13 nasilong mambabasa Sabi ng aking ina, asikasuhin kong paalisin ang nagiskwat sa lote ng aking bunsong kapatid na si Pura dahil darating ito mula sa Roma. Dating may nakatayong bahay sa lote ni Pura pero nasunog iyon ng umupa. Nang magkasakit si Carlos, hindi ko na nabisita ang lote. Nang yumao ang aking asawa at muli kong bisitahin ang lote, may iskwater na. Nagsumbong ako sa kapitan ng barangay pero siya pala mismo ang nagpatira sa iskwater. Ikinatwiran niyang nagiging lungga ng mga addict ang lote ng aking kapatid. Naabala ako sa pagpunta-punta sa kaniyang lote na nasa Fairview—may kalayuan sa tinitirhan namin. Isa pa, ayaw kong nakikipag-usap sa kapitan ng barangay. Halatang nanghihingi siya ng lagay pero nagtetengang-kawali ako. Kunwari’y di ko masakyan ang parinig niya. Nang

