Chapter 34: Book 2

2300 Words

Mika “So, he’s your son–?” “Oo!” mabilis kong sagot. Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at iniwas agad ang sarili sa kaniya. Tiningnan ko ang aking anak at hinila ito pabalik ng upuan. “Rafa, saka na lang tayo mag-ice cream. Masakit kasi ang tiyan ni Nanay. Ayos lang ba ‘yun?” mababang pakiusap ko kay Rafa. Nakitaan ng lungkot sa kaniyang mukha pero sumang-ayon na rin ito. Kaya lubos akong nagdiwang at hinalikan agad ito saka binaling ang tingin sa lalaking nananatiling nakatuon ang atensyon sa amin. “Senyorito, aalis na po kami,” ani ko. Tatalikuran ko na sana siya nang magsalita itong muli. “Aren’t you going to ask kung bakit kami magkasama?” Natigilan ako sabay pasada ng kabuuan nito. Napapikit nang mapansin ang pulang marka sa suot niyang puting polo. Hindi maikakaila na sauce

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD