18 nagkandaligaw ako

1797 Words

18 nagkandaligaw ako Sinubok kong sumulat ng dulang pampelikula na isinali ko sa isang patimpalak sa isang estasyon ng telebisyon. Nagulat ako nang mabasa sa diyaryo na isa ako sa sampung finalist mula sa may mahigit na dalawandaang lahok. Naging kaibigan ko ang isang kapwa finalist, si Aida. Palagi na kaming nagtatawagan at nagkikita mula ng gabi ng parangal sa mga nagwagi. Matagal na siyang sumusulat ng 129 dula sa telebisyon. “Grabe pala ang kompetisyon sa pagsulat ng screenplay. Biro mong more than 200 entries!” naibulalas ko sa kaniya. “Mas pa sa TV. Sobra’ng intrigahan. Ako nga, basta’t sinibak ang programa ko. Sige pa ako ng sulat ng susunod na episode, ba, biglang. . . wala lang. . . May sponsor naman, bumaba lang ang rating kumpara sa kabilang estasyon, sinibak na.” Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD