Lalaine
Nanghihina man ako’y pinilit ko pa rin na maipadala ang mensahe ko kay Ralph at Rafael.
“Handa na ang hapunan by 6: PM. Don’t be late. May importante akong sasabihin.” Pakiramdam ko’y ang bagal ng oras. Desido na talaga akong sabihin sa aking anak ang tungkol sa kaniyang totoong ama, hangga’t may pagkakataon ako, hangga’t may lakas pa ako ng loob.
Sa bawat dumaang mga oras ay inabala ko na lamang ang sarili sa paghahanda ng hapunan. Eksaktong five PM ng hapon dumating ng sabay si Ralph at Rafael. Nakabihis na rin naman ako at sila na lang ang hinihintay.
Nagpaalam muna ang anak ko na magpapahinga at maligo. Ganoon din ang ginawa ni Ralph pagkadating, ngunit pansin kong tila wala yata siyang imik at mukhang bad timing na naman ako. Subalit buo na ang aking pasya kaya kailangan kong sabihin sa kaniya ang lahat.
Saktong paglabas niya ng banyo’y nilapitan ko agad ito upang bigyan siya ng masusuot. Simpleng walking short at white t-shirt ang inihanda ko.
“Salamat,” tipid niyang sabi nang maabot ko sa kaniya ang susuotin. Nanatili pa rin akong tahimik sa likuran niya habang abala ito sa ginagawa nang magsalita siyang muli.
“It’s about him?”
“Huh?” Tila ako napipi sa simpleng tanong niya nang lingunin ako nito.
“It’s about Bustamante, right?” Kung ganoon alam na pala niya.
Sa totoo lang, malaki ang pinagbago ni Ralph simula nang pinili ko siya, napatunayan ko rin kung gaano niya ako kamahal.
“K-Kasi…” huminga muna ako nang malalim. “Oo, at sa pagkakataong ito si Rafael na ang kailangan niya.” Sa wakas nasabi ko rin.
His throat tightened. Ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit. "He'll never get my son from me!" he spat, his voice raw with anger as he slammed the door behind him.
Naiwan akong tulala, paano ko ba maayos ang pamilya ko? Ang gusto ko lang naman ay maayos ko at makabuo ng pamilya, pero bakit hindi ito maibigay sa akin? Totoong mahal ni Ralph ang anak ko at inari niyang kaniya sa kadahilanang hindi kailanman mabibiyaan ng anak si Ralph. Isa ito sa pinakatatago niyang lihim noon. Kaya pala hindi niya kayang makipagtalik sa akin noon, dahil para sa kaniya ay wala siyang silbi.
Naikwento rin niya sa akin noon na may babae raw siyang minahal noon, ngunit nang malaman na baog siya’y nilayasan siya nito at sumama sa ibang lalaki. Hindi ko na rin inusisa pa kung sino nga ba ang babaeng iyon? Matagal na panahon na rin naman.
Nakahanda na rin lahat ng pagkain pagkababa ko kung saan masayang nagkukwentuhan ang dalawa. Nasa garden kami ngayon. Naka ilaw na rin ang solar power lights at ang ilang pathway lights na nagbigay lalo ng magandang atmosphere sa paligid.
“Mukhang maganda ‘yang pinag-uusapan ninyo ah,” ngiti kong bungad sa kanila.
“Mom, naikwento ko lang po kay Dad ang tungkol kay Mika.” Mika is his girlfriend.
“What about her? I mean may masaya bang nangyari sa iyo kanina?” Nakangiti kong sabi nang maupo na rin sa tabi ni Ralph.
Ngunit bago pa man makasagot si Rafael ay pansin ko na ang pananahimik bigla ni Ralph. Paano ko mauumpisahan sabihin sa anak ko ang totoo? Gayong ang kinikilalang ama nito’y tila hindi nagugustuhan ang nais kong gawin.
“Well, she said, it’s about time to introduce me to her dad. And I am so excited for that.” Bakas ang saya sa hitsuta ng anak ko. Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot. Kakayanin ko bang putulin ang sayang nararamdaman niya para lamang masabi ang katotoohan? Buong buhay niya’y si Ralph ang kinilala niyang ama.
“Hmm, mauna na kayo. Kukunin ko lang ang cake, excuse me,” dahilan ko.
“We will wait for you, Mom,” dinig kong sagot ni Rafael.
Itinaas ko lang ang aking kamay bilang sang-ayon. Pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo upang doon ibuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko yata kakayanin na sirain ang pamilyang akala ng anak ko ay perpekto.
Ilang minuto ang lumipas ay gumaan na rin ang aking pakiramdam. Nakapag pasya akong hindi pa ito ang tamang oras para malaman ni Rafael. Bumalik akong may ngiti sa labi, wala ng bakas ng aking pighati, dala-dala ang cake na ginawa ko kanina.
“Mom, I thought you had something to tell us. What is it?” tanong ni Rafael sa kalagitnaan ng aming hapunan. Nagkatinginan kami ni Ralph, bakas sa kaniyang mukha ang lungkot, kaba at sari-saring emosyon.
Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa hita niya at binigyan siya ng panatag na ngiti. “Not so important. Naisip ko lang na bakit hindi tayo magbakasyon? You know, to have some fun and relax before the campaign.”
“Why not Mom! Matagal na rin naman tayo hindi nakapag bakasyon. What do you think, Dad?”
Tila nakahinga at lumiwanag ang mukha ni Ralph. “I think I need that too, at least before the campaign starts.” Sabay-sabay kaming nagtawanan at napuno ng kasiyahan ang hapag kainan.
***
Madilim, ngunit hindi ito hadlang sa amin ni Ralph upang mapag-isa ang aming mga katawan. Ramdam namin ang simoy ng hangin na nagmumula sa labas. Naghahalo ang alat at simoy ng karagatan na kay sarap sa pakiramdam. Sinasayaw ng hangin ang mga kurtina, kasabay ng indayog ng aming katawan.
“R-Ralph…” nanghihina kong sambit. Nasa ibabaw ako ngayon ni Ralph kung saan hawak niya ang aking mga dibdib habang ako’y ginigiling ang balakang upang mas maramdaman ko ang bawat tagpo at salpok ng aming katawan. Alam ng diyos kung ano ang pinagdadaanan ko sa tuwing nagtatalik kami ni Ralph. Kung saan pinipilit ang aking sarili na tanging siya lang dapat ang iisipin ko at wala ng iba. Subalit kahit na anong gawin ko’y sumasagi pa rin sa isipan ko ang imahe ni Jerome. Masama ba akong asawa? Oo, aaminin ko, makasalanan ako Kung meron lang sanang doktor or kahit sinong mangggamot na kayang alisin siya sa akin ay gagawin ko, kahit gaano pa ito kamahal, mabura ko lamang siya sa sistema ko.
“Lalaine, ahh…” sambit ni Ralph nang hawakan nito ang magkabilaan kong balakang upang mas binilisan pa ang talbog ng aking aking katawan. Alam kong malapit na siya at gayon din ako. Subalit naunang manginig si Ralph at ako’y naiwan pa sa ere.
Nakapikit si Ralph ng aking nasilayan nang idilat ko ang aking mga mata. Nakailang beses na siya subalit ako’y wala pa. Ito ang napansin ko sa aking katawan, tila ayaw itong makisama. Pinipilit ko at sinusubukan, ngunit wala pa ring epekto. Kaya’t isang paraan lang ang naisip ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang nakaraan namin ni Jerome. Kung paano niya akong hawakan, kung paanong magtagpo ang aming katawan at kung paano niya sambahin ito. Kasabay ng pagbulwak ng aking katas ang pagpagtak ng mga luha sa aking mata. ”I’m sorry, Ralph.”
Nanghina ako’t bumagsak sa pawisang katawan ni Ralph. Hinalikan niya ang aking noo saka dahan-dahan akong inihiga sa kan’yang tabi.
“I love you, Good night,” bulong niya at maya-maya’y nakatulog na ito. Hinila ko ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan. Saka ako bumangon at isinuot ang manipis na tela sa akin at lumabas ng aming silid.
Nasa private beach Resort kami ng pamilya Ellis. Safe sa lugar na ito kaya’t hindi ako nababahala. Nagkalat ang mga tauhan ni Ralph sa labas kaya’t panatag ako. Nasa kabilang Villa si Rafael kasama ang ilan sa matalik niyang kaibigan na anak din ng kaalyado ni Ralph.
Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng alak na maiinom pati na rin ng magpapaantok sa akin. Lumabas ako at nagsindi ng sigarlyo bago maupo sa hanging chair. Inilapag ko ang dala kong alak sa katabing mesa nito at inumpisahan sunugin ang aking baga.
Ito ang naging libangan ko sa nagdaang taon. Napansin ito ni Ralph ngunit hinayaan niya lang ako. Patay sindi, inom hanggang hindi ko na namamalayan na mauubos ko na pala ang dala kong champagne. Kumikirot na rin ang ulo ko pero wala pa rin ito epekto sa akin. Walang pumapasok sa isip ko ngayon kundi ang pagbabalik ni Jerome. Tanaw ko ang ilang mangingisdang pumapalaot, maliban doon ay wala na akong ibang matanaw.
Binitawan ko ang alak at tinapon ang sigarilyong hawak ko. Tumayo ako’t naglakad sa kawalan hanggang maramdaman ng aking katawan ang tubig dagat. Nagpatuloy ako hanggang sa palalim na nang palalim. Bago pa man ako tuluyang lumubog ay unti-unti na akong nanghina. Umiikot na rin ang aking paningin hanggang sa tuluyan ako nawalan ng malay.
AN: SALAMAT PO ULIT, SANA BASAHIN N'YO RIN ANG STORY KO SA W@@TPAD. Follow ninyo po ako doon SaguittariousgirlDre. May ilalagay po akong new story na doon ko lang i publish. Thank you. Keep on commenting about sa story. Salamat.