Kabanata 5

1681 Words
Lala Matapos ang higit bente-minutos ay siya namang bumuhos ang malakas na ulan. At dahil gustong-gusto ko ng makauwi kaya binilisan ko na ang pagpapatakbo bago pa ako ma-stranded at maipit sa putikan. Malapit ko nang marating ang main hi-way nang biglang tumirik ang sasakyan ko. "Please, huwag ngayon," aniko. Ngunit kahit na ano'ng gawin ko'y ayaw ng umabante, hanggang sa tuluyan akong maubusan ng gas at namatay ang makina ng sasakyan ko. "Sh*t!" Inis kong pinaghahampas ang manibela at doon inilabas ang inis ko. Nang mapagod ako'y isinandal ko ang aking likuran at pumikit na lamang. Ilang minuto akong nasa ganoong sitwasyon nang naisipan ko buksan ang cellphone ko. I-da-dial ko sana ang numero ni Jerome o kaya magpapadala ng mensahe sa kanya ngunit numero ni Ralph ang rumehistro kaya sinagot ko ito kahit ba kinabahan ako. Ralph: Thank God, Hon. Send me your exact location right now. Ako: Ralph, pasensya ka na nasiraan ako at... Ralph: That wouldn't happened if you went home earlier. Ralph: Send me now your exact location, so I can fetch you. 'Yon lang ang kanyang sinabi at pinatay na niya ang tawag. Dali-dali ko naman ipinadala sa kanya ang kinaroroonan ko. Matapos ay nag-tipa na ako ng mensahe kay Jerome nang ma-empty battery ako. "No, please mag-send ka," aniko at inis na inilapag ang cellphone ko sa dashboard. Sasabihin ko sana kay Jerome na huwag muna siyang sumunod. Baka magpang-abot pa kami at makita pa siya ni Ralph. Lumipas pa ang kalahating oras ay nariyan na nga si Ralph. Sakay ng rugged 4x4 niyang sasakyan ay walang kahirap-hirap itong nakalapit sa akin. Medyo tumila na rin ang ulan kaya hinintay ko na lamang ang paglapit niya sa akin. Binuksan ko ang pinto at lilipat na sana sa kabila nang matigilan ako't biglang may umilaw sa aming likuran. Kaya napatingin kami rito. "Governor Ellis?!" gulat na tanong ni Jerome. Lumapit ito sa amin at pasimple akong tinapunan ng tingin. Nilukuban na ako ng kaba sa dibdib lalo't may pagtataka sa mukha ni Ralph nang makita niya ito. "Mr. Bustamante? How come na pareho kayo ng pinanggalin ng asawa ko?" tanong niya rito. Hindi ako makatingin at nag-iisip ng isasagot. Ano ba ang idadahilan ko? Nang tangka ko na sanang sumagot ay siya namang sagot ni Jerome. "Actually, magkasama kami kanina," walang kaabog-abog niyang sagot kay Ralph. "You two...?" Tumaas ang kilay ni Ralph at hinarap niya si Jerome. Nagsukatan sila ng tingin at walang nais bumitaw. Akmang magsasalita na sana ako nang... "Relax, Governor ..." ngisi ni Jerome na para bang may nakatutuwa sa kanyang sinabi. Tumingin siyang muli sa akin at pinagpatuloy ang sasabihin. "Magkasama nga kami dahil hiningi ko ang tulong niya. May tinulungan kaming pamilya na maaring masalanta ng bagyo kaya maaga pa lang inilikas na namin sila bago umulan ng malakas... kung ayaw mong maniwala, silipin mo sila sa sasakyan," hamon niya pa rito. Hindi kumilos si Ralph kaya binuksan ni Jerome ang dala niyang sasakyan at... "Magandang gabi, Gobernador." Doon pa lang bumalik sa wisyo si Ralph at lumapit sa kanila. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ibubuko na ni Jerome ang relasyon namin. Maya-maya'y bumalik si Ralph kasama si Jerome. "I apologize for my behavior, Mr. Bustamante, I'm just worried about my wife," hinging paumanhin ni Ralph. Nakaramdam ako ng konsensya. Mabait naman kasi talaga si Ralph, sadyang masyado lang siyang malihim. "No, worries, Governor, basta para sa Santa Barbara at sa..." tumigil ito saglit at tumingin sa akin. Iniwas ko agad ang tingin. Alam ko naman na gustong-gusto na niya kaming mabawi. Maging ako man ay ganoon din ang gusto, ngunit hindi pa sa ngayon. Gusto kong daanin sa legal ang lahat. "At sa kababayan ng babaeng minahal ko at minamahal," anito. Pinagpapawisan na ako at hindi na mapakali kaya kailangan kong makaisip ng paraan para makaalis na kami. "Ralph, I think we should go. Baka nag-aalala na si Rafael," mahina kong sabi rito. "Oh, yeah, I'm sorry hon. So, Mr. Bustamante, kailangan na namin umalis. Salamat sa tulong. Ako dapat ang gumagawa pero palagi mo na lang sinasalo, gaya ngayon." "It's my pleasure to help, anytime," sagot ni Jerome. "All right, as long as Lalaine was not involved, we will have no problem with that---" "Ralph let's go," tawag kong muli. Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. "I guess sabik na akong makatabi ng Misis ko," pagbibirong sabi pa nito. Lumapit ito sa akin at binuhat ako't isinakay sa kabilang sasakyan. Habang inaayos ni Ralph ang ibang gamit ko'y hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng mga panga ni Jerome. Nakangiti man ang kanyang mukha'y 'di pa rin maitago ang selos sa kanyang mga mata. "Aalis na kami, salamat sa tulong Mr. Bustamante," sabi ko na lang bago tuluyang isinara ang pintuan ng sasakyan. Umikot si Ralph at naupo sa aking tabi. "Let's go," utos niya sa driver. Naging tahimik ang byahe namin, gaya ng dati tahimik lamang kami kahit gaano pa ka layo ng byahe. Nagiging pamilya lang naman kami kapag kasama namin si Rafael. Isang oras ang byahe kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako nang tapikin ni Ralph ang aking balikat. "Nasa bahay na tayo," sabi niya saka bumaba. Pinagbuksan ako ng mga bodyguard niya at papasok na sana sa loob nang makasalubong ko si Mama. "Good, everning po, Mama," aniko at hahalik na sana sa kanya ngunit tila wala siyang nakita. Bagkus itinuon niya ang sarili sa anak. “Rafael, you should have let the person who has no intention of going home. Paano kung natambangan ka ng mga katunggali mo sa politika? Your life is more important than anyone else,” sigaw nito kay Ralph. Bago binaling ang tingin sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Lumapit pa ito sa akin at… “Lala, saan ka ba nagsuot at bakit ganyan ang amoy mo? You smell like—” “Mama, please let us rest. Na-stranded ang sinasakyan ni Lalaine sa putik. Pagod siya sa trabaho kaya ganyan ang amoy niya,” pagtatanggol sa akin ni Ralph. Tinaasan lang ako ng kilay ng Mama niya at tinalikuran kami. “Sige na, maligo ka na. Baka makita ka pa ni Rafael,” anito. “Salamat,” maikling sagot ko at nagmadali nang umakyat sa aking silid. Dumiretso ako sa banyo at naghubad ng damit. Saka ko ito inamoy, pero wala naman ako maamoy na kakaiba. Nakakapit pa rin naman ang pabangong ini-spray ko. Inamoy ko ang aking sarili. Hindi naman ako mabaho pero naghalo sa katawan ko ang amoy at laway ni Jerome. Dali-dali kong binuksan ang shower saka itinapat ang aking sarili. Nakapikit ako’t dinama ang kaginhawaan. “Tama ba ‘tong ginagawa mo Lalaine?” mahinang tanong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang shower sponge at nilagyan ng shower gel. Saka kinuskos sa aking katawan. Bawat daanan nito'y parang isang matinik na tumutusok sa buong katawan ko. Nag-umpisa na rin ang mga luha ko na hindi ko na namalayang pumatapatak na pala. Oo mahal ko si Jerome at gustong-gusto ko ang ginawa naming dalawa. Ang muling pagtatagpo ng aming katawan. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin siya. Dapat masaya ako, pero hindi. Paano ako magiging masaya kung alam kong nagiging makasalanan ako. May asawa ako, siya lang dapat ang aangkin sa akin kahit pa mahal ko si Jerome. Gulong-gulo na ang isip at puso ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Hanggang sa 'di ko na nakayanan kaya't napaupo na lamang ako't humagulgol ng iyak. Gusto kong sumigaw at magmura. Gusto kong sisihin ang diyos kung bakit parang ayaw niya akong sumaya. Simula pagkabata ay pinagkaitan na ako ng kaligayahan. Akala ko magiging masaya na ako ng lubusan sa piling ni Ralph pero may kulang pa rin. Matapos kong binuhos lahat ay naging maayos na rin ako. Nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Kaya pinagpatuloy ko ang pagligo at matapos ay lumabas na rin. Ngunit gayon na lamang ang gulat ko nang madatnan ko sa labas si Ralph. "What took you so long, honey," maalumanay niyang tanong. Napalunok ako't kinabahan ng sobra. Hubad baro kasi ito at tanging pajama lamang ang suot. Kaya napagmasdan ko ang matipuno niyang katawan. Iniwas ko ang tingin lalo't maikling tuwalya lamang ang nakabalot sa aking katawan. "Ralph, may kailangan ka ba?" sagot ko sa normal na boses. Tinungo ko ang cabinet at naghanap ng maisusuot. Alam kong nakatingin lang siya sa aking likuran pero hindi ko na ininda ang presesnya niya. Nagmadali na lamang akong kumuha ng underwear at isusuot na sana nang matigilan akong muli. "Why do you have to wear that?" bulong niya at pinigilan ang aking kamay. Nasa likuran ko lang siya kaya't dama ko ang init nito. Pati na rin ang matigas na bagay na tumatama sa aking likuran. Nilukuban na ako ng kaba sa dibdib. Bakit ba siya ganito ngayon? At bakit ngayon pa? "Ralph, please, itigil muna ang laro mong ito..." ngunit natigilan akong muli nang kinabig ako nito palapit pa sa kanya. Saka ko naramdaman ang init ng kanyang labi sa aking balikat. "Why, Lalaine, isn't this what you want? Did you feel it?" bulong niya pa. Habang ang labi'y patuloy na gumagapang sa aking balikat papunta sa batok na nagpatayo lalo ng balahibo ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pag-alis niya ng buhol sa tuwalyang nakakapit sa aking katawan. Pumikit ako't dinama ang kanyang haplos. Gusto kong maramdaman ang kung sino ang mas matimbang sa kanila ni Jerome. Kaya hinayaan ko siya nang buhatin niya ako't inihiga sa kama. Kinubabawan niya ako't pinakatitigan ang aking mukha. "Siya ang taong 'yon?" mahinang tanong niya. Hindi kaagad ako sumagot at hinihintay ang sunod niyang sasabihin. Hinahaplos niya ang aking mukha hanggang sa magawi ang kamay niya sa aking buhok at maya-maya'y... "Si Mr. Bustamante ang tatay ni Rafael at ikaw ang babaeng tinutukoy niya, hindi ba?" sigaw niya sa aking mukha at walang babalang hinila ang aking buhok. Nag-iba bigla ang maamo niyang mukha at napalitan ng nakakatakot na Ralph. Ito na kaya ang totoong pagkatao niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD