Mika Maaga akong gumising kinabukasan. “Ako na po, dito Nay–?” “Nanay Rosalinda,” sagot ng matanda habang abala ito sa ginagawa. Maaga akong nagising pero mas maaga pa ito sa ‘kin. “Ako nga po pala si Mikay. Asawa po kayo ni Tito Pablo?” magalang kong tanong. Iniwan niya ang ginagawa saka bumaling ng tingin. “Oo, ewan ko ba kay Pablito? Ayaw na ayaw niyang tawagin na Tatay Pablito,” naiiling na turan nito. “Hayaan n’yo na po. Nakatutuwa naman po siya at talagang makisig pa ho.” “Sa bagay.” Sabay kaming natawa ni Nay Rosalinda at masayang nagkwentuhan. Maya-maya’y dumating si Tito Pablo upang mag-almusal. Hinandaan nito ang asawa na magiging abala raw sa kuwadra at iba pa. Si Tito Pablo pala ang punong abala sa lahat dito sa rancho. Ilang taon na raw niya itong gawain bago pa mawa

