Kabanata 9

1421 Words
Lala's POV Sa buong durasyon ng biyahe namin ni Ralph at ng anak ko’y naging naging sobrang saya niya. Kailangan ko ring ngumiti sa harap ng anak ko at magpanggap na ayos sa amin ang lahat ni Ralph. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung panaginip ba iyon o hindi. O, baka dala lang talaga ng pagod kaya nakatulugan ko na. Mukhang malayo-layo ang biyahe namin at wala akong ideya kung saan kami pupunta? At dahil Gobernador siya kaya't may nakasunod sa amin. "Ralph, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko nang mapag-isa kaming dalawa dito sa banyo. Kanina pa kasi kami bumibiyahe. Akala ko nga'y nakarating na kami, kakain lang pala. "Why is there a problem if we go far? Are you expecting someone?" seryoso nitong tanong na nagpatigil sa akin. Oo nga naman. Ano bang problema kung malayo ang pupuntahan namin? asawa ko naman siya. "Hindi naman sa gano'n, kaya lang nagtataka lang ako. Sana kasi sumakay na lang tayo ng chopper para mas mabilis," pagdadahilan ko na lang. "Gusto kong ma-experience ni Rafael na bumiyahe nang malayo, parang bonding na rin natin, hindi ba?" sabi niya nang mailapit ang sarili. At dahil 'di ako komportable kaya't... "Oo tama ka nga rin doon. Halika na at ng makakain na tayo," sabi ko at nauna nang maglakad, ngunit nabigla nang hinila nito ako papasok muli sa loob ng banyo. Isinara niya ang pinto at tila ba may nakasasabik kaming gagawin. "Ralph! Ano bang ginagawa mo? Naiwan si Rafael sa labas," mariin kong sabi at tinulak siya. Ngunit hindi nito hinayaan upang hapitin lamang ako at siilin ng halik sa labi. Hindi ako makakilos dahil hawak niya ang aking mukha. Hinayaan ko siya sapagkat akala ko'y saglit lamang ito, ngunit... "Kiss me back Lalaine," utos nito habang gumagalaw pa rin ang kanyang labi. Hindi pa siya nakuntento at isinandal pa ako sa pader upang mas palalimin lang ang halik niya sa akin. 'Di na ako sumagot ngunit hindi rin siya sinunod. Maya-maya'y narinig namin ang boses ni Rafael sa labas. Saka pa lamang niya binitawan ang aking labi at bumulong. "I have good news for you, honey. This trip is not just a vacation because it also includes our honeymoon. Hindi ba ito ang matagal mo ng gusto?" Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata, sa halip ngumiti lamang ako. "Oo naman 'yon nga ang gusto ko, matagal na. Pero sorry ka na lang dahil first day ng period ko ngayon," pagbibiro kong sabi at lumabas na. "What took you so long, Mom? I'm starving," salubong sa akin ng anak ko. "Sorry na, sumakit lang kasi ang tiyan ni Mommy, come let's eat." Pumunta na nga kami sa mesa kung saan nakahanda na rin ang pagkain namin. Maya-maya'y sumunod na rin si Ralph at nagsimula kaming kumain. Larawan kami ng isang perpektong pamilya, masaya kung tingnan lalo na sa mata ng ng mga tao at ng media. May nakasunod pala sa amin na media upang kuhanan ang bawat kilos at galaw namin. Bilang public servant ay kailangan naming ngumiti at magkunwaring masayang-masaya at nagmamahalan bilang mag-asawa. Nakangiti ako pero ang totoo'y kabadong-kabado ako. Paano kung totohanin niya ang sinabi niya kanina? Asawa ko siya at higit sa lahat siya ang may mas karapatan sa katawan ko. Kung noon sana'y siguro masayang-masaya ako dahil sa wakas natupad na rin ang mga pangarap ko. Pangarap na mabuo at mahalin ng isang Governor Ralph Ellis. Ngayon ang problema ko'y parang ayaw na siyang tanggapin ng aking katawan. Bakit ngayon pa? Pinaglalaruan niya ba ako o baka naman alam na niya ang totoo sa amin ni Jerome. Tapos na rin kami kumain nang lumapit sa amin ang reporter, kasama ang cameraman. "Pasensya na po Governor, maari mo ba kaming pagbigyan na makapanayam kayo?" tanong nito. "Sure!" sagot ni Ralph. Ngunit bago magsimula ang pinaka-interview ay nakiusap akong huwag na isali sa kuha ang itsura ng anak ko. Reporter: Governor Ellis, meron lang kasing bali-balita, na kayo raw ni Misis Ellis ay hindi maganda ang pagsasama? Gaano ito ka totoo? Ralph: Hindi totoo ang lahat ng iyon. All of their slanders are untrue. Pawang paninira lamang iyan at strategy lang ng mga kalaban ko sa pulitika. Ralph: Mahal na mahal ko ang asawa ko at ganoon din siya sa akin. Reporter: Naniniwala naman po kami lalo na't kanina pa namin kayo sinusubaybayan, kaya saksi kami sa masayang pamilya ninyo. Kayo po ang Ama at Ina ng buong lalawigan. Isang masayang ngiti naman po para sa ating mga kababayan. At para mas maging makatotohanan ay kailangan naming ngumiti ng totoo sa harap ng camera at nang mailathala na sa pahayagan. Nagpaalam na ang mga ito at kami naman ay bumalik na rin sa sasakyan upang ipagpatuloy ang biyaheng tila wala yatang katapusan. Bandang alas-tres ng hapon ay dumating na rin kami sa wakas. Sa isang rest house pala nila sa Benguet kami pumunta. Isa itong Ancestral house pero halatang alaga kaya mukhang bago pa. "Sana sinabi mong sa malamig na lugar pala tayo pupunta. Hindi ko tuloy nadalhan ang anak ko ng makapal na jacket," aniko sa kanya nang tumigil na rin sa wakas ang aming sinasakyan. "There's no need. Eto pa lang ang unang punta natin dito hindi ba? Kaya pinaghandaan kong lahat," sagot niya lang at lumabas na. Natutulog sa kandungan ko ang anak kong si Rafael kaya't hinihintay ko pa siyang kunin niya ito. "Welcome po Ma'am and Sir!" Pagbati sa amin ng secretary niyang si Mr. Molly. Simula ng dumating ako'y palagi ko siyang nakikita. Siya lahat ang nag-aasikaso ng lahat ng kailangan ni Ralph sa opisina maging sa pamilya namin. "Salamat Mister Molly. Maasahan ka talaga," sinsero kong sabi. Basta po para sa pamilya ni Governor, maasahan niyo po talaga ako," magalang nitong sabi at nauna nang pumasok. Pinagbuksan n'ya kami ng pinto at ni-welcome ulit. Dahil maaga gumising ang anak ko kaya't dinala siya ni Ralph sa kwarto nito sa itaas at hinayaan na lamang naming makatulog. Ako naman ay nag-ikot sa labas, upang damhin ang malamig na simoy ng hangin. Nakaka-relax nga sa lugar na ito, sobrang romantiko. Nakapikit ko itong ginagawa kaya gayon na lang ang aking pagkakagulat ng yapusin ako ni Ralph sa likuran. Sinandal nito ang baba sa balikat ko at nilapit ang kanyang labi sa aking leeg upang ako'y amuyin. "This place is so romantic for us. I hope you like it. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo Lalaine, sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon," sinsero nitong pag-amin. Hindi ko alam ang isasagot kay Ralph, aaminin ko na bigla ako. Bakit ngayon pa? Marami akong gustong itanong. Bakit kung kailan dumating si Jerome ay saka niya ito ginawa? Nangyari na ang lahat nang nangyari. Naisuko ko nang muli ang aking sarili kay Jerome. Nagkasala na ako, alam kong mali pero sa kabila nito'y si Jerome pa rin ang hinahanap ko. "Ralph bakit ngayon lang? Maayos na tayo sa set up natin. Maayos na ako Ralph, sana hindi mo ako pinaglalaruan—" "Of course not; why would I do that? Naghirap ka na ng matagal Lalaine, kaya bakit ko 'yon gagawin?" sabi nito at pinaharap ako. Hinawakan ako nito sa balikat at... "Mahal kita, Lalaine, 'yun ang totoo, natatakot lang ako noon—" "Natatakot kanino? Nakatatakot ba ako? Sabihin mo, hindi 'yung ganito—" "I'm afraid of being left again—" "Again...? "Yes, I had my long relationship before, pero umalis na lang siya ng walang paalam at sumama sa ibang lalaki." Naupo ako at gayon din ang kanyang ginawa. Hindi ko alam ang sasabihin at isasagot sa mga rebelasyon ni Ralph, masyado akong nabigla. Dumaan ang ilang minutong katahimikan sa aming dalawa, hanggang nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na tanungin siya. "Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Sana noon mo pa sinabi at—" "Dahil pinipigilan kong mahulog sa 'yo Lalaine, pero ngayon hindi ko na kaya. Hindi ko na maitatago, selos na selos ako alam mo ba yon?" Gulat man ako sa sunod-sunod niyang rebelasyon ay matapang ko pa rin siyang hinarap. "Selos, kanino?" "Kay Jerome! Selos na selos ako kung paano mo siya tingnan Lalaine. Akala mo ba 'di ko napapansin 'yun? Ang mga kakaiba niyang tingin sa 'yo. Alam ko Lalaine, hindi ako bulag. Lalaki ako kaya alam na alam ko kung paano ka niya tingnan na may pagmamahal. Alam na alam ko Lalaine, na ikaw ang tinutukoy niyang—mahal nito na taga Santa Barbara."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD