Lalaine Masaya sana kami nagdiriwang dahil sa pagkakapanalo sana ni Ralph. Dahil sa nangyari’y binuto pa rin siya ng sambayanan, kahit ito’y inbalido na. Wala nang bisa ang lahat. Sa kabila nito’y naging masaya pa rin ako, kahit tuluyan na niya rin akong palayain. Hindi ganito ang inaasam kong kalayaan, mula sa kaniya noon. Ni minsan ay hindi ko hinangad na iiwan niya kami ni Rafael kung saan hindi na namin siya makikita pang muli. Maraming nakiramay na umabot ng dalawang linggong lamay. Bukas ito sa publiko, magkagalit man kami ni Mama ay kinalimutan muna namin iyon. Isang linggong lamay sa Manila at isang linggo sa Santa Barbara para sa kaniyang huling hantungan. Doon ko lamang napagtanto na maraming nagmamahal kay Ralph. Marami siyang natulungan at sobra akong nasasaktan dahil wa

