Kabanata 13

1548 Words
Jerome's p o v Present time Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa aming anak na si Rafael, habang inaalala ang mga pangakong binitawan namin ng kanyang ina. "Pangako anak, mabubuo rin tayo at kikilalanin mo rin ako bilang iyong ama," ang siyang salitang binitawan ko sa natutulog kong si Rafael. Masakit isipin na pangalan ng kinikilala niyang ama ang siyang gamit nito at hindi sa akin. Ngunit wala pa akong magagawa pa sa ngayon, kundi ang maghintay. Tumayo ako at nagpadala ng mensahe sa aking kasabwat at ito'y walang iba kundi ang secretary niyang si Mister Molly. Dahil sa kagustuhan kong mapalapit kay Lalaine kaya't nag imbestiga ako kung kanino ako lalapit, upang matulungan ako. Kaya't nalaman ko ang tinatagong pagnanasa ni Mister Molly kay Governor Ellis. Masama man ang aking ginawa'y wala naman akong ibang intensyon, kaya't tinakot ko siya na kapag hindi niya ako tutulungan ay malalaman ng pinakamamahal niyang governor ang lihim niya. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Simula noon, madali kong natutunton si Lalaine, kung saan siya naroon. Maya-maya'y nag-vibrate ang cellphone ko. Galing ito sa kanya at sinabing ligtas na raw ako bumaba. Gamit ang lubid sa may likuran na naka-konekta sa may bintana ay bumaba ako, naghihintay roon si Mister Molly. "Salamat Mister Molly, 'wag kang mag-alala. Kung sakali man na ipagtabuyan ka ni governor ay bukas ang aking opisina para sa 'yo. Salamat sa tulong mo at sana ay alagaan mo ang mag-ina ko." Iyun lamang aking sinabi at tinungo na ang aking sasakyan mula sa 'di kalayuan. Mabuti na lang at sumusunod sa kanya ang lahat ng mga tauhan ni Gov. kaya't hindi ako nagkaproblema. Bumalik ako sa hotel kung saan ako namalagi at tinungo agad ang bote ng alak na siyang lagi kong karamay sa ganitong pagkakataon. Galit man ako'y wala pa rin akong magagawa kung sakali mang maibigay ni Lalaine ang kanyang sarili kay Ralph. Malugod ko pa rin siyang tatanggapin, gano'n ko siya kamahal, kahit magka-anak pa silang dalawa ay aariin kong akin, gaya ng pagmamahal din nito sa anak kong si Rafael. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-inom nang umilaw ang isa ko pang cellphone. Ang cellphone na ginagamit ko sa pagtuklas ng nakaraan. May pagmamadali ko itong sinagot, galing ito sa imbestigador na aking inutusan upang hanapin ang nawawalang nakaraan ni Governor Ellis, at sana sa pagkakataong ito'y may maganda na siyang ibabalita. Lala's POV Mabuti na lang at inaya ako ni Ralph. Akala ko'y tuluyan kaming mahuhuli ni Jerome. "Ralph, baka pwedeng kay Rafael na lang ako..." natigilan ako magsalita nang walang babala ako nitong sinunggaban ng halik at diniin ang kanyang sarili sa akin. "Don't worry, I sent Mister Molly back to accompany Rafael," ang sabi nito habang ang labi ay uhaw akong hinahalikan. Asawa ko pa rin siya kaya gusto ko man siyang itulak ay baka magtaka ito. Binuhat ako ni Ralph at inihiga sa kama. Kinubabawan ako nito at hinawakan ng kanyang kamay ang kanan kong dibdib. Pinisil niya ito ng marahan. Aaminin kong nakadadala kung paano niya itong gawin. Kaya hindi ko na namalayan na sumusunod na pala ako sa hagod ng kanyang labi. "Nakakagigil ka, honey," ang bulong nitong may kasamang panggigil. Ngunit kailangan ko itong putulin bago pa ako mawala sa sarili. "Ralph, saglit lang, hindi ba sinabi ko na may period ako ngayon?" Ang siyang dahilan ko at itinulak siya ng bahagya. Tatanggalin na niya kasi ang suot kong pantulog. Natigilan naman ito sa aking sinabi at umalis sa ibabaw ko't nahiga sa aking tabi. "Bakit ngayon pa? Wrong timing," tila naiiyak nitong reklamo. "Sorry," sinsero kong hingi ng paumanhin. Hindi dahil sa pagsisinungaling kong may regla ako, kundi hindi ko magawang maibigay sa kanya ang aking sarili. Bumuntong hininga siya at ipinulupot ang braso sa akin, pagkatapos ay siniksik ang kanyang sarili. Naisip kong ito na ang pagkakataon ko na tanungin siya. "Ralph?" tawag ko sa kanya. Kabado pa rin ako pero it's now or never. "Hmm, bakit?" sagot niya. Bumuntong-hininga ako at lalakasan ang aking loob. "Maaari bang magtanong?" tanong ko. "Sure! what is it?" sagot niya habang dama ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko. "Gusto ko lang malaman kung bakit ngayon mo lang ito ginawa? Nagtataka lang kasi ako, parang n'ong nakaraan lang diring-diri ka sa akin at ayaw ako makatabi," matapang kong tanong. Hindi kaagad ito sumagot, ngunit dinig ko naman ang buntong hininga nito. "Hindi ba sinabi ko na ang totoo," maikli niyang sagot. Pero hindi ako kombinsido. "Alam kong may iba ka pang dahilan, maaari bang sabihin mo sa 'kin kung ano ba ang tinatagong sikreto ni Governor Ralph Ellis?" Natahimik siya at tila ba nag-iisip. Kaya nakumpirma kong may iba pa talagang dahilan. Namayani ang ilang minutong katahimikan sa aming dalawa, hanggang sa nagsalita ito na labis ko ring ikinabigla. "If I tell you a secret, will you tell me yours too?" hindi ko napaghandaan ang katanungan n'yang iyon. Ngunit kaya ko itong sagutin, dahil nais kong makipag-deal sa kanya. "Oo naman, pero may kondisyon ako," matapang kong sagot. Ngunit imbes na sumagot ay bigla na lamang itong tumayo at naging aligaga. "Saka na lang natin pag-usapan, sige na matulog ka na, tatabi na lang ako kay Rafael," sabi niya na nagpagulo sa akin. Nakahanda na sana akong sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Jerome, at kukumbinsihin na hiwalayan na ako pagtapos ng eleksyon. "Ralph mag-usap tayo seryoso ako!" ang siyang sigaw ko. Pero tila wala siyang nadinig. Tuluyan niya akong iniwan at lumabas. Bumangon naman ako't hindi makapaniwala. Ngunit muntik ko nang makalimutan si Jerome, nasa kabila lang pala siya. Paano kung hindi pa pala ito umaalis sa tabi ni Rafael? Kaya naman mabilis akong tumakbo upang sundan ito at tinawag. "Ralph! Sandali," ang tawag pansin ko sa kanya. Natigilan siya sa tangkang pagbukas sa senadora ng pinto. Kaya patakbo akong lumapit at hinawakan ang kanyang kamay. "What? I told you sa ibang araw na nating pag usapan." iretabli niyang sabi. "Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin, tabi na lang tayo matulog. Pwede naman hindi ba? mag-asawa naman tayo," dahilan ko. Kunot noo niya akong tiningnan na para bang may pagtatakhan sa kanyang mukha. "Are you hiding something from me?" bigla nitong naibulalas. Kinabahan man ako sa tanong niyang iyon, ngunit kalmado ko pa rin itong itinanggi. "Masama ba'ng makatabi ang asawa ko?" may inis kong kunyaring sagot. Pinangkinitan niya ako ng mga mata at hindi na rin sumagot bagkus walang babala niyang binuksan ang pinto at pumasok. "Ralph mag-usap tayo," ang sabi ko. Sinadya kong lakasan ng aking boses para marinig kami ni Jerome kung sakaling nasa loob pa siya. Hindi siya sumagot at mabilis niyang binuksan ang ilaw. Inikot ang paningin sa loob maging ako'y gano'n din ang aking ginawa. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na nga ang bakas ni Jerome. Ngunit gayon na lang ang pagkakagulat ko nang... "Sino? sinong tinatago mo rito?" pagalit na tanong nito. Tila nag-iba na naman ang ugali niya. Nakatayo lamang ako habang nakatingin sa kanya. Panay kasi ang silip niya sa ilalim ng kama, sa likod ng mga makakapal na kurtina at maging ang bintana ay binuksan din niya. Ngunit nang wala siyang makita ay lumapit siya sa natutulog na si Rafael at ikinabigla ko pa lalo ang balak nitong gawin sa aking anak. "Ano'ng ginagawa mo Ralph?" tanong ko at pinigilan ito bago lumapit sa anak kong natutulog, parang may hinala kasi siyang may nagtatago sa ilalim ng kumot ng anak ko. Galit ko siyang hinawakan at hinila palabas. Pagkatapos ay pinatay ko ang ilaw at sinara ang pinto. Saka inis siyang binalingan. "Ano bang nasa isip mo at hinahanap? Pati ang anak ko dinadamay mo pa!" mariin kong sumbat sa kanya. "Sabihin mo, nasa loob ang tatay ni Rafael kanina hindi ba?" galit din niyang sigaw sa akin at nagulat nang hawakan nito ng madiin ang braso ko, kaya't namilipit ako sa sakit. "Sinubukan kong maging mahinahon sa 'yo Lalaine, ngunit sinasagad mo ako!" nanggagalaiti pa nitong sabi sa akin. Parang nakita ko na ang eksenang ito. Parang ganito ang nakikita ko sa kanyang mga mata sa panaginip kong sinasabi niya. "Bitawan mo ako Ralph! Ito ba ang sikreto mo? 'Di mo na pala kailangan sabihin sa akin dahil kusa mo na pala itong nilabas," mariin at matapang kong sagot. Kaya naman ay bigla siyang nahimasmasan at umamo ang mukha at napatingin sa kamay niyang nakapulupot sa akin. Mabilis niya itong binitawan at... "Honey, 'di ko sinasadya. I'm sorry; I didn't mean to hurt you," pagmamakaawa niyang sabi at parang napapasong binitawan ang hawak nito. Nilipat ang kamay sa magkabilaan kong mukha pinaghahalikan ako, habang patuloy pa ring humihingi ng kapatawaran sa kanyang ginawa. Hinayaan ko lamang siya at kinakabisa na lang ang mga bawat kilos nito. At nang yakapin na niya ako ng mahigpit ay... "Papasok na ako, matulog ka na," sagot ko at bahagya siyang tinulak. Walang lingon ko siyang iniwan at pumasok sa kwarto ng anak ko. Sinara ko ito at nahiga sa tabi niya. Unti-unti ko na ring napagtagpi-tagpi ang lahat ng mga nangyari. Nagsimula sa bigla nitong pagbabago...at kinilabutan sa aking naisip at natuklasan tungkol sa pagkatao niya. Ang kailangan ko na lang ngayon ay kongkretong ibensiya upang tuluyang makawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD