Kabanata 16

1587 Words
Jerome's POV "Ano'ng sabi mo Mister Molly? Sige at ngayon din papunta na ako riyan, pakiusap bantayan mo sa akin si Lalaine," sabi ko sa kabilang linya. Kakatawag lang sa akin ni Mister Molly at ang sabi, narinig daw niya si Lalaine na nagsisigaw. Inutusan siya ni Governor sa bahay nila. May pinakuha raw itong papeles at narinig niyang nagsisigaw ang boses ni Lalaine. "Cancel all my appointments, thank you," utos ko sa sekretarya ko sa opisina. "Detective, kayo muna ang bahala. Hindi ko pa siya mahaharap sa ngayon sapagkat kailangan kong bumalik ng Santa Barbara." Matapos ang tawag ay mabilis kong hindi inihanda ang aking sarili. Kailangan kong bumiyahe ulit papuntang Santa Barbara. Kararating ko lang kahapon from Benguet. Katatagpuin ko sana ang isa sa nakaraan ni Governor Ellis kaya ako bumalik agad ng Maynila, ngunit kailangan ko muna ito itigil. Mukhang nasa panganib si Lalaine. Kailangan ko rin malaman kung saan ang aking anak. Ang sabi ni Mister Molly ay dinala raw ng Mama at Papa ni Ralph ang anak ko. Hindi ko pa sila nakikita ng personal. Pero nakita ko na rin ang Ginang sa telebisyon ng minsan sa ambuish interview kasama ang anak. Nagpa-imbestiga rin ako kay Rafael, ngunit masyadong pribado ang pagkatao niya. Bukod sa kung saan siya nag-aral at ang pinagmulan ng pamilya nila'y wala na akong ibang natuklasan. Palaisipan sa akin ang pagkatao niya kaya't hindi ako titigil hangga't hindi natutuklasan ang lihimn niyang tinatago. Inihanda ko aking kakailanganin kasama na ang baril. Nagsuot rin ako ng bullet proof vest. Kailangan ko ito para sa kaligtasan ng aking sarili. Alam kong panganib ang susuungin ko papunta sa Santa Barbara. Ito na siguro ang pagkakataon ko. Matagal ko itong pinaghandaan kung paano itakas si Lalaine sa hibang at huwad niyang asawa. "Handa na ba ang lahat?" tanong ko sa aking mga tauhan pagkababa. "Handang-handa na Boss Jerome. Handa na rin ang mga tauhan nating nakabantay at nakaantabay sa atin." "Sige, kailangan na nating umalis." Madaling araw pa lang ay tumulak na kami papunta sa bayan ng Santa Barbara. Dahil may kalayuan ito kaya't kailangan namin gumamit ng sasakyang panghimpapawid. Ngunit hindi naman kami maaaring doon bumaba mismo sa bayan. Alam naming hindi kami magiging ligtas. Baka ikapapahamak pa namin. Para makatawid kami'y bumaba ang aking team sa isang bayan malapit sa Santa Barbara. Kailangan sumabay ang mga kasamahan ko sa isang truck na lulan ang magsasaka. Ako naman ay may naghihintay sa akin na sasakyan roon. Business tycoon ako kaya walang dahilan para hindi ako makapasok. Ngunit hindi nila maaring malaman na may mga tauhan akong nagbabantay. Isa lang ang lagi kong kasama at ito ay si Hector, ang aking pinagkakatiwalaang kanang kamay na siyang driver ko at sariling bodyguard. "Huwag kayong magpahalata, kailangan makabalik tayong ligtas. Kailangan nating mabawi si ma'am Lalaine." Ang siyang habilin ni Hector sa mga tauhan niya. "Binayaran namin ang mga magsasakang ito upang itikom lamang nila ang bibig at huwag ituro ang nag-disguise naming mga tauhan bilang kaisa nila. Linggo-linggo kung pumunta ng bayan ang mga ito upang magtinda ng kanilang mga ani. Ang bayan ng Santa Barbara ang isa sa lungsod kaya dito binabagsak ang iba't ibang nanggagaling sa karatig baryo kasama na rin ang Maynila. Kinakailangan pa namin maghintay ng isang oras bago sumunod upang makasiguro. Malayo pa lang ay tanaw na namin ang mahabang pila. Naroon ang mga tauhan ni governor. Isa-isa nilang tinitingnan ang mga pasahero upang tiyaking walang maaaring makapasok na kontrabando sa kanilang lugar. "Boss, sigurado po ba kayo? Kilala n'yo naman ang pamilya nila, kinatatakutan sa lugar na ito. Hawak nila ang buong probinsya," tanong ni Hector. "Alam ko Hector, kaya nga nag-iingat ako na malagay sa panganib si Lalaine. Lalo na ngayon na anak ko pala si Rafael. Kaya kailangan gaya pa rin ng nakagawian natin. "Basta nakahanda ako boss mamatay para sa inyo. Ang hiling ko lang ay 'wag niyong pabayaan ang pamilya ko," anito. Si Hector ay mas matanda sa akin ng ilang taon. Nagkakilala kami ng minsan ko ng iligtas ang anak niya sa tiyak na kapahamakan. Kaya simula noon naging tapat na siya sa akin. Dati raw siyang sundalo na natanggal sa serbisyo dahil sa maling paratang. "Walang mangyayari sa atin Hector. Mabubuhay tayong dalawa at sasagipin natin ang mag-ina ko," paninigurado kong sagot sa kanya. Maya-maya'y... "Boss maaari mo bang buksan ang likod," utos ng isa sa taga-bantay kay Hector. "Mga boss, hindi niyo ba kilala si Mister Jerome Bustamante? Kilala siya ni Governor. Isa siya sa sponsors sa kanyang kandidato. Isa siya sa nagpasok ng libo-ibong pagkakataon sa mga taga Santa Barbara. Kung bubuksan ko iyan ay para niyo na ring sinabing kailangan na niyang iurong ang investment sa lugar ninyo. Ano sa palagay mo boss, bubuksan ko na ba?" pananakot ni Hector sa kanila. May dala-dala kasi kaming iba't ibang klase ng baril para na rin sa aming proteksyon. Tahimik lamang ako at hindi pa sumasabat sa usapan. Kunwari'y nakapikit at natutulog, ngunit hindi nila alam na pinagmamasdan ko ang mga kasamahan nila at hindi nakaligtas sa akin ang pagbulong ng isa sa mga kasama nila sa kausap ni Hector. "Hindi naman sa gano'n boss. Pero sumusunod lang kami utos sa amin. Pinapangalagaan lang ho namin ang kapakanan ng bayang ito, kasama na rin po roon ang itatayong negosyo ni Mister Bustamante. Pasensya na ho sa abala." "Naiintindihan ko, pero sa susunod kumilala kayo. Para pare-pareho tayong makinabang, sige boss, maraming salamat." Pinagpatuloy na nga ni Hector ang pagpapatakbo ng sasakyan, saka pa lamang ako nagsalita. "Marahil ay may utos na sa kanila, kaya hindi pa rin tayo maaaring makampante," aniko kay Hector. "Iyun din ang hinala ko. Saan ho tayo didiretso?" tanong niya. "Doon tayo sa bahay ko kailangan kong palipasin bago kumilos, saka tayo pumunta sa site." Ang bahay na tinutukoy ko ay ang bahay na nabili ko kung saan kami nagkita at napag-isang muli ni Lalaine. May kalayuan ito sa bayan at pamilihan. Nagtipa ako agad at pinadala ang mensahe ko kay Mister Molly. Nais kong malaman kung nasaan ang boss n'yang walang bayag. Sumagot naman siya agad sinabing hindi pa raw ito pumapasok. Kaya palagay ko nasa bahay pa rin nito at baka pinaparusahan na si Lalaine. Naisipan kong tawagan muli si detective. "Detective, hanapin mo ang matandang Ellis. Kailangan ko malaman agad-agad ang resulta, salamat." Gigil man ako at gusto nang sumugod agad sa bahay nila, pero alam kong lalo ko lamang ipapahamak si Lalaine. Kaya kailangan kong mag-isip ng paraan upang makuha siya ng ligtas. Ikamamatay ko kung mapapahamak siya, 'di baleng ako masigurado ko lang ang kaligtasan niya. Lala's POV Nakatulugan ko ang pag-iyak, at paggising ko'y wala pa rin bakas ni Ralph. Mabigat man ang pakiramdam ko'y kailangan kong bumangon upang ihanda ang aking sarili. Naligo ako at nag-ayos. Matapos ang ilang minuto'y tapos na rin akong magbihis at tinungo ang pinto. Nagbabakasakali lang naman ako kung bukas ba ito o nananatiling sarado. Ngunit hindi ko inasahan na ito'y bukas kaya't malaya akong nakalabas. Nakaramdam ako ng saya. Tahimik ang paligid ng buong kabahayan. Wala ang bakas ni Nanay Milagros. May naamoy akong masarap. Tinungo ko ang kinaroroonan ng masarap na amoy na ito na alam kong nagmumula sa kusina. Nadatnan ko ang nakatalikod na si Ralph. Nakapambahay ito at may suot na apron. Hindi pa man ako nagsasalita'y tila naramdaman na niya ang presesnya ko. "Mabuti naman at gising ka na. Nakahanda na rin ang pagkain natin," sabi nito bago humarap sa akin. Inilapag niya isa-isa ang hinandang pagkain. "Bakit ikaw ang gumagawa nito? nasaan sila?" ang unang tanong ko. Hindi pa niya kasi ito nagagawa. Hindi ko mahulaan kung ano'ng drama niya at nais na mangyari. "Pinaalis ko muna sila para malaya kang sumigaw ng kahit anong nais mong sabihin ng walang nakaaalam," sagot niya at nauna ng umupo. Iminuwestra niya sa akin ang katapat na upuan. Umupo naman ako at tiningnan siya ng nakakainsultong ngiti. "Ano'ng drama mo Ralph? This is weird. Kagabi lang ay pinadlak mo ako sa itaas. At ngayon umaarte kang parang walang nangyari," pang-uuyam kong sabi. Kita ko ang ang gigil ng kanyang kamao ngunit nang humarap ito sa akin ay parang isang maamong tupa na hindi makabasag pinggan dahil sa amo ng mukha at gandang lalaki. "Hon, hindi ba dapat magpasalamat ka na lang at pinakawalan kita? Ngayon kumain muna tayo bago mag-usap, maaari ba?" nakangiti rin niyang sagot. Hindi na rin ako nagsalita at inumpisahan na rin ang pagkain. Tahimik lamang ako at nakikiramdam. "Kung binabalak mong tumakas dahil nakabukas at walang tao sa bahay na ito ay 'wag mo ng ituloy. Hindi mo magugustuhan ang makikita mo sa labas ng gate na 'yan," may bahid pagbabanta niyang sabing muli sa akin. "Hindi naman siguro ako gano'n katanga honey," sarkastiko kong sagot. Alam ko naman kung ano ang daratnan ko kung ako'y sakaling lumabas. Hindi ko rin gagawin 'yun ng hindi kasama ang anak ko. Matapos ang ilang minuto tapos na rin kaming kumain. Nagligpit ako at siya naman ay umakyat. Hinintay ko siyang matapos upang makapag-usap kami. Nasa sala lang ako tahimik na nakaupo hinihintay siyang bumaba. Matapos ang kalahating oras ay naramdaman ko ang presensya niya. Hindi ko siya nilingon ngunit nabigla na lamang ng hadkan nito ang aking leeg at patakan ng halik, kasunood nito ang kanyang pagbulong. "Now let's talk and make some deals." Hindi ko man alam kung hanggang saan aabot ang pag-uusap naming ito. Ngunit isa lang ang sigurado ako. At 'yon ay ang tuso niyang pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD