16 si cora Katatapos kong maglaba. Hindi dumating si Felicing pero tumawag siya. Nasundot umano ng apo niya ang mata ng baby ni Jasmin. Giyera-patani raw sa kanila ngayon. Galit na galit si Jasmin at ang kinakasama nito sa kaniyang apo. “Para namang hindi anak ni Jasmin ang aking apo,” himutok ni Felicing. At para namang hindi mo rin apo ang baby ngayon ni Jasmin, gusto kong sabihin. “Kapag sinaktan nilang apo ko, tutuwad sila sa pamamahay ko.” Tulad ng butiking yumayakap sa poste si Felicing, inaako ang hindi niya kaya. Gusto niyang bantayan ang kinakasama ni Jasmin nang hindi na ito muling malulong sa droga gayunman, gusto niyang kanlungan ang kaniyang apo— paano ang kaniyang gagawin? Para niyang pinaghalo ang tubig at langis sa iisang lalagyan. Para maalis ang pagod, naisipan k

