Kabanata 7

1632 Words
Jerome's POV Back story "Magpakabait ka Tope, masaya ako na sa wakas may pamilya ka na rin matatawag. Pero malulungkot ako dahil mawawala na sa tabi ko ang batang inalagaan at pinalaki ko sa loob ng labing-isang taon," nalulungkot na paalam sa akin ni Sister Lourdez. Ang nag-silbing ina ko simula nang magka-isip ako at umabot sa ganitong edad. "Hindi naman po ako mawawala, sasabihin ko po sa bago kong pamilya na pupuntahan ko kayo palagi," aniko at niyakap ang Mama Lourdez ko. Ngayon kasi ang araw na susunduin na ako ng bagong aampon sa akin. Ngayon lamang ito matutuloy na walang nagiging aberya. Dati pa sana ako nagkaroon ng pamilya, pero sakitin ako noon kaya umaatras palagi ang pamilyang kukupkop sa akin hanggang sa umabot na ako sa ganitong edad. Pero sa pagkakataong ito'y tuloy na tuloy na. Mag-iingat ka palagi roon Tope at magpakabait. Mag-aral ng mabuti at tuparin mo ang mga pangarap mo," umiiyak na habilin ni sister Lourdez sa akin. Kaya naman hindi ko rin mapigilan ang hindi mapaiyak lalo na at maiiwan ko ang mga batang tinuring akong kuya. "Opo, tatandaan ko pong lahat ng mga pangaral ninyo sister Lourdez," umiiyak ko ding sabi bago tinuon ang aking pansin sa mga batang gaya ko ay wala ring mga magulang. "Ba-bye Kuya Tope," sabay-sabay nilang paalam. Lumapit ako't hinagkan sila isa-isa. Mga edad tatlong taon hanggang siyam ang mga batang lagi kong kalaro na tinuring kong mga kapatid. "Mag-iingat kayo," aniko sa kanila. "Nandiyan na pala ang sundo mo. Palagi kang magdarasal Christopher," maalumanay na sabi ni Mother Superior. "Opo, hindi ko po makalilimutan ang lahat ng mga turo po ninyo sa akin," sagot ko at niyakap din ito saglit. "Magandang hapon, Sister Lourdez at Mother Superior." Siya naman ang magiging tatay ko. Si Mr. Juanito Bustamante. "Magbigay galang ka sa Tatay mo Tope," sabi ni sister Lourdez. Medyo naiilang pa kasi ako lumapit. Pero nang ibuka nito ang kanyang mga bisig ay doon pa lamang ako lumapit upang siya'y hagkan. Pansin ko ang kakaibang higpit ng yakap nito. Masayang-masaya ako't mapupunta sa mabubuting tao na gaya ni Mr. Bustamante. "Hintayin mo muna ako anak, kakausapin ko lang si Mother Superior," anito at ginulo ang aking buhok. "Sige po, Mr. Bustamante," sagot ko. "Daddy, from now on you should call me Daddy Juan." Nahihiya man akong sambitin ang salitang Daddy ay sinabi ko na rin. "Sige po, D-daddy," nahihiyang sabi ko. Umalis si Daddy Juan kaya naiwan kami ni sister Lourdez at ng mga bata. "May isa pang hindi nakapag-paalam sa 'yo, Tope," paalala ni Sister sa akin. "Oo nga po, nasaan na kaya ang makulit na baby ko, aalis na nga si kuya, hindi pa nagpapakita," malakas kong sabi. Alam ko kasing nagtatago lang ito. "Kuya Tope!" Nilingon ko ito sa aking likuran. At mula sa nagtatagong poste ay lumabas ang batang si Lotie. Tatlong taong gulang pa lang siya. Tumakbo itong palapit sa akin na halatang umiiyak. "Baby Lotie." Sinalubong ko siya at niyakap ng mahigpit. Parang kapatid na rin ang turing ko sa batang ito. Naalagaan ko siya simula nang dumating. Isang buwan pa lang yata siya noon nang iwanan sa labas. Isa ako sa nakakita sa kanya kaya awang-awa ako. Parang nakikita ko kasi ang aking sarili sa kanya. Sabi ni sister Lourdez, halatang kapapanganak pa lang daw sa akin nang dalhin ako rito noon. Hindi pa raw kasi ako tuluyang nalinisan nang matagpuan niya ako. Masakit isipin na may mga magulang na kayang ipamigay ang anak ng gano'n na lang. Samantala may mga magulang na naghahangad naman na magkaroon ng anak. "Kuya, babalik ikaw kay Lotie. Pangako po, 'di na ako makulit at kain na ako ng gulay," medyo bulol pa nitong sabi. Natatawa ako't niyakap pa siya ng mahigpit. "Pangako, babalik si Kuya at kukunin kita, kakausapin ko lang ang Daddy ko. Kaya huwag ka nang umiyak. 'Di ba sabi mo matapang ka na?" sabi ko at kinurot ito sa pisngi. "Opo Kuya, 'di na iyak, Lotie," masayang sabi niya sa kabila nang patuloy pa rin na pagpatak ng kanyang mga luha. "Tope anak, alis na tayo, baka gabihin tayo sa daan," tawag pansin sa akin ni Daddy Juan. "Halika na, Lotie, aalis na si Kuya," sabi ni sister Lourdez at pinilit na kinuha ito sa akin. "Aalis na po ako," walang lingon kong paalam at dumiretso na sa loob ng sasakyan. Naging tahimik ang biyahe namin ng Daddy ko pagka-alis namin. Abala kasi ito sa mga dukumentong tinitingnan niya. Hindi naman ako nagtanong at wala akong ideya kung ano ang nakasaad sa mga papel na 'yon. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita ito upang patigilin ang sasakyan. "Bruno, maari bang iwanan mo muna kami ng aking anak," sabi nito sa driver ng sinasakyan namin. Hindi ko gaano nakikita ang mukha pero may pilat ito sa kaliwang pisngi. Kung titingnan mo ito at pagmasdan ay matatakot ang sinumang tititig rito. Nagsalubong ang aming mga mata kaya't iniwas ko agad ang tingin. "Sige po, Senyor Juan," anito at lumabas na. Pagkalabas niya'y siya namang gulat ko sa ibinulong sa akin ng Daddy ko at ang papel na hawak ay siya niyang pinagduldulan sa akin na para bang natataranta ito at nagmamadali. Niyakap niya ako saglit at hinawakan sa aking balikat. "Makinig ka anak, ako ang totoong ama mo. Sanggol ka pa lang ng ilayo ka sa akin. Pero mas may mahalaga pa akong sasabihin. Ito, nakasaad dito na mapupunta lahat ng kayamanan ko sa 'yo at kapag may mangyari sa iyo'y mapupunta sa charity ang lahat. Kaya pirmahan mo ito anak..." sabi niya at may panginginig na i-abot sa akin ang ballpen. "Ikaw ang totoong tatay ko?" naiiyak kong tanong at yayakapin na sana siyang muli pero pinigilan ako nito at bumulong. "Hindi tayo ligtas anak, kaya pirmahan mo na bago pa..." at hindi na nga natapos sabihin ni Daddy ang sasabihin niya nang biglang may dumating na mga armado at pilit na inagaw ang Daddy Juan ko. "Anak, dali na!" sigaw niya. Kaya bago pa man nila mabuksan kung saan ako naka-upo'y dali-dali kong kinagat ng malakas ang aking hinlalaki. At ang dugo ko ang siyang aking ginamit na pang-pirma. Napagtagumpayan ko naman ito ngunit ng tawagin ko na ang aking ama'y siya namang gulat ko sa malakas na putok ng baril. Nanginig ako sa takot. Lalo't kitang-kita ng aking mga mata kung paanong gumapang ng duguan si Daddy at pumunta sa akin. Nakapagsalita pa ito bago malagutan ng hininga. "N-nagawa mo b-ba?" hirap nitong tanong. Pinakita ko ang papel na hawak ng nanginginig kong kamay. Panay ang aking iyak at siya nama'y nakangiti. Nilapitan ko siya at hinahaplos ang mukha. Ngunit saglit lamang ito nang dumating ang isang nakakatakot na at nakaposturang Ginang. "Juan! Binigay mo talaga sa bastardo mo ang para sa akin?" sigaw nito sa Daddy kong hinang-hina na. "Wala kang silbi, pera mo na nga lang ang dahilan para pagtiyagahan kita pero binigay mo pa sa bastrado mo!" sigaw niya pa at pinagsisipa ito. Nang hindi ko na matiis kaya... "Napakasama mo!" umiiyak kong sigaw. Lumingon itong galit na galit sa akin at itinutok ang baril na hawak. "Bakit buhay ka pa? Hindi ka makikinabang sa kayaman ng asawa ko, bastado," sigaw nito at handa na sanang iputok ang baril na hawak. Handa na rin ako mamatay nang makarinig ako ng malakas na putok ng baril. Akala ko'y ako na ang siyang tinamaan. Pero... "Tope, isara mo ang pinto bilisan mo," sigaw ng nakakatakot na driver na may pilat sa mukha nang pumasok ito't mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Sinara ko naman agad ang pinto at tiningnan ang papel na hawak ko. Dinig namin ang sunod-sunod na putok ng baril at kami ang siyang pinapataaman. Pero magaling ito magmaneho kaya nakalayo kami. Tulala pa rin ako at umiiyak. Matapos ang ang ilang oras ay inabandona namin ang sasakyan. "Kailangan nating lumipat ng sasakyan. Bilisan mo. Magbihis ka at iwanan ang damit mo sa loob," utos nito. Nakatingin lamang ako sa kanya dahil nawala bigla ang pilat sa kanyang mukha. "Gusto mo bang patayin ka nila? Bilisan mo, dalhin mo 'yong dukumento," sigaw nitong utos. Ginawa ko naman at nagpalit agad ng damit pati na rin pang ibaba. Iniwan ko ito at sinilid ang importanteng dokumento na iniwan sa akin ng aking ama. "Halika ka na," sabi nito at sumakay sa isang lumang sasakyan na nakatago at nahaharangan ng malalaking dahon ng saging at iba pa. Sumakay na ako habang yakap-yakap ko pa rin ang maliit kong bag. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan at maya-maya may kung ano siyang pinindot sa hawak nitong parang remote ng TV. Kasunod n'on ang malakas na pagsabog mula sa likuran. Gulat na gulat ko itong nilingon at tiningnan ang makapal na usok kong saan kami nanggaling kanina. "Ngayon, patay na si Tope, ikaw na ngayon si Jerome. At magmula sa araw na ito'y susunod ka sa akin hanggang umabot ka sa tamang edad para makuha mong lahat ng kayamanan mo at mailipat ito sa akin," nakangisi nitong sabi. "Po?!" Nawala nga ang pilat sa kanyang mukha, pero mas nakatatakot naman siya ngayon. "Simple lang, palalakihin kita at pakakainin sa ngayon. Pero babayaran mo ako dahil iniligtas kita sa malupit na asawa ng Tatay mo. Kung wala ako, baka patay ka na ngayon. Kaya nga lang... malaki lang ako maningil ng interes." "Haist, sayang, walang kamalay-malay si Senyor Juan na napapaligiran siya ng mga traydor. Kaya nga maski sa asawa niya'y wala siyang tiwala. Sa akin lang, pasalamat ka at hindi ako nagpasilaw kay Madam. Dahil mas malaki ang makukuha ko sa 'yo," sabi nito saka nagpagkawala ng malakas na halakhak. Hindi ko man alam kong swerte bang maituturing na nakaligtas ako sa tiyak na kapahamakan. O mas matatakot kay Bruno na siyang kukupkop sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD