Chapter 19: Past and Present

2583 Words
Lala “I am so proud of you anak, napakagaling mo.” Niyakap ko ang aking anak na si Rafael. Graduation niya ngayon ng highschool at siya ang class valedictorian. “Mom, nagmana lang po ako sa inyo ni Daddy, ‘di po ba Dad?” Kay sarap tingnan ang ngiti niya. Ayaw ko maputol ang kaligayahang nadarama ng anak ko. Buong buhay niya wala siyang ibang kinilalang ama. He kissed me and hug his dad. “Of course son, nagmana ka sa akin… sa amin ng Mommy mo,” sagot ng daddy niya matapos ay tinapik-tapik siya sa braso. Everybody are looking for us. Larawan ng hindi natitibag na pamilya. “Senator, nakahanda na po ang speech ninyo.” Umakyat si Ralph sa entablo habang kami ng anak ko’y masaya siyang pinapanood. Oo, senador na ngayon ang asawa kong si Ralph, kung ano ang nangyari sa nakalipas na limang taon ay sariwang-sariwa pa rin sa akin. Mga huling sandaling kasama ko siya… kasama ko si Jerome. FLASHBACK “P-Please! Ralph, n-nakikiusap ako, ibalik mo sa akin ang anak ko.Siya na lang ang meron ako, parang awa mo na.” Wala akong sinayang na minuto. Nanginginig kong hinawakan ang kaniyang mga kamay. Ang mga tuhod ko’y sumalpak sa malamig na sahig. Wala na akong pakialam kong anuman ang itsura ko ngayon. Pero isa lang ang masisiguro ko, mas kaawa awa ako ngayon kaysa noon nang una niya akong sagipin. Kailangan kong makiusap kay Ralph, lahat kaya kong gawin, ibalik niya lang sa akin ang anak ko. Hinila niya ako patayo. “Sssh, baka isipin ng iba, kinakawawa ko ang mahal kong asawa.” Mahirap hulaan ang kinikilos ngayon ni Ralph. Ngunit kung anuman iyon ay nakahanda ako. Maibalik niya lang sa akin ang anak ko. Maya-maya’y pinakawalan niya ang aking isang kamay upang dalhin lamang ang palad niya sa aking mukha. Ang pisngi kong basa ng luha’y kaniyang tinuyo’t dinama ng mainit niyang palad. Ngunit sa bawat haplos nito’y pakiramdam ko’y tinutusok ako ng mga tinik sa mukha. Walang kasing lamig ang tingin niya sa akin. “R-Ralph–” “T-Tahan na, mahal ko. Nasa mabuting kamay ang anak natin. Makikita mo siya… iyon ay nakadepende sa ‘yo.” Mga salitang nagbabadya ng pangamba at takot. Alam kong may kapalit ang lahat ng ito. “A-Ano ang gusto mong gawin k-ko–” gaya kanina’y pinutol muli nito ang iba ko pang sasabihin sa pamamagitan ng mapusok na halik. Mahinahon at agresibo niya akong hinalikan. Hinayaan ko na lamang siya. “T-Tell me, sinong mas masarap humalik sa amin ng lalake mo?” mahinahon niyang tanong sa pagitan ng kaniyang mapagparusang halik. “R-Ralph, tama na…” isang malakas na sigaw at lagabog ng kung anong bagay ang nagpatigil sa akin. Nakapikit ang mga mata ko’t nakahanda na sa parusang ipapataw niya sa akin. Ngunit taliwas sa inaasahan ko ang sumunod na nangyari. Naramdaman ko na lang kasi ang pag-angat ng aking katawan sa ere at maya-maya’y paglapag nito sa malambot niyang kama. “R-Ralph–” “Bullshit, Ahhh. Wala ka na bang ibang alam kundi ang banggitin ang pangalan ko?” sigaw niya. Umupo ako’t di makapaniwala sa hitsura niya ngayon. Matikas at talagang magandang lalake si Ralph. Subalit sa nakikita ko sa kaniya ngayo’y ibang-iba sa Ralph na kilala kong mahinahon. “Hayaan mo akong…” tatlong magkakasunod na putok ang nagpatigil muli sa akin. Pikit mata’t hindi malaman kong saan tumama ang tatlong balang pinakawalan niya. Ang akala ko’y sa akin niya ito itatama. “P-Patawarin mo ako Ralph. Nakahanda akong gawin ang ipapagawa mo sa akin,” pakiusap ko nang lumapit sa kaniya. Sa mga sandaling ito’y kailangan ko siyang pakalmahin at kausapin ng masinsinan. Hinaplos ko ang kaniyang mukha at kinuha sa kaniya ang baril na hawak gamit ang isa kong kamay. Huminahon naman siya at maya-maya’y pumikit. Tila isang mahika na biglang naglaho ang malademonyo niyang mukha at bumalik ang mala anghel at maamong Ralph. Lumapit pa siya sa akin at walang babalang pinaghahalikan ako sa aking mukha. Ang kaniyang mukha’y masaya na para bang walang nangyari. Pinagdikit niya ang aming mga labi, ngunit sa pagkakataong ito’y malamyos at mabini niya ito kung gawin na para bang nang-aakit, o mas madaling sabihin na nag-aanyaya. Hindi ako tanga para ‘di mahulaan ang nais niya, lalo pa nang ihiga niya ako at damhin ng malaki niyang kamay ang aking dibdib. Hinayaan ko siya, siya naman kasi ang asawa ko. Pumikit ako’t dinama ang bawat haplos niya. Ngunit walang ibang laman ang isip ko kundi si Jerome. Pakiramdam ko’y pinagtataksilan ko siya. Palalim nang palalim ang mga haplos at halik ni Ralph, hanggang sa maramdaman kong pareho na kaming walang saplot sa katawan. Ito pa lang ang kauna-unahan na gagawin namin ito, na lumagpas kami sa linya na siya na mismo ang nagbigay. Gusto ko siyang maramdaman, pero kahit na anong gawin ko’y wala pa ring epekto. Pilit ko man isipin at itaga sa utak ko na si Ralph ang asawa ko, na siya ngayon ang kasama ko, ngunit mukha pa rin ni Jerome ang nagsusumiksik sa isip ko. Bawat haplos at diin ni Ralph ng kaniyang sarili’y katumbas nito’y pighati. Oo, magaling siya romomansa. Hipokrita ako kung sasabihin kong wala akong naramdaman. Subalit iba pala talaga kapagka mahal mo ang gagawa nito sa ‘yo. Kung sana noon pa niya ito pinadama, kung sana nung mga panahon na nagmamakaawa ako. Bakit ngayon pa? Kung kailan ang akala kong pagmamahal noon ay awa lang pala, o pagtanaw ng utang na loob. Sa buong magdamag ay puro halinghing ni Ralph ang umalingawngaw sa aming silid. Mag-uumaga na yata nang tigilan niya ako. Dahil sa matinding pagod kaya’t hindi ko na siya nakausap patungkol sa aming anak. Tanghali na nang magising ako. Wala si Ralph sa tabi ko. Marahil ay pumasok na sa opisina. Dahan-dahan akong bumangon at paika-ikang nagtungo ng banyo, hanggang sa makita ang aking sarili sa salamin. Maga ang aking mga mata. Kalat-kalat ang ilang make-up na pinahid ko sa aking mukha. Hinubad ko ang tshirt na isinuot niya sa akin, kaya’t tumambad sa akin ang maliliit na pasa sa aking katawan. Marahil dahil sa gigil niya sa akin kagabi. “L-Lalaine,” tawag ko sa aking pangalan. Nahabag ako sa aking sarili. Ngunit hindi ito ang panahon upang mag-inarte ako. Kaya’t naligo ako at siniguradong maganda sa paningin niya. Kailangan kong makipag kasundo. Kahit kay kamatayan pa ‘yan ay gagawin ko pa rin. Paglabas ko’y isang masayang Ralph ang bumungad sa akin. Wala akong ibang taong naririnig dito sa loob ng aming tahanan maliban lang sa aming dalawa. Masaya niya akong pinaghandaan ng makakain. At pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo matapos ay sa labi. Nag-umpisa ako kumain gayon din siya. Tahimik lamang kami hanggang sa hindi na ako nakatiis. “Ralph, hmm, si Rafael, k-kailan mo siya iuuwi?” Pinilit kong pagaanin ang paligid naming dalawa. Hangga’t maari ay ayaw ko siyang magalit. Subalit mukhang hindi niya nagustuhan ang aking tinanong. “Not now, don’t worry, my son is safe. Now can we eat?” Hindi na ako nag-usisa pa. hanggang matapos kami at nagpaalam siya. “Aalis ako, mawawala ako ng dalawang araw.” Nagkaroon ako ng pag-asa. Ngunit ang sayang nadama ko’y panandalian lang dahil sa babalang binitawan niya. “Gusto ko, pagbalik ko…” tumigil ito saglit at dahan-dahan na lumapit sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha ar mabining dinama. Ngunit ang mga salitang binitawan ay kakila-kilabot. “Kung gusto mong makita pa si Rafael ay kailangan mong sundin ang lahat ng utos ko.” Batid kong labag sa loob niya ang anumang nais sabihin. Nakikita kasi sa pag-igting ng kaniyang mga panga at pagkuyom ng palad. “Oo, Ralph kahit—” “Ayaw ko ng makitang umaaligid sa Santa Barbara ang pagmumukha ni Mr. Bustamante.” Isa itong utos, at walang sinumang pwedeng humarang sa isang Governor Ralph Ellis. “Pero paano—” “Kaya ko siyang burahin sa mundo kung nanaisin ko. Pero hindi ko gagawin,” muling sabi nito nang paglapitin pa ang aming katawan. Natatakot man ako’y kailangan ko pa rin na maliwanagan. Kailangan kong maging matapang. “K-Kung ganoon, a-ano ang gusto mong gawin ko?” matapang kong tanong sa kaniya. Isang nakakalukong ngiti ang ginawad niya bago pinakawalan ang huling salitang sinabi. “Tsk, tsk, tsk. Honey, alam kong alam mo na kung ano ang gusto kong gawin mo. Hahayaan kita ng dalawang araw kasama siya. At pagkatapos akin ka na ng buong-buo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan niya akong iniwan. Ang pinagtatakhan ko’y maski isa ay wala akong bantay. Kaya ito na ang pagkakataon ko kung saan malaya kong napuntahan si Jerome. Kahit na ba alam kong may nagmamasid sa akin. Masaya na rin ako sa dalawang araw na binigay sa akin ni Ralph. Wala akong sinayang na oras nang magkita kami ni Jerome. Hindi siya makapaniwala at alam kong masayang-masaya siya. Bawat sandali at minuto’y wala kaming sinayang ni Jerome. Ibang-iba pag siya ang kasama ko, ang kasiping ko kaysa nung magkasama kami ni Ralph. Oo alam kong makasalanan ako, subalit iyon naman ang totoo. Hanggang sumapit ang takdang araw na ibinigay ni Ralph. Alam ko rin na may binabalak si Jerome. Na balak niya akong ipaglaban at itakas, na nakahanda siyang harapin si Ralph. Subalit kong pipiliin ko siya’y hindi ko na makikita pa si Rafael, ang anak namin. At hindi lang si Rafael ang panakot ni Ralph. Batid kong idadamay niya ang pamilya ko.Ganoon kalakas ang impluwensya niya. Nang dumating ang takdang oras ng pag-alis namin ni Jerome ay siya na ring hudyat ni Ralph. Paglabas namin ay napapaligiran na kami ng mga tauhan ni Ralph. Nakagapos at nagkalat sa paligid ang mga tauhan ni Jerome. Kaya wala na siyang nagawa. Maski si Hector ay puno nang dugo at walang kalaban laban. Mahigpit na hawak ni Jerome ang kamay ko. Nasa loob ng itim na Range Rover si Ralph, saka dahan na dahan na bumaba. “Honey, time is up,” tawag niya sa akin nang magtama ang aming mga mata. Nabaling ang atensyon ko kay Jerome. Umiiling siya habang ako’y panay na ang buhos ng aking mga luha. Pakiramdam ko’y sasabog ang puso ko sa tindi ng sakit na nararamdaman. “Fvck you! Hindi mo na makukuha sa akin si Lalaine,” matapang na may pagbabanta ni Jerome kay Ralph. Matapos ay hinila ako niya ako papunta sa sasakyan. Dahil sa lakas nito kaya natangay ako at pilit niyang sinasakay sa sasakyan. “Jerome–” “Are you sure?” Natigilan kami ni Jerome at napatingin kay Ralph na may ngisi pa rin sa labi. “Bakit hindi si Lalaine ang papiliin natin?” mapang asar pang tanong ni Ralph. Pinilit kong bumitaw sa hawak sa akin ni Jerome. Lumayo ako ng kaunti at pabaling-baling ng tingin sa kanilang dalawa. Kay Ralph na panay ang ngisi at kay Jerome na nag-uumpisa ng mamula ang mukha. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, ngunit hindi ko kayang gawin. “J-Jerome, itigil na natin ito…” hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang hablutin niya ako at maya-maya’y tinutok ang baril na hawak kay Ralph. Umalerto at susugurin sana ng mga tauhan ni Ralph si Jerome ngunit pinigilan niya ito. “Isa kang negosyante Mr. Bustamante, pero ‘di ka marunong tumanggap ng pagkatalo,” mapang-uyam pang sabi ni Ralph. “Tumigil ka na, ‘di mo na makukuha sa akin si Lalaine, dumaan ka muna sa aking bangkay–” “Ganoon ba? Bakit hindi!” sabay tutuk ng lahat kay Jerome. Kaya’t napasigaw ako at hinarang ang sarili. “Tama na, Ralph. Pakiusap, ‘wag mo siya sasaktan. Hindi ganito ang napag-usapan natin.” Lalong bumuhos ang aking mga luha nang lingunin muli si Jerome. “A-Alam mo ang lahat ng ito?” ‘di makapaniwala niyang tanong. Bawat buhos ng mga luha nito’y nagsisilbing punyal na tumutusok sa akin. Mas nanaisin ko pang mamatay na lang ng mabilis kaysa sa ganito kung saan unti-unti akong nauupos. “I’m sorry, J-Jerome, pero kalimutan mo na ako–” “No!” biglang sigaw nito at maya-maya’y lumuhod. “Tumayo ka riyan, Jerome. May asawa na ako at sa kanya ako sasama.” Kailangan kong tatagan ang aking loob.Walang mangyayari kong ipaglalaban ko pa siya. Makatakas man kami ngayon ay alam kong hindi kami basta makakawala sa anino ni Ralph. Nagmakaawa at humagulgol si Jerome sa akin. Subalit pinili ko pa rin na makawala sa kaniya. Bawat hakbang ko papalayo ay doble ang katumbas na sakit sa aking puso. “Lalaine! Please! Don’t do this!” Huli at malakas niyang sigaw na siyang nagpatigil sa akin palapit kay Ralph. Kaya’t lilingunin ko na sana siya nang matigilan. Tuluyan akong hinila ni Ralph papalayo at pilit na isinakay sa sasakyan. Panay buhos ng luha kong ayaw paawat sa pagpatak. Puso kong walang kasing sakit. Bakit ba napakailap sa akin ng tadhana? Masama ba akong tao nung past life ko? Kaya ako pinaparusahan ng ganito. Sumakay si Ralph at mabilis pinaandar ang sasakyan. Gusto ko siyang lingunin subalit hindi ko magawa, dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay paniguradong mapapahamak siya. “Ralph–” “The deal is over. Tumahimik ka na. Naghihintay na si Rafael sa atin.” END OF FLASHBACK Hanggang ngayon ay tila isang masamang bangungot ang nangyari noon sa amin ni Jerome. Dinala ako ni Ralph sa amerika at doon kami nanirahan ng dalawang taon kasama ang aking anak. Bumalik sa Pilipinas si Ralph upang ipagpatuloy ang nasimulan. Nang makabalik kami ng anak ko’y hindi na sa Santa Barbara kami tumira. Dahil senador na ng bansa si Ralph kaya kailangan na namin manirahan sa Maynila. Matapos magsalita si Ralph ay isang masigabong palakpakan ng mga taong nandirito ang binigay nila sa amin. Mabait si Ralph, magmula nang magsama kami bilang mag-asawa ay hindi na niya ako sinaktan. Hindi ko na rin tinanong sa kaniya si Jerome. Pilit ko man paimbistigahan ang lagay niya’y wala akong makalap na balita, palaging bigo. Hindi ko na rin matanong si Mr. Molly dahil pinaalis siya ni Ralph. Nalaman kasi niyang kasabwat siya ni Jerome. Tumunog ang cellphone ko, kaya’t dali-dali ko itong sinagot. Unknown number ito. “Yes, hello. This is Mrs. Lalaine Ellis speaking. Sino po sila?” Wala ang secretary ko kaya malaya ko itong nasagot. Pati kasi cellphone ko ay kailangan malaman ni Ralph kung sino-sino ang mga kausap ko. Mabuti na lang at busy siya kaya malaya ko itong nagawa. “Hello? Kung ayaw n’yo pong magsalita, ibababa ko na ito–” “Tsk, hanggang ngayon ay maiksi pa rin ang pasensya mo.” Boses pa lang niya’y alam kong siya ito. Si Jerome. “J-Jerome? Nasaan ka?!” Tapos na ang talumpati ni Ralph pero may kausap pa siya kaya hindi niya ako napapansin. “Easy ka lang Lalaine, hindi ikaw ang sadya ko.” “Kung ganoon, tigilan muna ako–” “I’m totally moved on. Hindi na ito tungkol sa ‘yo.” s**t, bakit nasasaktan pa rin ako? Hindi ba dapat wala akong karapatan? Dahil ako ang nang-iwan sa kaniya. “I want my son. Our son. So be ready. Nag-uumpisa pa lang ako.” AN: HI PO, SORRY AT NATAGALAN. SABI KO NGA TATAPUSIN KO LAHAT NG NAIWAN KONG NOVEL. SANA MAY NAGHIHINTAY AT NAG AABANG PA RIN. SALAMAT NG MARAMI.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD