Ralph
I was happy, ready to build a life with Erica, the woman I loved more than anything. Five years of happiness were shattered when we learned I was infertile—the inability to have children left me feeling worthless.
Naglaho lahat ng pangarap ko sa amin ni Erica, lalo na nang iwanan niya ako para sumama sa ibang lalake.
I'll admit, I was like a dead person trying to survive before I met and found Lalaine. I knew Bruno, the man who preyed on vulnerable street children. My position as Vice Mayor meant nothing; I was consumed by my addiction. Bruno was my supplier. Yes, I abused every drug imaginable before Lalaine came into my life.
I was aware of Bruno's abuse of children, yet remained unconcerned. My father subsequently learned of my drug addiction and arranged for my treatment in the United States. Upon my return, I encountered Bruno, who again offered me drugs. It was then when I saw Lalaine, a young girl who appeared exceptionally naive. I was immediately drawn to her and intended to purchase her from Bruno; pero huli na ako. I witnessed her and Jerome kissing on a bridge.
Hinayaan ko sila, pero hindi lang doon nagtatapos. Pinabantayan ko sila sa mga tauhan ko until I found out ang balak nilang pagtakas ni Jerome para bumuo ng pamilya. That's why I came up with an evil plan.
Yes, I was the one who set Bruno up. I secretly assisted Lalaine and Jerome with their plans, but their eventual happiness together was never my intention. Kaya pinakulong ko si Jerome at inalok ng tulong si Lalaine at kasal kahit alam kong nagdadalang tao siya. Yes, I was ruthless. Gusto kong maging akin si Lalaine. Gusto kong mahalin niya ako na tanging ako lang at wala ng iba.
The internal battle to resist her is a private torment, known only to God. Medication helps me manage the overwhelming attraction. Pinipigilan ko ang sarili na huwag siyang angkinin. Sinasabi niyang mahal niya ako pero iba ang nakikita ng aking mga mata.
I was an asshole for hurting her multiple times. I was so scared, natatakot na baka pag nalaman niyang baog ako’y iiwanan din niya ako. But things change nang magparamdam muli si Jerome. Kung alam ko lang mangyayari ang lahat ng kinatatakutan ko’y pinapatay ko na sana siya. But damn it, hindi ako masamang tao. I was ruthless but not a criminal.
Unti-unting nagbago si Lalaine sa pakikitungo sa akin. Yes, I knew, na palihim silang nagtatagpo ni Jerome. Hinayaan ko si Lalaine, kahit na ang kapalit ay ang pagkadurog ng puso ko. Pero mahirap pigilan ang galit kaya’t natagpuan ko na lang ang sarili kong may iniindang sakit. But I don’t care either, hanggang sa hindi ko na mapigilan ang galit ko’t unti-unti kong nasasaktan si Lalaine.
Kinulong ko siya, pinagbantaan si Jerome. Pero he’s willing to do anything para bawiin sa akin si Lalaine. He became a billionaire para mapantayan niya ako. Pero hindi ako nagpatalo. I used all my connections para manalo sa laban na walang kasiguraduhan.
And now, my fear is haunting me again. Bakit ngayon pa? Kung kailan buo na ang pamilya ko.
***
Nagising ako sa malakas na sigaw ni Rafael sa labas. “Mommy! Dad, si Mom!”
Tumindi ang takot ko nang makitang wala na si Lalaine sa tabi. Mabilis akong tumakbo palabas dahilan para matigilan ako when I see Lalaine lifeless. Buhat-buhat siya ni Rafael. Basang-basa.
“Dad!” I regained my composure and ran to their side.
“Hon! Honey, wake up.” I started shaking. But I need to calm down and do first aid.
“Ihanda n’yo ang sasakyan, mga walang silbi!” I shouted.
“Kanina pa po Senator.” Rafael is crying out loud. I need to do something. I think she’s drunk. I smelled it before I pump her and do the CPR. But damn it still no response. Inulit ko ulit hanggang sa mapaubo siya at mailabas ang tubig sa katawan. Saka ko siya binuhat at dinala sa sasakyan.
"Hon," I whispered, my voice choking with tears, "what did you do?"
“Ralph—”
"Please, stay still," I pleaded, desperation lacing my voice. "Don't leave me... don't leave us."
Lalaine POV
"Please, stay still. Don't leave me... don't leave us." Ang huling dinig kong pakiusap ng umiiyak na si Ralph bago mawalan ng malay tao.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Malabo pa ang aking paningin pero alam kong buhay pa ako. Puting kisame at tunog ng hospital equipment ang siyang nadidinig ko.
“Mom, thank God. Gising ka na.” It’s Rafael. “Tatawag lang ako ng doctor,” sabi lang niya at patakbong lumabas. Pinilit kong bumangon pero nanghihina pa rin ako. Ano ba ang nangyari sa akin? Ba’t ako narito sa ospital?
Pinilit kong alalahanin ang lahat subalit hindi malinaw at sumasakit lang ang ulo ko.
“Ugh, ang sakit–”
“Hon, ‘wag mo pilitin.” Si Ralph nang lingunin ko ito kasama ni Rafael at ng ilang doctor at nurse.
“Ano nararamdaman mo ngayon, Mrs. Ellis?" tanong ng doktor habang inaayos at tinitingnan ang dextrose na nakakabit sa akin.
“Medyo masakit po ang katawan ko, at nanghihina.”
“That’s normal, nabugbog kasi ang katawan mo sa tubig nang hindi mo namamalayan. Which is causing your trauma, or might be leading to it?"
“What can we do? Please, I'm begging you, do everything para gumaling lang ang asawa ko, Doc."
“Senator, you don’t have to begged. Trabaho ko ang pagalingin ang sinumang may sakit. For now, iwasan n’yo muna na ma-stress ang asawa mo para hindi na niya ulitin ang nangyari.”
“Ulitin Doc?” taka kong tanong. Hinawakan ni Rafael ang kamay ko at pinisil. “Doc? Please tell me, ano ba ginawa ko?” pagmamakaawa ko. Tinapik ni Ralph ang balikat ng doktor at may ibinulong siya rito.
“Magpagaling po muna kayo Mrs. Ellis,” sabi lang ng doktor bago lumabas.
Napapikit ako’t pilit na inaalala ang dahilan kung bakit ako narito sa ospital hanggang sa maramdaman ko ang halik ni Ralph sa aking noo. “Ralph, please! Sabihin mo sa akin ang nangyari?”
Naupo ito sa aking tabi habang patuloy na pinipisil ang aking kamay.
“Dad, labas po muna ako,” paalam ni Rafael. Nginitian ko lang siya bago ito lumabas.
“Ralph–”
"You drowned yourself, Lalaine,” malungkot niyang sagot.
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito. “Impossible…bakit ko gagawin ‘yon?”
“Ikaw lang makakasagot niyan Lalaine. Why did you choose to end your life? I just don't understand.”
Pinilit kong alalahanin ang nangyari, hanggang sa mapagtagpi-tagpi ko ito at nalaman ang dahilan kung bakit ako nagpakalasing nang gabing iyon.
“I’m sorry, Ralph,” humihikbi kong sabi sa kaniya. Dala lang ng alak at kawalan ng pag-asa ang nag-udyok sa akin.
“I understand, stop crying. Pakiramdam ko wala akong silbing asawa at—”
“H-Hindi, ‘wag mong sabihin ‘yan Ralph. Alam kong ginawa mo lahat…” hindi ko na kayang tapusin ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay puputok na ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi na ako makahinga at kung hindi ko sasabihin sa kaniya ang dahilan ko’y anumang oras ay baka ikatigil ito ng pagtibok ng puso ko.
“A-Ako… ako lang ang may k-kasalanan at itong walang kwentang puso ko,” patuloy kong hikbi habang pinagpapalo ang aking dibdib.
“K-Kung pwede ko lang turukan ng mampamanhid at pampawala ng alaala itong puso ko Ralph ay ginawa ko na, Maniwala ka, I-I tried, so many times. I tried… mawala lamang siya dito,” turo ko sa aking dibdib.
Lalong tumitindi ang sakit ng nararamdaman ko sa walang humpay na pagbuhos ng mga luha ni Ralph. Nasasaktan akong nasasaktan ko siya.
“I-It’s still him–”
“No! Hindi! Please maniwala ka—”
“Take a rest. I have a meeting to attend to.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya lang ako sa labi saka nagtuloy-tuloy na lumabas. Naiwan akong patuloy na umiiyak. But I need to compose myself. Ayaw kong madatnan ako ng anak kong ganito ang itsura.
Nagtagal pa ako ng dalawang araw sa loob ng ospital nang hindi umalis sa tabi ko si Ralph. Pero parang may iba. Iyong bang nandito siya pero parang wala. Maghapon lang siyang nakatutok sa laptop niya habang may ka-meeting. Pinapakain niya ako at nililinisan subalit hanggang doon lang. Pinilit kong buksan ang topic na iyon subalit halatang umiiwas lang ito.
Sa loob ng mga araw na iyon ay isang beses lang akong nadalaw ng pamilya ko at saglit lang ito. Pakiramdam ko ay may tinatago sila sa akin. Maraming bawal, maski ang panonood ng tv at paggamit ng cellphone ay ipinagbawal din ni Ralph. Naintindinhan ko naman kung bakit? Ayaw niya lang siguro ako ma-stress gaya ng ipinagbawal ng doktor.
Sumapit ang araw ng paglabas ko sa ospital. Nakahanda na ang lahat. Katabi ko si Rafael na halatang masaya dahil maayos na ang lagay ko.
Lumapit si Ralph at binuhat ako. Isinakay niya ako sa wheelchair kahit na sinabi kong kaya ko na naman maglakad ay hindi niya pa rin ako pinayagan.
Si Ralph ang nagtulak sa akin papunta sa itaas habang katabi ko si Rafael sa kanang bahagi ko. Nauuna ang sekretarya ni Ralph at ang iba pa niyang bodyguard na tila aligaga at may kausap sa earpiece na nakakabit sa kanila.
“Ralph, sandali,” pigil ko nang hawakan ang kamay niya.
“Yes? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalala niyang tanong.
“Wala naman, itatanong ko lang kung bakit umakyat pa tayo? Hindi ba sa ibaba ang parking?” Nagkatinginan ang mga kasama ko bago sumagot ang anak ko sa akin.
“Yes Mom. Pero sasakay tayo sa chopper para mas mabilis, ma-traffic kasi,” nakangiting sagot ng anak ko sa akin.
“Ganoon ba? Ayos lang naman kung ma-traffic, hindi naman tayo aabutan nang…” natigilan ako magsalita nang biglang may sunod-sunod na flash ng camera sa aming harapan. Kasunod ng pagsulpot ng reporters na hindi na maawat pa ng mga bodyguards ni Ralph kaya’t nakalusot na ang ilan sa mga ito.
Reporter 1: Misis Ellis, gaano ka totoo ang balitang binalak n’yo raw wakasan ang buhay ninyo?
Reporter 2: Misis Ellis, ano masasabi ninyo sa balitang may affair daw kayo ng isang sikat na businessman?
Reporter 3: Siya ba ang dahilan kung bakit kayo muntik ng magpakamatay?
Kung anu-ano pa’ng tanong ang binato nila sa akin, ngunit hindi ko na gaano naintindihan ang iba pa. Niyakap ako at tinakpan ng aking anak.
“That’s enough! Nasagot ko na ang mga tanong na ‘yan kaya please. Leave my wife alone.” Si Ralph na tinataboy ang mga ito.
So, iyon pala ang dahilan kung bakit parang may kakaiba kay Ralph? Kung bakit kailangan niya akong isakay sa chopper at ilayo sa akin ang mga bagay na makapag-konekta sa akin sa labas. At higit sa lahat kung paano nila nalaman ang tungkol sa nakaraan ko? Ang nakaraan na patuloy na nagmumulto sa akin.
AN: BUKAS KO PA SANA ITO I-PUBLISH PERO NATAPOS KO NA NAMAN NGAYON KAYA HETO NA. 1 A WEEK LANG TALAGA AKO MAG UPDATE NITO PERO PAG GINANAHAN AY BAKA MAKPAG UPDATE ULIT BUKAS. EVERY WEEKDAYS DAILY NAMAN ANG LOVE OFF SCRIPT. MASYADO KASING MABIGAT ITONG KWENTO NI RALPH, LALA AT JEROME. KANINONG TEAM KAYO? RALPH OR JEROME COMMENT DOWN. SALAMAT.