Kabanata 15

1536 Words
Lalaine "Balik niyo sa 'kin ng anak ko! Nanay Milagros, Mama. Ibalik niyo sa akin si Rafael, Ibalik n'yo sa akin ang anak ko. Parang-awa n'yo na. Huwag n'yo siyang ilayo. Buksan niyo ang pinto!" malakas kong sigaw. Kanina pa akong umiiyak at nagmamakaawa na buksan nila ang pinto, ngunit mag-iisang oras na akong sumisigaw ay walang tumutulong sa akin. Bagkus pumasok nga sila ngunit para lamang isara ang veranda at ipadlak rin ito. Kaya't ano'ng magagawa ko, kung hindi ang umiyak. Pati ang cellphone ko ay kinuha rin nila. Wala akong magamit na pagtawag kay Jerome o kahit na kanino. Dahil pati ang linya sa telepono ay tinanggal nila. Nasa loob pa rin ako ng kwarto ni Ralph. Magtatakip silim na, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya dumarating. Kung kailangan ko magmakaawa ay gagawin ko. 'Wag lamang nila ilayo sa akin ang anak ko. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Nanay Milagros. Tumayo ako upang lapitan siya. Baka sakaling maawa ito sa akin, kahit sampung pursyento lang ang aking tsansa ay gagawin ko pa rin. "Napagod ka rin. Ito kumain ka at tumigil ka na sa kakangawa mo, dahil kahit na ano'ng gawin mo ay hinding-hindi ka makakalabas hangga't hindi inuutos ng alaga ko," mautoridad niyang ani. Nawala ang galang nito sa akin. Hindi ako bastos sa mga matatanda ngunit sa ugali nito'y ang sarap niyang supalpalin at ingudngod sa kumukulong tubig. Ngunit kailangan ko pa rin ikalma ang aking sarili. At dahil kailangan ko ng tulong kaya't hinawakan ko ang kamay nito at pinaghahalikan upang nagmamakaawa sa kanya. "Nay Milagros, parang awa niyo na. Nanay rin po kayo. Alam niyo ang nararamdaman ko kapag nawalay sa 'yo ang iyong anak. Pakiusap, sabihin mo sa 'kin kung saan dinala ni Mama ang anak ko," ang siyang pakiusap kong turan sa matanda. Ngunit imbes na maawa ay winaksi pa nito ang aking mga kamay. "Hindi ko alam kung ano ang nakita sa 'yo ng alaga ko't bakit baliw na baliw siya sa 'yo? Ilang beses ko na siyang sinabihan na walang magandang maidudulot ang pagkupkop niya sa inyo ng anak mo. Dahil alam ko darating din ang araw na lolokohin mo siya," pang-iinsulto niyang turan sa akin. "Ibang usapan na po ang nangyari sa amin noon ni Ralph, at iba ang ngayon. Anak ko na ang pinag-uusapan Nay Milagros," matapang kong sagot. "Kung tumigil ka na sa kahibangan mo sa Jerome na 'yon ay 'di sana kasama mo pa ang anak mo." "Hu? Alam niyo po ang tungkol doon?" "Kasalan mo kung bakit nangyari ito sa 'yo Lalaine," panunumbat pa niya bago nilapit ang kanyang mukha at bumulong. "Nararapat lang ito sa 'yo... dahil malandi ka! Kaya magdusa ka at mabubulok kang kasama si Rafael. Kung ako lang ang masusunod ay matagal ka nang patay. Pasalamat ka pa at may kaunting-awa pa sa 'yo si Rafael. Dahil kung nakikinig lang siya sa akin ay baka pinaglamayan na kayo ngayon ng kabit mo." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay lumabas na ito at sinara muli ang pinto. Kahit naman agawin ko ang susi sa kanya'y alam kong hindi pa rin ako makakalabas. Ngayon ko lang napagtanto na may galit pala sa akin ang matandang 'yon. "Anak, Jerome. Paano na mabubuo ang pamilya natin?" Gusto ko mang humagulgol ng iyak ngunit alam kong hindi nito maibabalik ang anak ko. Kahit lumuha pa ako ng dugo, kahit patayin ko pa ang sarili ko sa gutom ay alam kong ako lang ang mapapahamak. Ang kailangan ko ngayon ay magpalakas. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata, at tinungo ang pagkain. Kumain ako upang lumakas. Ito ang kailangan ko. Tibay ng dibdib at lakas ng katawan. Alam kong umpisa pa lang ito ng laban at kalbaryo ko. Kung sino man ang magwawagi ay hindi ko pa alam. Matapos kumain ay nagpasya akong maligo upang paghandaan ang pagdating ni Ralph. Kailangan kong magpaganda upang ihanda ang aking sarili para sa kanya. Ito naman ang gusto niya, kahit anong gustuhin niya at utos sa akin ay gagawin ko. Masigurado ko lamang na ibabalik nila sa 'kin ang anak kong Rafael. Nagsuot ako ng nakakaakit na damit at umupo sa sa couch. Kinuha ko ang champaign at nagsimulang uminom. Kailangan ko ng alak pampalakas ng loob. Lumipas ang mahigit isang oras nangangalahating bote na rin ako, saka pa lamang bumukas ang pinto't niluwa nito ang asawa kong si Ralph. "Why you're still awake?" tanong niya pagkapasok, Saka tinungo ang closet upang maghubad ng kasuotan. Tumambad sa 'kin ang pang-upo nito. Ininom ko ang natitira alak at inisang lagok ito. Tila sinadya niyang hindi isara ang pinto ng banyo, alam niyang may kailangan ako sa kanya. Medyo umiikot na rin ang aking paningin, ngunit nagawa ko pa rin naman magtungo at makarating sa banyo. Malakas ko itong tinulak kaya naglikha ng ingay. Inaasahan na niya ang gagawin ko, dahil hindi man lang siya nagulat. "What do you want?" malamig niyang tanong sa akin. Patuloy pa rin siya sa ginagawa at hindi man lang ako nito sinulyapan. "Ikaw ano'ng kailangan mong kapalit? Ibalik mo lamang sa akin ang aking anak," matapang kong tanong sa kanya. "Are you making a deal with me?" pang-uuyam niyang tanong. "Paano kong sabihin ko sa 'yong oo. Susunod ka ba sa usapan?" Ngumisi lang ito at... "Depende, kung makikinabang ako?" nakangisi niyang turan. Lumabas na nga ang totoong kulay isang Governor Rafael Ellis. Naghubad ako ang saplot sa aking katawan at lumapit sa kanya. Kung dati rati'y nakikiusap ako upang angkinin niya para maibsan lamang ang init ng katawan ko. Ngayon ay kailangan kong makiusap muli na angkinin niya ako upang ibalik niya sa akin ang anak ko. "Kung gano'n, nakikiusap ako Ralph na angkinin mo ako ngayong gabi. Kahit ilang beses pa. Kahit paulit-ulit hanggang magsawa ka. Magiging alipin mo ako. Lahat gagawin ko ibalik mo lamang sa akin ang anak namin ni Jerome," matapang kung pahayag. Doon pa lamang n'ya ako binalingan ng tingin. May galit sa kanyang mga mata at walang babala ako nitong hinablot, palapit sa kanya. Hinawakan niya ang aking mukha, mariin at madiin niya itong hinawakan palapit sa kanya. Masakit ngunit mas doble nito ang sakit na nararamdaman kong awa sa aking sarili. Sa sitwasyong sinapit ko. Kailan ba ako tuluyang magiging maligaya? Igting ang kanyang mukha't parang kakainin na ako nito ng buhay. "Now your brave enough to tell me who's your f**king man, huh?" galit nitong sabi sa aking mukha. Ang malaki niyang mga kamay ay lalong dumiin sa akin. Tinulak ko siya ng malakas kaya't nabitawan niya ako. Marami na akong pinagdaan, hindi ang kagaya lang niya ang magpapatumba sa akin. "Bakit ko pa ililihim? Alam mo naman hindi ba! Alam na alam mo simula umpisa pa lang. Alam mo na hindi ba Ralph? Sabihin mo sa 'kin ang totoo!" sigaw ko sa kanyang pagmumukha. Ngunit hinila lamang ako nito palabas ng banyo at walang babala akong nitong tinulak ng malakas sa kama. Pumaibabaw ito sa akin at gigil niyang inilapit ang labi sa aking hubad na katawan. Ang kamay niya'y pumisil ng malakas sa kanan kong dibdib. Nais kong sumigaw. Ngunit wala na yata akong nararamdaman. Tila namanhid na ang katawan ko hindi dahil sa bugbog kundi dahil sa puso kong naging manhid na yata sa kanya. "Hindi ba? Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ba nilinlang mo ako. Totoo ang lahat ng 'yun hindi ba? Totoo ang gabing matagpuan mo ako sa kalsada, kung saan tumirik ang sasakyan ko. Alam mo kung sinong katagpo ko hindi ba?" matapang kong pahayag. Hindi ito sumagot kaya't nagpatuloy ako. "Pwes, sasabihin ko pa rin sa 'yo. Ang kasama ko nang gabing iyon ay walang iba kundi si Jerome. Oo, nakipagtalik ako kay Jerome dahil... "That's enough, f*ck you, that's enough," sigaw nito sa aking mukha. Hanggang maramdaman ko na lang ang kamao nitong tumama sa aking tiyan. Hindi pa ito nakuntento at nilapit pa ang labi sa aking dibdib at kinagat ito ng bahagya. "You are mine, Lalaine. Utang mo sa akin ang buhay niyo ng anak mo. Kahit buong buhay mo akong pagsilbihan ay hinding-hindi pa rin kita pakakawalan. Akin ka lang, tandaan mo to Lalaine. Hinding-hindi kayo liligaya ng walang kwenta mong kabit," sigaw nito sa aking mukha at tuluyang umalis sa ibabaw ko. Hindi ako makapagsalita agad dahil sa kamao nitong tumama sa akin. Tila kinapos ako ng hininga sa lakas ng pagkakasuntok niya sa akin. At ang sakit ng kanyang pagkakakagat ay tumagos sa aking puso. Lumabas ito na tanging boxer at tshirt lamang ang nakabalot sa kanyang katawan. Nagmadali akong tumakbo at kinalampag muli ang pinto. "Ralph, parang awa mo na pakawalan mo na ako. Ayoko ko na Ralph. Hiwalayan muna ako at ibalik mo sa akin ang anak ko." paulit ulit kong sigaw. Ngunit hindi na ito bumalik. Hanggang sa mapagod na lang ako at napahagulgol na lamang paupo. Bakit palagi na lang ganito ang buhay ko? Gusto ko lang naman ng masaya at buong pamilya. Bakit ba paulit ulit na lang? Mahirap ba talaga maging masaya? Masama ba akong tao sa past life ko kaya ako pinaparusahan ng ganito? Kailan ko ba makikita ang totoong liwanag? Malapit na akong sumuko. "Jerome...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD