Chapter 20: Multo ng kahapon

2276 Words
Lala Nanlalamig kong hinawakan ang kamay ng aking anak. Bigla akong nakaramdam ng takot. Limang taon na ang lumipas pero bakit ngayon lang ulit siya nagparamdam? Ngunit sa kabila ng takot ay naroon din ang saya. Masaya akong hindi siya napahamak. Tumupad din ng usapan si Ralph. “Mom, are you okay?” nag-aalalang tanong ng anak ko. Hinawakan ko ang kanyang mukha at nagpakawala ng pilit na ngiti. “A-Ayos lang ako, napagod lang siguro.” Pilit ko man itago ang nararamdaman ay hindi pa rin ito nakaligtas kay Ralph. “Dad, mom is sick,” tugon ni Rafael nang mapansin ng daddy niya. “Sige, mabuti pa umuwi na tayo. Naghihintay na rin ang mga Lola at Lolo mo.” Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang ako. Nakikitawa sa pinag-uusapan ng dalawa ngunit ang buong wisyo ko ay sa tawag na natanggap. Panay sulyap sa akin ni Ralph ngunit panay naman ang iwas ko. Pinilit kong kalimutan at kinalma ang aking sarili. Mahalaga ang araw na ito para sa anak ko. Naging masaya at puno ng tawanan ang simpleng party na inihanda namin kay Rafael, lalo pa at ipinakilala niya ang nobya na anak ng isang business tycoon ng bansa. Wala akong tutol kung sino ang nagugustuhan niya, ang mahalaga sa akin ay totoong mamahalin siya. Sumapit ang hating gabi, sa wakas tapos na rin ang kasiyahan. Dumating kasi ang mga kaalyado ni Ralph kaya’t nasabak ito sa kuro-kuro na nauwi sa kaunting inuman. Ala una pasado na nang maramdaman ko ang pagbukas sara ng pinto. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy alak sa katawan ni Ralph. Hindi ako kumibo at nagkunwaring natutulog na. Dumiretso siya sa banyo na ipinagpasalamat ko. Ayaw na ayaw ko kasi ang amoy ng alak at hindi ito lingid sa kaalaman niya. Dahil sa pagod kaya’t mabilis akong inantok at nawalan ng ulirat, ngunit naalimpungatan ako nang maramdaman ang presensiya ni Ralph na nakapatong ngayon sa ibabaw ko. Hindi ko na naramdaman ang paglihis niya ng suot kong nightgown. “Ralph, pagod ako. Sa ibang araw na lang,” tanggi ko at bahagya siyang itinulak. Halik sa leeg at kaunting pisil pa lang naman ang ginagawa niya sa aking katawan. “P-Please, I miss my wife, I miss all about you. Kaya akin ka ngayong gabi,” tila nagdedeliryo niyang sambit. Kaya ang kagustuhan kong tumanggi ay hindi ko na nagawa. Ayaw kong makipagtalo, wala na rin naman saysay na tumanggi lalo pa at alam kong ikagagalit niya ito at iyon ang ayaw kong mangyari, ayaw kong sumpungin siya. Oo, may sakit si Ralph na IED o Intermittent Explosive Disorder, kung saan ang taong may karamdaman nito ay hindi makontrol ang sarili kapag sinumpong ng galit kaya’t mauuwi ito sa pagiging bayolente. “S-Sandali Ralph,” pilit kong pagpapatigil sa kaniya. Ngunit tila wala itong nadinig at patuloy ang pagggapang ng kamay. Ang labi niya’y nasa aking leeg, matapos ay sa labi. Pabalik balik niya itong ginagawa hanggang sa bumaba nang bumaba sa aking mga dibdib. “Ralph—” “Hmm?” “Nakainom ka na ba ng gamot mo?” Simula nang malaman ko ang sakit niya’y hindi ako nakakalimot na palalahanan siya. Kaya siguro sa nagdaang taon ay naging mahinahon na siya at bihira na lang kung sumpungin. “Later honey, I’m still hungry,” pagpapatuloy niya pa nang sakupin at salitan niyang sambahin ang aking mga n!pples. “Ralph, sandali, you need to take your—” “Bullshit! I said later!” sigaw niyang bigla kaya natigilan ako. Naupo ito’t tumalikod sa akin. Naghahabol siya ng hininga at halatang pinapakalma ang sarili. Inayos ko ang sarili upang hanapin ang gamot niya at maipainom sa kaniya. Ito ang dahilan kaya’t hindi maari na makalimot siya sa pag-inom ng gamot. Maya-maya’y bumuntonghininga ito. “S-Sorry,” mahinang sambit niya. Alam ko naman na pinipigilan niya ang sarili na huwag magalit. Pinaparamdam niya ito sa akin at pinapatunayan na talagang nagbago na nga ito. Bumuntong-hininga rin ako at saka dahan-dahan na lumapit sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa uluhan niya. “Heto, uminom ka na muna ng gamot mo,” ani ko nang maiabot sa kaniya ang hawak kong gamot at tubig. Walang salita niya itong kinuha at ininom, matapos ay inilapag niya ang baso na may lamam pang tubig sa side table at nahiga. ‘I’m sorry, hindi na mauulit,” mahinang sambit niya. Ako naman ay nahiga na rin sa tabi niya. Balak ko sanang ipagtapat sa kaniya ang tawag na natanggap ko galing kay Jerome, ngunit tila nawalan ako nang lakas ng loob. O mas madaling sabihin na natakot ako. Natakot ako na baka bumalik na naman ang dating Ralph, na baka kahit ang mga gamot nito’y hindi na eepekto pa sa kaniya. “Naintindihan ko, matulog na tayo…” hindi ko pa man matapos ang nais sabihin nang kubabawan niya ako at sakupin muli ang aking bibig. Wala na akong maidahilan pa sa kaniya kaya’t hinayaan ko na lamang at magpapatangay sa mundong binuo nito kung saan tanging siya lang ang naroon. Oo, mundo sana naming dalawa subalit kahit na anong pilit kong sumama sa mundong binuo ay hindi pa rin ako makapasok. Ang pakiramdam na pilit ko man maramdaman ay nananatili pa ring walang silbi, kagaya na lamang ngayon. Nakapikit ako’t pinipilit siyang ipasok sa isip at puso ko’y hindi ko magawa-gawa. Sinasamba ngayon ni Ralph ang katawan ko subalit tanging siya lang ang naliligayahan. “Honey, ahm, I miss you hon. Akin ka lang,” nahihibang niyang sambit habang mabilis na naglalabas masok sa aking lagusan. Saksi ang panginoon na sa tuwing nagtatalik kami’y nakikiusap ako at nagdarasal na sana ay makalimutan ko na si Jerome, na sana’y maibaling ko na kay Ralph, sa aking asawa ang pagmamahal na dapat noon ko pa naibigay. Akala ko nung una ay mahal ko si Ralph, ngunit mapagtanto kong magkaiba pala ang pagmamahal at atensyon. Ang gusto ko lamang noon ay ang atensyon niya. Kung kailan nasa akin na ang buong atensyon nito’y ganito naman ang aking naramdaman. Maya-maya’y tuluyan nanginig si Ralph sa ibabaw ko. Pawisan kaming pareho at naghahabol ng hininga. Umalis siya sa ibabaw ko at nahiga sa aking tabi. Tumalikod ako sa kaniya at magkasabay ang pagsara at patak ng luha sa aking mga mata. “I’m sorry, Ralph.” Naalimpungatan ako sa malagkit at pwersa ng isang tao sa aking harapan. Madilim pa ngunit maliwanag naman ang presensya ni Ralph na nasa gitna ng magkabilaan kong hita at walang habas akong pinapaligaya. Hindi malinaw sa akin ang hitsura niya ngunit sino pa nga ba ang gagawa nito sa akin maliban sa kaniya at kay… “L-Lalaine, oh my Lala. I miss everything about you,” sambit niya habang patuloy akong pinapaligaya sa pamamagitan ng kaniyang bibig. Aaminin kong naliligayahan ako sa ginagawa sa akin ngayon ni Ralph. Tila ba ibang-iba ito kaysa noong una. Dininig na ba ng diyos ang aking panalangin? Habang nakapikit ako’t tinatamasa ang ligayang nadarama ay bigla kong napagtanto na tila ba iba ang boses na aking nadinig. Kung kaya’t dinilat ko ang aking mga mata saka tuluyan kong napagtanto na hindi pala si Ralph ang taong gumagawa nito sa akin kundi si Jerome. “Miss me? I told you sa akin mo lang ito maramdaman.” “J-Jerome? A-Anong…?” “Hon.”0 “Honey, gising.” Sa pagdilat ng mga mata ko’y nag-aalalang mukha ni Ralph ang aking nasilayan. “Binabangongot ka paglabas ko ng banyo. Tingnan mo, pawis na pawis ka.” Mabilis akong bumangon at binigyan siya ng mahigpit na yakap.”Sorry,” maikli at makahulugan kong ani sa kaniya.Hindi ko naman sinasadya na mapanaginipan si Jerome, at hindi ko rin sinasadya na ganoon ang maramdaman. Alam ng diyos kung ano ang nasa puso ko. Pinipilit ko naman, sadyang hindi lang nagtutugma ang katawan ko at ang aking puso. Halata ang lungkot sa mga mata ni Ralph. Ngunit wala akong nadinig sa kaniyang sumbat. Bagkus hinalikan ako nito sa aking noo. “You don’t have to say sorry. I’ll understand.” Matapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya ako’t pumasok sa walking closet sa loob ng aming silid. Pinipigilan ko ang maiyak, kaya’t pumasok ako ng banyo at tumapat sa shower. Kasabay ng patak ng malamig na tubig sa aking katawan ay ang mainit na lumalabas sa aking mga mata. Bakit ba mapagsa hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok nito? Kung sana ay natuturuan ang puso’y noon ko pa sana ginawa. Habang naliligo ako’y nakapag pasya na akong sabihin ang kahapon pang gumugulo sa aking isip. Ngunit pag labas ko’y walang Ralph akong nadatnan. Bagkus isang kompol ng pink na rosas at maikling notes na nakasulat. “Always remember that I love you.” Lalo akong nakunsensya at tuluyang napahagulgol. Napagtanto ko kasing alam niya na si Jerome ang lalaking nasa panaginip ko. Na hanggang ngayon ay si Jerome pa rin ang tinitibok ng aking puso. Lunch time na nang lumabas ako ng aming silid. Nakahanda na rin ang pagkain subalit mag-isa lang ako. Nagmamadali daw si Ralph kanina at si Rafael naman ay pumunta ng school para sa iba pang records na kailangan niyang tapusin. Habang kumakain ay naisip kong i-send kay Ralph ang rosas na binigay niya. Kinuhanan ko kasi ito ng litrato kanina. Me: Thanks for the flowers. I love you too. Ralph: That fast? Nagtataka man ako’y hindi ko na inusisa pa at mag-rereply pa sana nang matigilan kay Maria, ang dalagitang kasambahay namin na apo ng yaya ni Ralph. “Excuse me po Ma’am Lalaine, may delivery po para sa inyo,” nakangiting ani ni Maria at ini-abot sa akin ang pulang rosas. Nakaramdam kaagad ako ng kabog sa dibdid. “Thank you,” maikli kong sagot. Kinuha ko ang rosas at binasa ang nakalagay. “For my beautiful and loving wife. I love you so much. ‘Ralph’.” Dali-dali akong tumayo upang magtungo muli sa aming silid. Gusto ko lang tiyakin ang lahat. Mabuti na lang at nauna ko muna i-send ang message ko bago ang picture ng bulaklak na nakita ko sa aming silid. Saka naisipang magpadala muli ng mensahe kay Ralph. Me: Alin? Ang red roses ba? Ralph: Yes honey, bakit may iba ka pa bang natanggap na rosas? Me: Wala, gusto ko lang makasigurado, baka kasi nagkamali ka ng receiver. Ralph: Only you, wala ng iba. Ikaw lang naman ang asawa ko ‘di ba? Ralph: I gotta go, mag-uumpisa na ang meeting ko with Vice President. Pagtapos ng palitan namin ng mensahe ni Ralph ay tumayo ako’t nilibot ang aming silid. May hinala na ako kung kanino nanggaling ang pink roses kanina. “Jerome, ano ba itong ginagawa mo?” mahina kong sabi habang nakatingin sa dalawang kumpol ng rosas sa aking harapan. Maya-maya’y isang mensahe na naman ang natanggap ko. Ngunit sa pagkakataong ito’y unknown number na ito, kagaya nung natanggap kong tawag kahapon. Mabilis ko itong binuksan kung kaya natuklasan na tama ang aking hinala. Unknown: Like it? Unknown: Hindi ka pa rin nagbabago. Ang ganda pa rin ng katawan mo. I want to taste you again and make you scream, just like before. Nanginginig kong binura ang message na natanggap at balak na sanang i-block. Ngunit bago ko pa man magawa’y isang mensahe muli ang natanggap ko. Unknown: Nga pala, hindi maitatanggi na ako ang ama ng binatang kaharap ko ngayon. Dahil sa trakot kaya’t mabilis kong pinindot ang numero ng aking anak upang tawagan ito. Naka apat na ring bago niya ito sinagot. Rafael: Hello, sorry po mommy, hindi ko nasagot agad. May lalaking– Me: Rafael, nak? Listen. Don’t talk to a stranger, baka– Rafael: Mom, calm down. Nagtatanong lang naman siya ng direction. Saktong ako ang nakasalubong niya kaya siya nagtanong. And besides, nasa campus po ako. I am safe. Me: Nag-aalala lang naman ako. Alamo naman na matunog ang daddy mo sa Vice President candidacy kaya nag-aalala lang ako. Rafael: Don’t worry, okay? I am safe—Sige po, bye mom. I love you. Matapos ang usapan namin doon pa lang ako naglakas loob na tawagan si Jerome. Isang ring ay sinagot na niya ang tawag. Me: Please, Jerome. Hayaan mong ako ang magsabi sa anak ko. Jerome: Oh, ba’t napatawag ka? Wala man lang hi, hello or how– Me: Please Jerome! Tumigil ka na. Masaya na ako, kami ng– Jerome: Masaya? What a beautiful word. Can you describe it to me Lalaine? Hindi ko kasi alam ang ibig sabihin ng masaya. Dahil simula nang tinalikuran mo ako’y nalimot ko na ang kahulugan ng salitang iyon. Me: I’m sorry. Jerome: Sorry? Kung sana mabubura ng salitang iyon ang nararamdaman kong pagkasuklam sa ‘yo. Jerome: Kaya ako naman, weather you like it not. Kukunin ko ang anak ko at pagsisisihan ng asawa mo ang ginawa niya sa akin. Tandaan mo ‘yan. Hindi pa tayo tapos. Nag-uumpisa pa lang ako. Me: No, Jerome? Sandali, makinig ka muna… Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang putulin ni Jerome ang tawag ko. Nag-dial ako ulit pero hindi ko na makuntak. “J-Jerome parang awa mo na,” umiiyak kong pakiusap kahit na alam kong hindi na ako madidinig nito. Kailangan masabi ko na ang katotohanan kay Ralph at lalong-lalo na kay Rafael. Kahit pa ang kaakibat nito ay ang tuluyang pagkasira ng pamilyang pinilit kong binuo. AN: Hello po, naku natagalan kasi tinapos ko pa ang Noli at El Fili. Salamat sa mga nag-aabang at hindi nang iwan. Mas maraming comment mas nakaka ingganyo mag update.Hehe. Salamat po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD