Chapter 37: Book 2

1927 Words

Third Person Pov Pagkakita pa lang ng mga tauhan ni Rafael sa batang hawak nito’y ‘di na maipagkakaila na anak niya ito. Para kasi silang pinagbiyak na bunga. Kaya nagkatinginan ang mga ito at napagtanto na hindi lang basta pumasok na katulong ang mahinhin at magandang si Mikay. Kaya naman pala kakaiba kung tumitig ang kanilang Senyorito Rafael. Ilang beses na itong nahuli ni Pablo na kung sulyapan ng batang amo ang bagong pasok na si Mikay ay kakaiba. Ngunit kapag napapansin naman ni Rafael na nakatingin ang matanda ay bigla itong nagsusungit, sisimangot at salubong agad ang mga kilay. Nasa isang kumpulan sila Pablo, Tildi at Rosalinda. Kasama nila ang batang amo na si Rafa. Nasa kandungan ni Tildi ito’t nakatulog sa kahihintay sa ina. Simula pa kahapon ay hindi na nila nakita si Mikay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD