Kabanata 11

1731 Words
Jerome's p o v Wala akong nagawa nang lumabas ang dalawa. Galit ako, oo galit na galit ako. Para akong tanga, baliw sa kakahanap at kakahintay sa tawag at text niya. Pero ni "hi" ni "ho" wala. Mabuti na lang at may nagbibigay sa akin ng impormasyon tungkol sa kanila, kaya't nalaman ko kung nasaan siya. Sinundan ko sila, oo baliw na ako siguro, lalo't napag-alaman kong nag-iiba na raw ang ugali ni governor kay Lalaine. Kung nung dati ay hindi ko pinapansin, dahil alam ko walang namamagitan sa kanila. Pero ngayon nang malaman kong nagkaroon na rin siya ng pagtingin kay Lalaine ay para na akong mababaliw. Mababaliw ako sa kakaisip na baka mangyayari na nga ang matagal ng inaasam ni Lalaine noon. Akala niya kasi niloko ko siya, kaya't hindi ako sumulpot ng walang dahilan. Kaya nang magkausap kami, napilitan akong sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako hindi nakasulpot sa tagpuan namin. At nagpapasalamat ako na naniwala siya, kaya labis ang aking tuwa at saya na mapag-isa muli ang aming katawan. Parang nung unang gabing ibinigay niya sa akin ang kanyang sarili, ilang taon nang nakararaan Flashback Masaya ako dahil nakaligtas ako sa tiyak na kamatayan sa tulong ni Bruno. Ang buong akala ko'y mabait lang siyang tao, kaya niya ako iniligtas, ngunit may kapalit pala ito, at ito ang aking kayamanan. Hawak ko pa rin ang orihinal na papel na nilagdaan ng aking papa kaya ang mana ko ay nananatili pa rin hangga't hindi matagpuan ang papel na ito. Subalit kailangan kong tumuntong sa tamang edad, kailangan kong hintayin ang dalawampu't isa kong kaarawan. Matagal-tagal pa ang gugugulin namin para marating ko 'yun. Ngunit ang akala ko'y normal na buhay lang ang kakaharapin ko kay Bruno, subalit hindi ko pala alam na siya palay nabubuhay sa mundong marumi. Ako ang ginawa niyang tagapamahala ng mga batang ulila na at walang mapuntahan. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Kung 'di ako sumunod sa kanya'y mapapahamak ang mga batang ito. Alam niyang malapit ang loob ko sa mga bata, dahil sa ampunan ako lumaki. Kaya alam niyang hindi ako tatanggi sa nais niya. Lumipas ang taon, may isang dalagita na dumating. Palaban ito kaya't lagi napag-iinitan ni Bruno. Unang kita ko pa lang sa kanya'y humanga na ako sa taglay niyang ganda, sa kabila ng balat nitong halatang babad sa araw ay nagtatago ang kanyang totoong ganda. Sa unang pagkakataon ay tumibok ang puso ko sa kanya, unang beses pa lang itong nangyari sa akin. Palagi akong nakasulyap sa kanya at nagtatago. Hindi niya ako kinakausap dahil pati siya ay galit sa akin. Wala kaming pagkakataon na mag-usap dahil wala naman akong sasabihin. Malapit ang loob niya sa mga batang palagay ko ay ka-edad lang ng mga kapatid niya. Ako ang nagmamaneho noon ng dukitin sila. Hindi ko alam paano ako nakuhanan ni Bruno ng lisensya, kaya pala tinuruan niya ako magmaneho dahil iyon pala ang balak niya. Nakita ko kung paano niya pinagtanggol ang mga kapatid, sinakripisyo niya ang kanyang sarili 'wag lamang makuha ang mga ito. Pinupuntirya ni boss Bruno na kumuha ng mga batang mula sa malayong lugar, dahil alam niyang hindi basta-basta matutunton ito ng mga magulang, gaya ko na galing sa malayong bahay ampunan. Hindi ako makaalis dahil hawak niya ang papel ng manang kaloob sa akin ng aking Papa, kaya mahalaga ito sa akin. Wala akong pinag-aralan kaya iyun lang ang tanging mayroon ako, upang mabuhay sa mundong ito na puno ng hikaos sa buhay, masyadong malupit. Bakit may mga taong madali lang gumawa ng kasamaan sa kapwa? Kung minsan tinanong ko ang Diyos, sabi ko "Panginoon, hindi po ako nagreklamo simula pagkabata simula nung sanggol ako. Nagpapasalamat ako at nabuhay ako sa mundong ito, pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo po ako parurusahan? Makasalanan ba ako?" 'Yan ang mga tanong ko na alam kong wala pang kasagutan pagpa-hanggang sa ngayon. Nalaman kong ang babaeng ito'y Lalaine ang kanyang pangalan. Napakagandang pangalan, kasing ganda niya. Subalit makailang beses na siyang nagtangkang tumakas, maraming galamay na pulis si Bruno kaya't nahuhuli ito hanggang sa magsawa si Bruno at napansin ang kanyang kagandahan, namumukadkad pa, sariwang-sariwa ika nga ni Bruno. Narinig ko siyang may kausap sa telepono. Ang balak niya'y titikman muna ito bago niya ibenta. Nais kong balaan si Lala, ngunit sa tuwing lalapit ako'y lumalayo ito. Galit siya sa akin. Kaya nang gabing kinuha siya ni Bruno habang natutulog ay doon na ako pumasok sa eksena at kinausap siya ng sikreto. Isa lang ang paraan upang magbago ang isip ni Bruno. Ito'y ang ibigay ko ng buo ang aking kayamanan pagdating ng tamang panahon. Ang kakapiranggot na sampong-pursyento na mapupunta sa akin ay handa kong ibigay sa kanya, basta't hayaan niya lamang si Lalaine sa akin. At dahil mukhang pera siya kaya't pumayag ito. Pagbalik ko'y isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa akin. "Salamat Jerome, kung hindi dahil sa 'yo baka napahamak na ako ngayon," ang sabi nito sa akin. "Basta 'wag mo ng uulitin, sumunod ka sa lahat ng utos ni Bruno, pagdating ng panahon makakaalis din tayo dito, tayong lahat kasama ang mga batang narito," ang sagot ko sa kanya. At mula noon kami'y naging magkaibigan na. Naging masaya kami at magaan ang buhay. Siya ang naging nanay at ako naman ay naging tatay ng mga batang kasama namin. Hinayaan lang kami ni Bruno, dahil malakas naman kami kumita. Oo, kailangan namin sumunod sa kanya, tinuruan niya kami kung paano mandugas ng tao, Naging mandurukot kami para lamang mabuhay kasama ng mga ibang bata. Lumipas ang taon at lubusang nagtiwala sa amin si Bruno. Nagtiwala na siya na hindi kami aalis. At dahil matagal nang hindi nakikita ni Lalaine ang mga kapatid nito'y pinuntahan namin ito sa probinsya, kung saan sila naroon upang magpakita na ayos lang siya. Nasabi ng mga kapatid niya na maayos na raw na naghahanap buhay ang mga magulang nila, kaya minabuti nito na huwag muna magpakita, dahil alam namin na baka pag-initan pa sila ni Bruno. Naikwento na rin niya sa akin kung gaano kalupit ang pinagdaanan niya noong bata pa lamang siya, dahil sa mga magulang niyang bukod sa pagsilang sa kanya'y wala ng nai-ambag. Naging magkasundo kami ni Lalaine, dahil parehas kami ng pinagdaanan. Sinabi ko rin sa kanya ang pinagmulan ko, at ang nangyari sa akin bago ako mapunta kay Bruno, ngunit hindi ko sinabi ang kayamanan na maaari kong makuha pagsapit ko ng tamang edad. Dahil nakapag-plano na ako na pagdating ng oras kung saan kaya na namin labanan si Bruno ay itatakas ko ang mga bata at magsasama kami ni Lalaine at bubuo ng pamilya. 'Yan ang mga plano kong tanging sa isip ko lang at hindi pa inamin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob at inamin ang lahat. "Ano'ng sabi mo? Ako gusto mo?" natatawang tanong nito. Ayaw niyang seryosohin ang sinabi kong gusto ko siya higit pa sa kaibigan. Akala siguro niya ay nagbibiro lamang ako. "Oo, matagal na, limang taon nang nakakaraan. Unang kita ko pa lang sa 'yo, kahit suplada ka, crush pa rin kita. Kahit negra 'yong balat mo," pagbibiro ko pang sabi sa kanya. "Akala ko naman, kung ano? Birthday ko ngayon 'di ba? so nasaan na ang gift ko?" sagot niya habang napapailing, ayaw niyang maniwala. Kakatapos lang namin na selebrasyon ng kanyang kaarawan. Ikalabing-walong kaarawan. Oo ito lang ang hinintay ko, kaya't pwede na siyang magka-boyfriend, at ako 'yon. Tawa ito nang tawa, ayaw akong paniwalaan. Nasa ilalim kami ng tulay ngayon, dito kami naghanda ng kaunti. Meron pa kaming nalalabing oras bago kami tuluyang umuwi, kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na ito. "Hindi ako nagbibiro, Lalaine, gusto kita! Gustong-gusto kita. Maaari ba kitang maging kasintahan?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Natigilan siya dahil sa aking ginawa. "Ramdam mo ba?" "Ang alin? Oo, hindi nga ako makahinga eh," sagot niya. "Ramdam mo ba ang puso ko? Ikaw lang ang pinipintig niyan Lala," sagot ko pa. Hindi pa man siya sumasagot ay alam ko na rin naman ang sagot niya. Dahil gaya ko, nararamdaman ko rin ang kabog ng kanyang dibdib, kaya't hindi pa man siya nagsasalita'y naglakas loob na akong gawaran siya ng halik sa labi. Nabigla ito sa aking ginawa, pero hindi naman niya ako itinulak kaya nagpatuloy ako. Unang halik niya rin ito, gaya ko. Hindi man ako marunong ay ginawa ko pa rin at dahan-dahan na iginalaw ang aking labi. Marahan kong ninanamnam ang bawat sandaling ito ng aming buhay. Hanggang sa unti-unti ko na rin naramdaman ang pagpulupot ng kanyang kamay sa aking likuran at sinabayan na rin ng galaw ang aking labi. Wala namang gaanong nakakakita sa lugar na ito dahil nasa ilalim nga kami ng tulay, dito kasi kami nagtatago kapag nais namin magpahinga ng mga bata, hindi naman kasi mabaho ang tubig kaya't ayos lang. Ilang sandali kaming nagpalitan ng halik, hanggang sa nakaramdam na ako ang kakaibang init sa katawan, kaya't hindi ko na napigilan ang paglakbay ng aking mga kamay sa kanyang dibdib. Natigilan kami saglit at nagtitigan. Hinintay ko ang sasabihin niya, o ang sampal niya sa akin, pero hindi nangyari dahil... "Gusto rin kita Jerome, matagal na. Simula no'ng pinagtanggol mo ako kay Bruno noon," nakangiti niyang sagot. Labis akong natuwa sa aking nalaman kaya't sinunggaban ko muli ang kanyang labi at sinabing..."Mahal kita, Lalaine." "Ako rin, Jerome, mahal din kita," sagot niya. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng saya sa puso. Kakaibang saya, mas masaya pa nang malaman kong may magulang pala ako. Iyun ang totoong nararamdaman ko. Pinaghiwalay namin ang aming mga labi upang sumagap ng hangin. "Napakasaya ko Lalaine, ngayon pa lang ako naging masaya simula ng magkaisip ako at dahil iyon sayo." "Ako rin naman Jerome, ngayon lang ako sumaya bukod sa kasama ang mga kapatid ko. Totoong masayang-masaya ako. Iba ang binibigay mong saya sa akin kaya nakahanda ako Jerome, nakahanda akong ibigay sa 'yo ang lahat," makahulugan niyang sabi. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya't hinila ko siya papunta sa pinakamalapit na motel. "Sigurado ka ba na hindi mo pagsisisihan ito?" tanong ko sa kanya. Nasa tapat na kami ng aming papasukan. "Tingin mo ba, hindi ako sigurado?" sagot nya. "Kung gano'n, wala ng bawian," paninigurado kong sabi. "Wala na, sayong-sayo na ako Jerome."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD