Mika Magdamag akong hindi nakatulog sa kaiisip nang mga nasaksihan ko kasama si Rafael. Masakit, pero wala na akong karapatan, kaya malaya niyang gawin ang naisin sa sinumang babae. Tanging ang anak naming si Rafa lamang ang nag-uugnay sa aming dalawa. Susuko na kaya ako? Ilang beses kong naisip ang mga bagay na iyon magmula pa lang nang mamatay ang daddy niya. Subalit wala pa man ay nagkapira-piraso na ang puso ko kaya makailang beses akong nakiusap noon, hanggang sa tuluyan niya akong iwan ay ‘di ko nakuha ang kapatawaran niya. Ang tanging kinakapitan ko lang noon magpa-hanggang ngayon ay ang kaalamang wala siyang maalala. Na kaya siya galit sa akin ay dahil nakalimutan ako ng puso niya. Subalit napag-isip ko rin na sapat ba ang pagmamahal niya para mapatawad niya si Inay, at subukang

