Kinakabahan at hindi mapakali sa akin kinauupuan. Mula pa kanina ang mga nararamdaman kong ito dahil sa presensiya ng isang taong kahit kailan ay hindi ko napaghandaan na magkikita kami sa ganitong sitwasyon. Bakit kung kailan na hindi pa ako handa at hindi ko gustong makita siya ay nangyayari? Bakit ba ang malas ko naman ata ngayon?
Nakayuko at namamawis ang mga palad ko habang walang imik na nakaupo sa mahabang sofa at nasa harapang pang-isahang sofa naman ito nakaupo na alam kong kanina pa nakatitig sa akin. Nasa kusina si Rence at naghahanda ng makakain ng aming bisita.
Nagpresenta ako kanina na ako na lang ang gagawa pero pinigilan niya ako at pinaupo at siya na ang gumawa. Hindi ako komportable kung nasaan man ako ngayon. Kanina pa rin tahimik ang taong nakaupo sa harap ko at kumukuha na rin siguro ng oras kung paano ako kausapin.
Napatingala lang ako ng marinig ko ang mga yabag ng sapatos ni Rence at nakita ko itong may tipid na ngiti sa akin at may dala itong isang tray na puno ng pagkain. Nang makita kung ano ang laman ng tray ay natakam agad ako dahil ang paborito kong brownies ang dala nito at dalawang baso ng strawberry juice at isang tasa ng kape.
Inilapag muna nito ang dalang tray bago naupo sa tabi ko at inabot sa akin ang isang baso ng strawberry juice na kinuha ko naman at uminom. Inabot naman nito ang tasa ng kape sa kaharap namin na inabot din naman nito na may tipid ding ngiting nakapaskil sa kaniyang labi.
"Gusto mo na bang kumain ng brownies?" mahinang bulong sa akin ni Rence na ikinatango ko naman.
Alam kong nagmamasid siya ngayon sa mga galaw namin at kung gaano kami kalapit ni Rence sa isa't isa. He doesn't know a thing about Rence and I will leave him to that. Kinuha naman ni Rence ang isang platito na may lamang mga brownies at inabot sa akin para kunin ko at kainin. I smiled at him and mouthed thank you.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagsilay ng masayang ngiti sa mga labi niya na parang masaya ito ngayon sa kung ano at saan ako. Palihim naman akong napairap dahil doon. He thinks that I am happy? Did he think that Rence is someone that who is intimate to me?
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ko inilapag ang baso at ang platitong hawak ko at humarap sa kaniya ng tuluyan. Ramdam ko ring natigilan si Rence sa tabi ko dahil sa naging aksyon ko. Napaayos naman ng upo ang kaharap ko. Tumikhim muna ako bago ito tignan ng seryoso sa kaniyang mga matang katulad ko.
"What do you want us to talk about, dad?" seryoso kong tanong sa kaniya dahil hindi ko na maatim na nandito siya sa harap ko na parang wala siyang ginawa noon na hindi ako nasaktan ng lubusan.
"Princess –"
"Don't call me that!" pagputol at medyo tumaas ang boses ko sa pagtawag nito sa akin. "The day you let me leave the house, it is the day you are forbidden to call me that" naramdama ko ang paghagod ni Rence sa likod ko para mapakalma ako.
"I know I messed up years ago but can't you forgive me?" walang lakas at may pagmamakaawa nitong tanong sa akin.
Tumataas baba na ang dibdib ko, habol ang hininga, nanginginig ang mga kamay at namumuo ang mga luha sa aking magkabilang mga mata habang nakatingin sa kaniya na puno ng galit at panghihinayang.
"Noong humingi ako nang kapatawaran mo, binigay mo ba?" walang buhay kong balik tanong sa kaniya na ikinayuko niya lang. "Noong nagmakaawa akong intindihin mo ako, pinakinggan mo ba ako? Noong pinadala mo ako sa bahay ng mga demonyo mong pamangkin, naisip mo bang gusto kong tumira roon? Noong nawala ako, hinanap mo ba ako?" at doon na nabasag ang boses ko sa huling tanong sinambit ko.
Isa-isa hanggang sa naging sunod-sunod na ang pagdaloy ng mga luha sa aking magkabilang pisngi dahil hindi ko na kayang pigilan ang mga kinikimkim ko mula noon. Sampung taon. Sampung taon kong tinago ang tunay na nararamdaman ko. Sampung taon akong nagkunwari na ayos lang ang lahat sa akin. At sampung taon akong nagtago palayo sa kanila dahil ayoko ng maranasan ulit ang mga naranasan ko sa mga kamay nila.
"Hindi, 'di ba? Hindi mo ako pinakinggan. Hindi mo ako tinanong at hindi mo ako... hinanap" naibulong ko na lang ang huling katagang sinambit ko dahil napahagulhol na ako at inihilamos ang mga kamay sa mukha ko. "I've suffered and grieved too. All this years, dad, all this years, I only blame myself of what happened to mom and to my life. I blame myself and I asked why? Why do I need to experience all of those? The loss of my mom, the way you turn your back on me, the harassment and abused and all this pain. Do I deserve this, dad? Do I deserve all of those?"
Ilang malalalim na hininga ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili dahil naisip kong hindi dapat nangyayari ito sa akin at hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. I have lost a child and I won't let myself lost another one. Ibinanaba ko ang mga kamay ko at tumingin kay daddy na ngayon ay natigilan at parang gulat na gulat sa mga sinabi ko. Nakita ko ang pagtubig ng mga mata niya habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin.
Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang ibinigay ni Rence na panyo sa akin at pinunasan naman nito ang likod kong nabasa na ng pawis kahit nan aka-aircon ang buong condo nito. Ilang minuto kaming naging tahimik dahil na rin sa tension na nararamdaman namin sa isa't isa
"Y-you were harassed and abused?" mahina at nanginginig nitong balik tanong sa akin.
"You didn't know?" mapakla akong natawa dahil sa naging tanong nito. I thought man like him will know everything but I was wrong. Really wrong. "Tinago nila siguro sa'yo dahil akala nila, patay na ang tagapagmana mo"
"Who did those to you?" malamig ang tono ng boses nitong tanong sa akin.
"If I tell you who, what will you do?"
"They will pay for they have done to my princess!" napaigtad naman ako sa galit na angil nito sa akin. "Tell me who, Marie, who the goddamn fucker harassed and abused you?!"
"They already penetrate the empire without you knowing. Didn't you think why you're profit falls down in just a year?"
"What do you mean by that?" he is breathing heavily and I guess, he's making his self calm.
"Ang mga ahas, nasa paligid lang, dad at hindi mo malalaman na nakagat ka na hanggang sa hindi nila nakukuha ang gusto nila. Tulad ng pamilya natin, they tried to kill me for you to be a non-heiress businessman and in that, they can take the company from you easily" the side of my lips tugged up when he lean his back in the backrest at napahilot ito sa kaniyang sentido. "The day mom got shot, it was also me who they aim to shoot but because mom saw them, she protected me. And instead to protect me, binigay mo pa ako sa lungga nila"
Nakita kong ipinikit nito ang mga mata niya at napabuntong hininga habang hinihilot pa rin ang kaniyang sintido. Hindi na rin ako nagsalita pa at tinitignan at pinagmamasdan ko lang ang mga kilos at mga ekspresyon niya. Kanina pa rin tahimik si Rence sa tabi ko dahil alam niyang tungkol ito sa pamilya namin.
"How can they do this to us?" sa wakas ay tanong niya at umayos ng upo at matiim na tinignan ako. "They were our family for pete's sake!" galit nitong usal.
"They want the empire. They want me dead para walang magmamana sa lahat-lahat ng luho ng pamilya at para wala ka ng choice kundi ibigay sa mga anak niya. Now, do you get what I mean, dad?"
"s**t! How can Larze do this to me? He's my brother!" nakita ko na naman ang pagtubig ng mga mata nito na nagpakirot ng puso ko.
Looking at the man who I once idolizing now, he's so different the last time I saw him. Mas lalong naging kulubot ang balat nito sa mukha. Puno na rin ng wrinkles ang mukha niya. Ang buhok niyang nakukulayan na rin ng abo at ang mga mata niyang puno ng pagod. What were you doing all these years, dad? Bakit pinabayaan mo na ang sarili mo?
"Tito Larze has nothing to do with it" agad naman nabalik ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.
"What?" nalilito na ito ngayon at makikita sa mukha niya.
"Wala siyang kinalaman at alam sa mga ginagawa ng gahaman niyang asawa sa kayamanan ng pamilya" bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit. "She's the one who wants me dead. She used the twins to rape and abused me in their house years ago and Tito Larze didn't know about it. Noong umalis si Tito para sa mga business trips and convention niya, roon din nagsimula ang mga pambababoy at pang-aabuso nila sa akin. Tita didn't even mind and she was the one who always tell the twins to do it to me"
"Oh my god. They did that to you?"
"I even loss a child, dad. My unborn child!" nang dahil sa naisip ko na naman ang anak kong nawala ay parang gripo na naman kung dumaloy ang mga luha sa mga pisngi ko. Ang sakit, pangungulila at panghihinayang ay bumalik na naman sa akin. "My poor innocent child" hikbi kong sambit at naramadaman ko ang mainit na yakap mula sa isang taong nakakapagbigay lang sa akin ng gano'n.
"They will pay of what they have done to you" may diin at puno ng poot niyang ani habang mahigpit na yumayakap sa akin. "And please, princess, come home with me" umiling ako sa huling sinambit nito dahil hindi ako uuwi. Hindi hanggang sa hindi pa nawawala ang galit na namuo sa puso ko.
"Not now, please, dad" walang lakas kong ani sa kaniya. "Not now that I have someone to protect to"
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at inipit ang mukha ko sa dalawang kamay nito. He smiled at me sadly.
"I will also protect it, just come back home with me" marahan at malumanay ang boses nitong ani sa akin.
"Babalik ako kapag nasigurado ko na ang kaligtasan niya, dad. I can't risk now. Not now"
"Sino ba itong gusto mong protektahan at hindi ka pa makakauwi?" may tipid na ngiti na ito ngayong nakapaskil sa kaniyang labi na ikinangiti ko na rin. "Ikaw ba ito, hijo?" mahina naman akong natawa sa paglingon nito kay Rence na nagulat dahil sa tanong niya. "Ikaw ba ang gustong protektahan ng prinsesa ko?"
"Dad" tawag pansin ko sa kaniya pero hindi ako nito pinansin na ikinasimangot ko dahil naghihintay ito sa sagot ni Rence.
"H-hindi po, tito" nauutal na sagot ni Rence sa tanong ni dad.
"Huwag mo ng ipagkait, hijo. Hindi naman ako naging strikto sa anak ko pagdating sa mga manliligaw nito noon. At isa pa, alam kong aalagaan mo ang anak ko at mamahalin tulad ng pagmamahal ko sa kaniya"
"Daddy!" tumawa naman ito ng mahina at tumingin na rin sa akin habang may malapad ng ngiti sa mga labi nito. "He's not what you think he is to me!"
"Then what is he to you, princess?" I glared at him dahil sa pang-aasar nito sa akin. "The way you acted when I saw you at the parking lot and a while ago is not a friendly gesture and doing" nakangising turan nito na ikinairap ko rito.
"He's a friend and my private doctor"
"Oh. He's a doctor, huh? Not a bad taste, princess"
"Daddy!" mas lalo kong ibinusangot ang mukha ko dahil sa pang-aasar nito sa akin. "He's listening you old man!"
"Aba! Sinong matanda? Ang bata-bata pa ng tatay mo a"
"Anong bata, e, puno ka na nga ng kulubot" ako naman ngayon ang napangisi sa pagbusangot nito dahil sa sinabi ko. "You aren't young, dad. You're already a senior" nilabas ko ang dila ko para maasar pa ito lalo at hindi naman ako nabigo kaya napatawa ako ng malakas.
"Ang batang ito! Walang respeto sa matanda" he glared at me na mas lalo kong ikinatawa at nakita ko namang lihim na napapangiti si Rence sa tabi ko.
"At inamin mo ring matanda ka!" napapaiyak na ako sa tawa and I feel contented.
"Pagsabihan mo nga iyan, hijo. By the way, what's your name?" pagbaling nito kay Rence na napapangiti na lang.
"I'm Clarence Gomez po, Mr. Delcena" magalang nitong pagpapakilala sa daddy kong baliw.
"Anak ka ni Alan at Clara Gomez ng Gomez Hospital?" nagulat naman ako sa naging tanong ni dad. Kilala niya ang parents ni Rence? "Aba! Akalain mo nga naman. Ang dapat na ipagkakasundo sana namin ni Ardella noon ay magkakilala pala" nakangising tumingin si dad sa akin na ikinairap ko na naman.
"Go home old man" asar kong ani sa kaniya. "I'll come home when I settle everything that I need to settle. I promise"
-courageousbeast
~Mabilis ba? haha. NOT that good in it. But I hope you enjoy reading it~