11 itinataboy ang ulap Nagising ako sa katok ni Poldo, ang aming drayber. Binuksan ko ang pinto. Humihingal siyang pumasok at kinuha ang susi ng aming kotse sa sabitan. “Makasingil kaya tayo ngayon?” bungad ko sa kaniya. “Sabi po ni General, ngayon.” “Sana naman, wala akong pambayad sa kotse.” Nag-aalala na ako sa mga pautang namin. Nakamatayan ni Carlos ang hinuhulugan naming kotse at van. Ipinaarkila ko ang mga iyon para mabayaran ang buwanang hulog ng mga sasakyan. Balasubas ang naunang kliyente at ang pumalit ay isang retiradong heneral. Autor ang heneral ng mga librong ginagamit ng military sa pagsasanay ng mga sundalo. Ang pinakahuli niyang sinulat ay tungkol sa sugal dahil isa rin siyang sugarol. “Hindi siguro corrupt,” nasabi ko noon kay Poldo nang malaman ko na nakatira l

