Mika Gusto kong maging malakas, matapang at sabihing ‘okay lang ‘yun. Mika.’ Pero kahit anong pilit ko’y hinihila pa rin ako ng sakit na aking nararamdaman. Sugatan na ang puso ko simula pa nang mangyari iyon ilang taon na ang nakararaan. Akala ko’y matapang na ako. Akala ko’y nakahanda na ako sa lahat. Subalit may mas isasakit pa pala sa kaalamang hindi na kailanman siya magiging akin. Ako dapat ‘yon. Kami dapat ang ikakasal. Una siyang naging akin. Nasa loob ako ngayon ng silid ni Rafa. Hindi mapakali. Paparoon at parito, halos maikot ko na ang kwarto ng aking anak. Isip ko’y naglalakbay, samu’t saring mga eksena at mga tanong ang siyang naglalaro sa akin. Kagat ko ang daliri na tila isang nababaliw. Marahil nasisiraan na nga ako ng ulo sa kaalamang magkasama ngayon si Sophie at Rafael

