Mika Buong magdamag akong gising. Pilitin ko man iwaglit ang napag-usapan namin ni Rafael ay hindi pa rin ako nagtatagumpay. Maraming ‘what if’s’ na patuloy na nagpapagulo sa isipan ko. Matagal na panahon na rin mula nang huli ko siyang inisip ng ganito. At matagal na panahon na rin mula nang huli kong naramdaman ang pag-iisa ng aming katawan. Ganoon pa rin kaya ang katawan niya? Alam kong kabaliwan ito pero tila ba nasasabik ako na hindi ko maintindihan. Mali, oo. Pero iyon naman talaga ang isa sa dahilan kung bakit ‘di ako dalawin ng antok. Mga bata pa kami noon nang unang may mangyari sa amin. Mapusok, kaya nabuntis ng maaga. Subalit wala ako pinagsisihan, dahil nabuo si Rafa. Ang nag-iisang nag-uugnay sa isang anak ng kriminal na gaya ko. “Nanay, sa’n po tatayo pupunta?” walang mua

