Third Person POV Nanirahan ng ilang taon ang mag-inang Lalaine at Rafael sa ibang bansa. Nagtapos din ng pag-aaral si Rafael sa lugar. Ngunit napansin ni Lalaine na tila may nag-iba na sa kaniyang anak. Kung dati rati ay walang hilig sa babae ang anak, ngayon naman kabi-kabilaan na ang mga babaeng kasama. Gusto man pagalitan ni Lalaine si Rafael, subalit mas nananaig sa kaniya ang kalagayan ng anak. May parte sa buhay nito ang nawawala at nakalimutan. Kasama na rito ang totoong ama at ang babaeng pinangakuhan niya ng kasal, si Mika. Matapos ang pananatili sa ibang bansa’y nagpasyang umuwi na ng Pilipinas ang mag-ina. Ito’y para maasikaso na ng anak ang naiwan nilang negosyo kasama na ang pamamahala sa rancho na iniwan ng namayapang asawa ni Lalaine na si Ralph. Nanatili sa Maynila si L

