9 babang-luksa Bilang maybahay na bihirang magkaroon ng katulong, lalo na noong kasalukuyang lumalaki ang aking mga anak— nasanay na akong sabay-sabay ang ginagawang trabaho. Nasubukan kong sa opisina bale ako nagpapahinga. Marahil dahil sa ako’y karaniwan at walang malalim na iniisip, mas magaan para sa akin ang mag-isip kaysa pisikal na gawain. Nasubukan ko ring mag-private practice—sa gabi, nagpupuyat para tapusin ang mga libro ng kliyente—sa araw, naglalaba, nagluluto, naglilinis, at nag-aalaga ng asawa at anak. Nasanay ako sa mahigpit na disiplina—unahin ang dapat unahin, pansinin ang dapat pansinin, makinig pero huwag padala. Nasanay na talaga akong dinadampot kung ano ang madaanang gawain. Nasanay akong sabay-sabay ang ginagawa. Patuloy ang daloy ng nobela habang nakasalang an

