Aminin mo na sa akin, silahis ka di ba? Hindi mo 'yan maitatago sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD