Kabanata 14

1621 Words
Lala's p o v Tila nag-iba ang mood ni Ralph, pagkagising namin kinabukasan. Bigla kasi itong naging cold at naging masungit muli gaya ng dati. Ang pagkakaiba nga lang ay gano'n din ito kay Rafael, hindi n'ya gaano kinikibo ang anak ko. Nagulat na lamang kami ng bigla siyang pumasok kung saan kami naroon na saktong kagigising lang. Babatiin sana siya ni Rafael ngunit inunahan niya itong magsalita. "Aalis na tayo maghanda na kayo," sabi n'ya at umalis na. Ibubuka pa lang ng anak ko ang kanyang bibig ay tinalikuran na niya kami. Lumungkot tuloy ang kanyang mga mata, kaya naman... "Hayaan mo na si Daddy, baka may iniisip lang. Huwag mo nang isipin 'yon. Love na love ka ni Daddy hindi ba?" pagpapagaan ko na lang ng loob niya at niyakap ito. "You think so, Mom?" malungkot nitong tanong. Unang beses pa lang niya kasi itong naranasan kay Ralph, "Oo, naman, sigurado ako. Come, maligo na tayo." Gusto ko sana siyang paliguan ngunit 'di ito pumayag dahil malaki na raw siya. Kaya't binilin ko na lang sa kanya ang mga kailangan niyang gawin. "Mommy, I know how to bathe, don't worry," paniniguardo nito. Natawa na lang ako at muntik ko ng makalimutan na malaki na nga talaga siya. "Okay po, big boy. Sige na, ihahanda ko na lang ang susuotin mo." Naligo na nga ito mag-isa at matapos ang ilang minuto'y lumabas na ito. Siya na rin ang nagbihis ng kanyang sarili kaya napanatag ako na kaya na nga niya mag-isa. Inabot kami ng isang oras bago tuluyang nakalabas. Dala ang luggage sa kanang kamay ko at sa kaliwa naman ay magkahawak kamay kaming bumaba ni Rafael. Sa hagdanan pa lang ay sinalubong na kami ng isa sa mga bodyguards niya. Sa dining area ang deretso namin at saktong nagpupunas si Ralph ng kanyang labi. Ngunit pati ito'y labis kong ikinataka. Kung dati kasi'y hindi ito mag-aalmusal nang hindi niya kasabay ang anak ko. Hindi na bali ako, sanay na ako sa kanya, Pero ngayon ay... "I have an important call to make, hintayin ko kayo sa labas," malamig niyang pakikitungo. Nakitaan ko ulit ng lungkot sa mga mata ang anak ko kaya't... "Mommy, is Daddy mad at us?" 'di nakatiis na tanong ng aking anak sa akin. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya dahil maski ako ay hindi ko rin alam kung bakit dinadamay niya ang galit sa akin sa anak ko. "No baby, marami lang siyang iniisip. Love na love tayo ni Daddy, hindi ba?" dahilan kong muli sa kanya. Ngumiti lang ito, pero alam kong hindi pa siya okay. Simula pagka-baby ay si Ralph ang kinilala niyang ama. Nagsimula kami kumain ng tahimik. Ilang minuto'y natapos na rin kami. Sumakto naman at may narinig kaming ingay sa labas, kasunod nito si Mister Molly, na totoong dumating nga ito. Gusto ko sana siyang tanungin kung may narinig ba siya kagabi, kaya lang ay naunahan niya ako. "Ma'am Lalaine, pinapasabi po ni Gov. na nariyan na po ang chopper na sasakyan n'yo pabalik sa Santa Barbara," tila may lungkot na sabi nito sa akin. Base sa reaksyon nito'y nakumpirma kong narinig nga nito ang usapan namin ni Ralph kagabi. "Sige Mister Molly, salamat," sinsero kong pasasalamat. "Walang anuman Ma'am, sige po," paalam nito at lumabas na. Hawak ko ang kamay ng aking anak ay tinungo namin ang labas kung saan naghihintay si Ralph, na hanggang ngayon ay may kausap pa rin sa telepono. Nang makita n'ya kami'y binabaan nito ang kausap at kunot noo n'ya kaming tiningnan. "Why the both of you are taking so long? May ka-meeting ako ngayon sa munisipyo," may bahid galit nitong sabi sa 'min. Gusto ko sana siyang supalpalin dahil unang-una hindi ko naman ito ginusto. Sino bang nag-aya papunta rito? Kung wala nga lang si Rafael sa tabi ko ay sinumbatan ko na siya. Nauna siyang sumakay, pagkatapos ay inalalayan kaming maka-akyat ng mga bodyguards niya. Ipinasuot nila sa amin ang nilalagay sa aming paglalakbay para na rin sa kaligtasan namin. At maya-maya na nga ay nakaalis na rin kami. Kung n'ong papunta kami rito'y inabot ilang ng oras ang biyahe, ngayon na pabalik na ay wala pang isang oras ay nasa bayan na kami ng Santa Barbara. Sa likod ng munisipyo lumapag ang sinasakyan namin, kaya lalakarin lang ito ni Ralph. Kami naman ay naghihintay na rin sa amin ang kotse. "Mauna na kayo sa bahay. 'Wag n'yo na akong hintayin, baka matagalan ako," sabi niya at umalis na. Hindi na niya ako hinayaan makasagot at tinalikuran na kami. "Tara na, busy si Daddy," may ngiti sa labi kong sabi sa anak ko at inaya na siyang pumasok sa naghihintay na sasakyan. Pagdating namin ay patakbong lumapit si Rafael kay Mama. Si Papa kasi'y baldado na at naka-wheel chair na lang siya, Hindi rin gaano nakakapagsalita dahil sa stroke. "Lolo, Lola we're back," pagbati ng anak ko sa kanila at hinalikan ang mga ito. Magiliw naman si Mama sa anak ko ngunit pagdating sa akin ay gumagawa talaga ito ng paraan upang maka-iwas, gaya ngayon. Hindi na nito hinayaan na batiin ko siya sapagkat hinila na niya ang anak ko papasok sa loob at sinabing may mga nakahanda siyang paborito nitong pagkain. Kaya naiwan kaming tatlo nila papa kasama ng private nurse. "Good morning, Papa, pasensya na po wala akong pasalubong," magalang kong pagbati kay papa. Bumubuka lang ang kanyang bibig na para bang may nais sabihin. "Papa, 'wag niyo na po pilitin 'wag po kayong mag-alala. Makakapagsalita rin po kayo at makapaglakad," paninigurado kong sabi sa kanya habang hawak ko ang kanyang kamay. Ako naman ay pumasok na rin sa kwarto ko at nakasalubong ko naman si Nanay Milagros. "Senyorita, pinapasabi ni Senyorito Ralph na simula ngayon sa iisang kwarto na raw kayo matutulog," ang sabi nito sa akin. pagkatapos ay sinara na ang pinto ng kwarto ko. "Sandali po, Nay Milagros," tawag pansin ko sa kanya ng lalagpasan na niya sana ako. Kaya't napalingon siya sa akin. "May mga gamit pa po akong mahalaga sa loob," ang tinutukoy ko ay ang vault na siyang pinaglalagyan ko ng mahalaga kong gamit. "Yun ba? Pinakuha na kasi ng alaga ko ang pinaglagyan ng mga gamit mo Senyorita." Ang tinutukoy niyang alaga ay si Ralph. Simula pagkabata raw nito'y siya na ang nag-alaga rito. Kaya malamang, alam niya ang sekreto ni Ralph. Kinabahan naman ako dahil baka nabuksan nila ang laman nito sa loob. Hindi dahil sa pera kundi ang cellphone na naglalaman ng mensahe ni Jerome sa akin. "Hihiramin ko po sana ang susi Nay Milagros, may importante lang po akong kukunin doon," kalmado kong sabi ngunit... "Pasensya na senyorita, kabilin-bilinan ni Ralph ay hindi ko raw ibibigay sa inyo ang susi pasensya na," sagot niya sa akin bago ako tuluyang iniwan. Kaya wala akong nagawa kundi pumasok sa kwarto ni Ralph. At nagulat sa aking nakita. Naroon kasi ang malaki naming larawan habang nakangiti na para bang totoong nagmamahalan na ikinasal. Wala akong matandaan na may letrato kaming ganito. Kaya siguradong edited lang ang picture na ito. Nasa loob din ang iba pang maliliit na frame kung saan buntis ako habang masaya kaming dalawa ni Ralph na magkasama. Bawat buwan ay meron kaming larawan hanggang umabot ito ng siyam na buwan. Nang lumingon naman ako sa kabila ay naroon din ang larawan ng anak kong si Rafael simula baby, hanggang sa kasalukuyan. "Ano'ng balak mo Ralph?" tanong ko sa aking sarili. Tinungo ko naman ang walking closet nito at binuksan. Narito na nga ang mga damit ko at iba pang bago na halatang hindi pa nasusuot dahil sa tag price nito. Sapatos, bag at isang jewellry box. Binuksan ko ito at nakitang naroon nga ang iba kong alahas. Ito 'yung mga alahas kong nakatago sa vault na nasa loob ng kwarto ko. "Ano'ng laro 'to Ralph?" Hindi ko man alam kung may idea na ba si Ralph sa kung sino ang tatay ni Rafael. Pero nakumpirma ko na nang nabuksan na nga nila ang loob ng vault. Labis ko lang na inaalala ay ang cellphone. May password 'yon at hindi basta niya mabubuksan. Ngunit nag-aalala pa rin ako. Paano kung tumawag si Jerome sa numerong iyon? Kaya naman aligaga kong at kinuha ang cellphone ko sa aking bag at tinungo ang banyo upang tawagan ang numero ni Jerome. Ngunit cannot be reached ito. Pang ilang ulit kong ginawa ay gano'n pa rin, kaya nagpadala na lamang ako ng mensahe at sinabing 'wag siyang tatawag sa number na iyon. Maka-ilang ulit ko itong sinend para siguradong matanggap niya pagkatapos ay binura ko ang message sent at ang numero niya naka-block na rin upang hindi niya ako basta matawagan ulit. Naligo na lamang ako at kinalma ang aking sarili. Nakakatakot talaga si Ralph, masyado siyang malihim. Nagbabad pa ko sa bathtub kaya inabot ako ng isang oras. Paglabas ko'y nagbihis ako pagkatapos ay lalabas sana ngunit kahit na anong gawin ko'y hindi ko mabuksan ang pinto. Kinalampag ko pa ito at... "Nanay Milagros, may tao ba riyan? Hindi ko mabuksan," ang siyang tawag ko. Patuloy ko pa ring kinakalampag ang pinto ngunit maski isa'y walang tumulong sa akin, hanggang sa marinig ko ang sigaw ng aking anak. "Mommy! Mommy." "Rafael?!" Dali-dali kong tinungo ang veranda at sumilip sa ibaba. "Rafael!" sigaw ko sa anak ko. Pinipilit siyang sinasakay sa sasakyan kasama ni Mama. "I want my mommy, Granda. Mommy.," sigaw nito habang nagpupumiglas kay Mama. "Anak! Mama, saan niyo dadalhin ang anak ko?" tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito pagkapasok ni Rafael sa loob ng sasakyan at nginisian lang ako't tuluyang umalis. "Rafael, anak!" Kahit na anong gawin ko'y hindi tumigil si Mama at tuluyang inilayo sa akin ang aking anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD