14 hawig sa tunay na buhay ang bungang-isip

800 Words

14 hawig sa tunay na buhay ang bungang-isip Ibinigay ko kay Pura ang manuskrito ng dalawang nobela at katipunan ng mga kuwento at tula. Dalawang linggo lamang siya sa Pilipinas pero siya mismo ang nag-alok na basahin ang iba ko pang nasulat. Sa dalawang linggong ’yon, ang humapong ibon ay dadamhin ang hangin, kakapain ang dating pugad, huhukayin ang bulateng tangi sa kaniyang bayan—kaniyang susundan ang kulisap, lamok pati gamugamo. Titighawin ang pananabik— subalit babalikan ang lupa ng pukyutan. Pagkaraan ng dalawang araw, tumawag si Pura. Natapos na raw niyang basahin ang katipunan ng mga kuwento at tula. “Iyong isang kuwento mo, ’yong may na-rape?” bungad niya. Ang tinutukoy niyang kuwento’y tungkol sa babaeng pinagtangkaang gahasain. Hindi lamang ang pisikal na paglapastangan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD