10 kababalaghan ngayon ang aking mga karanasan Desidido akong tulungan si Ferdie sa problema niya sa lupang kinatitirikan ng kaniyang tindahan. Nakipagpulong na ako sa kanilang abogado at dumalo sa pandinig ng kaso sa hukuman. Pumunta pa ako sa Department of Justice para ireklamo ang napuna kong di tamang asta ng hukom. Handa na talaga akong maabala sa aking pagsusulat. Pero, ipinasya ng aking bayaw na iurong ang kaso. Nagiba ang ihip ng hangin ng kanilang abogado—mahina umano ang kanilang kaso. Baka ibenenta na sila nito. Tutal, sabi ni Ferdie, kinita na nila ang antisipo nila sa lote. Bale upa na lang daw nila iyon sa puwesto. Napakadaling manghinawa ng tao. Kay daling masiraan ng loob. Iyon ang hindi mangyayari sa akin. Titigil lang akong magsulat kapag pantay na ang aking mga paa

