20 silang maaamo

2058 Words

20 silang maaamo Nasaan na ang bundok Arayat? ilang beses na itinanong ni Lope kay Amado. Ang paghanap sa bundok Arayat ang paraan niya para hindi mainip ang bata sa halos tatlong oras na biyahe pauwi sa aming probinsiya. Uuwi kami para dalawin si Nene, ang kaisa-isang kapatid na babae ni Carlos. Ayon sa aking pamangking si Justin na dumaan sa amin kamakailan, dalawang linggo nang may lumalabas na dugo sa ilong ni Nene. “Baka balinguyngoy,” hula ko. Naliligo naman daw ito araw-araw. “Kahit naliligo, mainit ngayon, nagre-react ang kaniyang katawan sa init.” “Buhay na dugo. Sumasago, sabi nang iyong tuwalyang pinang-ampat sa dugo sa ilong, mapipilipitan mo.” Iminuwestra pa niya ang pagpilipit nang tulad sa naglalaba. Kinabahan ako. Tinawagan ko si Ferdie. Nasa pabrika pa ito. Bukod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD