Kabanata 10

1520 Words
Lala "Ano bang sinasabi mo Ralph?! Narinig mo na nga na ikakasal na ang tao. Siguro baka kamukha ko lang 'yung sinasabing dating mahal niya. Pero hindi ako 'yun. Alam mo kung saan ako nanggaling!" pagalit kong sabi sa paratang nito sa akin. Kailangan kong tumanggi, ayaw kong malaman niya ang totoo. Kung may idea man siya'y, hinding-hindi ako magpapahuli. Makapangyarihan si Ralph at marami siyang koneksyon. Bago pa man kami makarating ng Maynila ay baka isa na ang nasawi sa amin ni Jerome. Tumayo ako at iniwanan siya sa labas. Ramdam ko naman na sinundan ako nito agad at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry hon, nagseselos lang naman ako. 'Yong mga tingin mo kasi sa kanya'y hindi mo pa nagawa sa akin." "Ano'ng klaseng tingin ba? Hindi ko kilala si Jerome. Ngayon kung wala kang tiwala sa akin ... umuwi na lang tayo," galit ko pang sabi at winaksi ang kanyang kamay. Umakyat ako sa kwarto ng anak ko at nahiga sa kanyang tabi. Pagod at inaantok na rin ako kaya mabilis ako nakatulog. Alas-sais na rin ng gabi ng magising ako. Ginising ako ng aking anak at sinabing kakain na raw kami't pinapatawag ako ng kanyang Daddy. "Magsa-shower muna si Mommy anak, sige na susunod na ako. Sabihin mo sa Daddy mo," aniko ko sa aking anak at hinalikan ito sa pisngi. "Okay po, we will just wait for you," sagot nito at lumabas na rin. Inikot ko ang aking paningin at hinanap ang luggage ko, ngunit hindi ko ito makita kaya nagpasya akong pumunta sa kabilang kwarto at doon ko nga ito natagpuan. Binuksan ko ito at naghanap ng masusuot. Inilagay ko rin isa-isa sa cabinet at nakitang marami ngang makakapal na maari naming gamitin. Saglit lang ako naligo't ayokong maghintay silang dalawa sa 'kin ng mas matagal. At nang matapos ako'y saktong kahahain lang ng pagkain sa mesa. Naroon si Ralph at katatanggal lang niya ng apron, halatang siya nga ang nagluto. "Hon, nagluto ako ng dinner natin," anito at pinaghila ako ng upuan. Nang makaupo ako'y hinalikan ako nito sa noo. Halata ang kilig sa itsura ng anak ko. "Thanks, hon," sagot ko. Kailangan ko na naman magpanggap na maayos kaming dalawa ni Ralph. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang sitwasyon namin. Nagsimula kaming kumain na panay kwento ni Rafael, bilang magulang ay handa kaming makinig at gabayan ito. Kapag kasama ko si Rafael ay kinakalimutan ko muna ang hidwaan namin ni Ralph. Siya pa rin naman ang kinikilalang tatay nito. Lumipas ang oras, napagod na rin si Rafael kaya't sinamahan ko ito sa kanyang silid hanggang sa makatulog. Matapos ay lumabas ako at kumuha ng alak, saka tinungo ang veranda. Nasa malalim akong pag-iisip, malamang nag-aalala na si Jerome. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi ko man alam kung gaano kami katagal dito pero gagawa ako ng paraan para makausap ko siya. Nakasuot ako ng makapal na pangtulog pero nilalamig pa rin ako. Nakatanaw ako sa malayo at madilim na kakahuyan nang maramdaman ko ang yabag ni Ralph. Malayo pa lang amoy ko na siya. At nakompirma ko ito nang yapusin ako nito mula sa likuran. "It's too cold here, honey. Why don't you come inside?" tanong nito. Ngunit sinagot ko ito ng mga tanong. "Nasaan nga pala ang mga tauhan mo? Bakit mukhang tayo lang ang nandito? "Nasa labas sila, nagbabantay. Baka kasi may biglang mag-trespass sa atin," makahulugan nitong sabi. "At sino naman 'yun? Napakalayo ng lugar na ito, sa palagay mo, nasundan ka ng mga kalaban mo sa pulitika?" sagot ko at pilit na kinakalma ang aking sarili. Kanina pa kasi nito pinapapak ang aking leeg. At ang isang kamay niya'y malapit na sa aking puson. Gusto ko siyang pigilan pero paano? Baka mahalata lang niyang umiiwas ako. "It's not my political opponents I'm worried about," sagot niya. "At sino naman?" kalmado ko pa ring tanong. Hindi pa ito sumasagot nang pinaharap ako nito sa kanya. "It's getting late, honey. What if we go to sleep now? What do you think, hmm?" Kinabahan man ako sa sinabi niya, pero kinalma ko pa rin ang aking sarili na parang balewala lang ito sa akin. "Mauna ka na hon, 'di ba natulog ako kanina? Kagigising ko lang, magpapahangin lang ako dito at susunod na rin sa tabi ni Rafael, wala naman sigurong..." ngunit hindi nito hinayaan matapos ang sasabihin ko. "I think you forgot what I said earlier that our honeymoon is another reason; that is why we are here." "You mean... magtatabi tayo matulog?" "Exactly! I'm sleepy too. It's too cold here. Let's warm it up." 'Di pa man ako nakakasagot ay naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere. Binuhat niya ako papasok sa kwarto naming dalawa. Nakaramdam ako ng pagkabahala. Hindi ba dapat masaya ako? Pero bakit hindi ko magawang sumaya at si Jerome lang ang nasa utak ko. Pakiramdam ko, nagtataksil ako sa kanya. Dahan-dahan ako nito inilapag sa kama at kinubabawan ang kalahati ng aking katawan. Tinitigan niya ako at hinaplos ang aking mukha. Mapupungay ang kanyang mga mata at nakikita ang pagmamahal rito. "I love you, Lalaine; please be mine tonight. Let's start again as a real couple and not just on paper." Pagkatapos niyang sabihin iyon siniil ako ng halik. Isang marahan na halik na ngayon niya lang nagawa. Pumikit ako't nais na damhin ang mga sandaling ito ngunit... "Ano yon?" Natigilan si Ralph at dali-daling bumangon. May kung ano siyang kinuha at nagmamadali itong lumabas. Maging ako'y gano'n din ang ginawa. Tumakbo ako sa kwarto ng anak ko. Nakarinig kasi kami ng malakas na pagsabog sa 'di kalayuan. Sa takot ko'y niyakap ko ang aking anak at nakahandang iharang ang sarili. Tulog pa rin ito, ngunit may mas nakakagulat pang nangyari. May isang anino ng tao na nakapasok sa loob ng silid ng aking anak. "Sino ka? Ano'ng kailangan mo sa amin?" takot na takot kong tanong. Hindi kaagad ito sumagot at nananatili pa rin sa madilim na parte. Pero kalaunan ay... "Ako to Lalaine..." "Jerome. ano'ng ginagawa mo rito?" Tama, si Jerome nga ito. Dali-dali kong tinungo ang pinto upang tiyakin na ito'y sarado. Saka muling lumapit kay Rafael. "Sagutin mo ako. ikaw ba ang may pakana ng putok na iyon?!" tanong ko. Pero imbis na sagutin ako'y isang mahigpit na yakap ang aking natanggap mula sa kanya. "I miss you, Lalaine, ilang araw pa lang kitang hindi nakikita ay parang nababaliw na ako," sabi nito nang pakawalan niya ako. "Siya ba ang..." hindi ko hinayaan na ituloy nito ang tanong. Nakatingin kasi siya kay Rafael na nakahiga at mahimbing pa rin na natutulog. "Nababaliw ka na nga, alam mong nandito si Ralph," bulong ko pa sa kanya. "Alam ko, kaya nga lalo akong nababaliw na isiping kasama mo siya sa malamig na lugar na ito..." sagot niya bago hinawakan ang aking mukha siniil ako ng halik. At wala pang sigundo'y nag-react agad ang katawan ko. Kaya tumayo kami at napunta kung saan siya nagtatago kanina. Nagpalitan kami ng halik at sabik na sabik sa isa't isa. "Miss na miss kita lalaine," sabi niya habang ang kamay ay nasa tapat na ng aking dibdib at pinipisil ito ng marahan. Gaya ng dati gustong-gusto siya ng katawan ko, mga haplos lang niya ang kinikilala nito," sasagot na sana ako nang makarinig kami ng katok mula sa labas kasunod nito ang boses ni... "Honey, ayos ka lang ba?" Sh*t si Ralph. Nag-umpisang kumabog ang aking dibdib lalo't alam kong hindi basta aalis dito si Jerome pero hindi naman maaring hindi ko pagbuksan si Ralph? Kaya naman natigilan kami ni Jerome at bahagya siyang tinulak palabas. "Please, Jerome, umalis ka na." Pero imbes na magmadali itong umalis ay lalo itong nag sumiksik sa akin at nais na ituloy ang aming nasimulan. "Gusto ko pa kayong makasama, please," nakikiusap nitong bulong. "Hindi pa sa ngayon, please lang umalis ka na!" Pero nakipagmatigasan pa rin ito. Kanina pa kumakatok si Ralph at alam kong anumang oras ay pipilitin niyang buksan ang pinto. "Siya ang paalisin mo," mahinahon pero ramdam ang galit nitong sagot. "Nababaliw ka na ba? marami siyang mga tauhan," bulong ko pa. Ngunit bago pa man makapasok si Ralph ay pinilit kong hinila si Jerome upang makapagtago. Pagtapos ay dali-dali kong binuksan ang pinto kung saan nadatnan ko si Ralph na may hawak ng susi. "Bakit matagal mong buksan? You will kill me with too much worry," sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. "Hindi kasi ako maaaring sumigaw. Hinihintay ko makatulog muli si Rafael, kaya hindi ko mabuksan agad ang pinto," dahilan ko habang nakatingin kay Jerome. Wala yata itong balak lumabas. "Let's go to sleep. Someone was threatening us earlier. That person was just a coward, kaya hindi niya ako hinarap," sabi nito. Nakahinga ako ng maluwag. Mas maigi na rin na inaya niya ako, bago pa niya makita si Jerome. "Gano'n ba? Tara na, inaantok na rin ako," sabi ko na lang at tuluyang lumabas, kasama si Ralph. Tila ako naipit sa dalawang nag-uumpugang mga bato. Sana'y panaginip na lang ang lahat ng ito. "I'm sorry, Jerome."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD