Kabanata 6

1377 Words
Lala “Ralph—” “Ano Lala? Masarap ba si Jerome—” “Nasasaktan ako Ralph!” mariin kong sigaw sa kanya. Pero tila wala siyang nadinig at hinila pa ang buhok ko patayo. “Sinagad mo ang pasensya ko, Lalaine!” gigil nitong bulong sa akin. “Aray, bitawan mo ako!” Lahat ng mga daing ko’y hindi niya narinig. Bagkus pinilit niya akong iharap sa pader habang ang kamay ko’y namimilipit sa sakit dahil hawak nito sa likuran. Hubo’t hubad na ako kaya’t ramdam ng aking katawan ang pagkalalake niyang ngayon ko lang naramdaman sa ilang taon naming magkasama. Matagal ko siyang hinangad, saksi ang diyos sa kagustuhan kong maging maayos kami. Kung kailan sumuko na ako at naliwanagan na rin kami ni Jerome ay saka naman siya ganito. Para akong napapaso sa init ng kanyang katawan sa aking likuran at sa marahas nitong halik sa aking leeg. “Tell me Lala! Hindi ba ito ang gusto mo?” bulong niya habang gumagapang ang labi nito na ngayon ay nasa balikat ko na. Ang isang kamay naman ay napunta sa aking dibdib at pinisil ito ng mariin. “Ralph, pakawalan mo na ako, hindi mo naman ako mahal—” “Pakawalan ka?! Para maging masaya kayo ng kabit mo…?! Hinding-hindi mangyayari ‘yon. Akin ka lang Lalaine, akin!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may kung anong kirot akong naramdaman sa aking likuran na nagpahina sa akin, hanggang sa mawalan ako ng malay tao. *** “Good morning, Mommy, wake up na po,” boses ng anak ko ang siyang nagpagising sa aking natutulog na diwa. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari. “Rafael, anak?! Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ko. Akala ko hindi ko na siya makikita. “Mommy, why are you crying?” taka nitong tanong. “Masaya lang ako anak. Na-miss ko lang ang baby ko,” tugon ko sa kanya. Pinakawalan ko siya at pinakatitigan ang kanyang mukha. Young version siya ni Jerome nang mga panahon na una ko siyang makilala. “Mom, Dad said we have to hurry. We have a flight to catch,” naguguluhan ko siyang tiningnan. “Flight? Nasaan ang Daddy mo?” tanong ko. Saka ko napagtanto na nasa silid pala ako ni Ralph. Tiningnan ko ang aking sarili. May suot na rin akong damit. “He prepared breakfast for you. Daddy loves you so much. I want to be like him—” “Bata ka pa anak. Huwag mo muna isipin ang bagay na ‘yan. Enjoy ka muna at…” natigilan ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Ralph, dala ang isang tray. “Good morning, Honey,” masayang bati nito at inilapag ang dala-dala sa kama. Kunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. “Breakfast in bed,” sabi niya pa at walang babala akong hinalikan sa harap ni Rafael. Ayaw pa sana nitong bitawan ang labi ko kong hindi lang siya sinuway ng anak ko. “Dad, let mommy eat her breakfast,” suway sa kanya ni Rafael. “I’m sorry, son. I can’t help it. Sige na anak.” “Okay po, bye Mom,” paalam ng anak ko sa akin at lumabas na ito. Umatras ako at lumayo kay Ralph. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos ang pagkain na nasa tray. “Kain ka na, may pupuntahan–” “Ano’ng ibig sabihin nito Ralph? Bakit ako nandito? Ano’ng ginawa mo sa akin kagabi?!” Sunod-sunod kong tanong. Salubong naman ang kilay nito na para bang nagtataka sa aking sinabi. “Lalaine, I did nothing. Inalagaan lang kita buong magdamag kasi ang taas ng lagnat mo,” maalumanay niyang sagot. “Ano?! Ako nilalagnat? Hindi ba—” “Yes, hindi mo ba maalala?” Nagtataka naman ako sa sinabi niya? Ano ba ‘to nagdidiliryo lang ba ako? Dahil hindi pa rin ako sumasagot kaya naman… “Nadatnan kita sa banyo, walang malay. Naka hubad ka at nakahandusay sa tiles. Ano bang ginawa mo at gano’n na lang ang pagod mo?” mahabang paliwanag nito. Hinaplos niya ang aking mukha at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko magawang sumagot. Dahil inukupa na ang isip ko ng mga nangyari kahapon. Nanaginip lang ba ako? Hindi kaya nakatulog lang ako dahil sa matinding pag-iyak. “Kaya nakapag-decide akong magbakasyon muna tayo sa para makapag-relax bago sumabak sa halalan,” sabi niya pa at pinakawalan ako. “Why is there something bothering you?” tanong niyang muli habang patuloy akong hinahaplos sa aking mukha. Hindi ko pa rin kasi magawang magsalita at nakatitig lamang ako sa kanya. Guwapo si Ralph. Mapupungay ang mga mata niya. Mahaba ang pilik mata. Matangos ang ilong. Matangkad halos lahat na ng katangian physical nasa kanya. Magkasing tangad lang sila ni Jerome. Si Jerome kasi ay definition ng tall dark and handsome. Habang itong si Ralph naman ay mestiso. Hindi ko na alam gaano pa ako katagal nakatitig sa kanya. Hanggang sa mamalayan ko na lang na hinahalikan na pala niya ako’t nasa hita ko na ang isang kamay niya. D’on pa lamang ako bumalik sa wisyo’t naitulak siya ng bahagya. “Why? What’s wrong—” “Ano’ng mali?! Ito ‘yong mali. Itong ginagawa mo ngayon, bakit bigla ka na lang nag-bago at—” “Mali ba itong ginagawa ko sa asawa ko?!” may bahid tampo niyang tanong. Kaya natigilan ako’t tumayo na lamang. “This is not you, this is not us! Ralph, naalala mo ba nang huling nagpaka-baba ako?!” panunumbat ko at tinalikuran siya. “Then, here I am. I want to start a new beginning with you Lalaine,” sabi niya at muli ko siyang naramdaman mula sa aking likuran. Pumikit ako’t gusto kong damhin ito ng puso ko. Gusto ko siyang maramdaman. Pero tila yata wala na itong epekto. Alam kong mahal ko siya, pero bakit ibang-iba pag si Jerome ang kasama ko? Mga sandaling naglapat at nag-isang muli ang aming katawan. Mga oras na ayaw ko nang matapos pa. Pinakawalan niya ako at iniharap sa kanya. “I won’t force you to answer me right now. Kasalanan ko naman kasi. Pero simula sa araw na ito, gusto kong masanay ka na, dahil araw-araw kong ipararamdam sa ‘yo, how special you are to me. I love you, Lala, since then and now. Sige na kumain ka na at maligo. Hihintayin ka namin.” ‘Yon lamang ang kanyang sinabi at lumabas na ito. Gulong-gulo na ang isip ko sa nangyari kahapon at nangyayari ngayon. Panaginip ko lang ba talaga ‘yon? Kailangan kong makahanap ng kasagutan. Kaya dali-dali kong binitbit sa kwarto ko ang pagkaing dala ni Ralph saka mabilis na hinanap ang cellphone ko. 100 misscalls and 20 messages from unknown number. Galing lahat ito kay Jerome. Gusto kong basahin isa-isa, pero minabuti kong patayin na muna ang cellphone at itinago ito sa safety box. Dito ko nilalagay ang lahat ng alahas pera at ibang gamit ko. Maging ng ibang mga cellphone ko. Pang ilang palit na rin ako para lamang maiwasan siya. Sanay na rin sa akin si Ralph kaya hinahayaan na lang niya ako. Nagbukas ako ng bagong cellphone kasama ng bagong simcard. Inilagay ang numero ni Ralph at ng pamilya ko. Pati na rin ng anak ko. Nag-send ako ng message sa kanila at hihintayin na lamang ang kanilang sagot. Nagpasya akong maligo pero sa pagkakataong ito’y saglit lang ang aking ginawa. Pagkatapos ay saka ko kinain ang almusal at nagbihis na rin. Naghanda ng mga gamit na dadalhin ko sa aming bakasyon. Gusto ko munang kalimutan ang nangyari. Kung panaginip lamang ‘yon ay labis kong ikinatutuwa. Hindi dahil sa nalaman ni Ralph. Kundi nais ko lang protektahan si Jerome. Ayaw kong mapahamak siya ng dahil na naman akin. Sasakyan ko muna ang laro ni Ralph at aalamin ang kahinaan niya para may panlaban ako kapag nagkagipitan na. “Hintayin mo lang ako Jerome, makakasama rin kita at mabubuo rin ang pamilya natin,” sabi ko habang nakatingin sa pinaglagyan ng luma kong cellphone. Binitbit ko ang luggage ko’t lumabas na rin upang pakisamahan muli si Ralph. Si Ralph na hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD