"What will you do now?" rinig kong tanong ni Rence sa akin pagkapasok niya sa loob ng kwarto ko. "Ano ang una mong magiging hakbang ngayon?"
Naramdaman ko ang pag-upo nito sa gilid ng kama ko dahil umuga ito. Hindi ko pinansin ang mga tanong nito dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko roon. Tumagilid ako ng higa paharap sa kaniya at tinitigan lang ito habang matiim ang titig nito sa akin na parang inaarok kung ano ang nasa isip ko.
"Babalik ka sa bahay niyo?" tanong pa ulit nito.
"Papayagan mo ba ako?" balik tanong ko naman sa kaniya na ikinailing niya.
"Hindi kung 'yan ang gusto mong marinig. Pero wala naman akong magagawa kung gusto mong bumalik doon" napangiti ako sa sinabi nito. "I will always support your decisions because I trust you, Iria"
"Thank you" I sincerely said to him. "Thank you for everything, Rence. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin"
"Baliw. Kahit na hindi mo hingin ay ibibigay ko naman sa'yo" may tipid na ngayon na ngiti ang nakapaskil sa kaniyang mga labi. "You are rare to find, Iria. And trust me when I say rare" he winked at me that made me laugh and sit up from lying.
"Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong may gusto ka rin sa akin" natatawa kong ani at niyakap ito mula sa kaniyang tagiliran. Naramdaman ko rin ang pagpulupot ng kaniyang mga kamay palibot sa aking bewang. "And how come you don't like me, huh?"
Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa at ang paggalaw ng katawan niya dahil sa pagtawa. His grip tightens around me as he kissed my head.
"I like you, babe, don't worry. I like you as my little sister" napanguso ako dahil sa sinabi nito at tumawa ito ng malakas. "I can't like you romantically because as you can see, babe. I don't like our age gap and I really see you as my little sister"
"Bakit kasi wala kang kapatid na babae?" mas isiniksik ko pa ang katawan ko sa kaniya na ikinatawa niya. "Napagod na ba sila gumawa?" inosente kong tanong sa kaniya dahilan para kumalas ito sa yakap at tumawa ng malakas.
Napapahawak pa ito sa tiyan niya at makikitang mangiyal-ngiyak na ito sa kakatawa. Napangisi ako dahil sa nakikita. Minsan ko lang siya makitang ganito kaya isang masarap at maganda na sa pakiramdam na makita at marinig siyang tumawa.
Tatlo silang magkakapatid pero puro sila mga lalaki at wala silang kapatid na babae. Kaya kapag pumupunta ako sa bahay nila na nandoon ang mga kapatid niya, I am always spoiled. Especially with Tita Clara. Ikalawang anak si Rence. Ang panganay na kapatid niya ay may asawa na at nasa ibang bansa tumira at isa ring successful na doctor. While his younger brother is still in their parents' house, nagta-trabaho rin sa hospital nila, also as a doctor. Their family is a family of doctors since the first generation kaya hindi na nakakapagtaka na doctor ang mga susunod sa kanila.
"I should have asked Tita Clara about it" kibit balikat kong ani habang nakangiti pa ring pinagmamasdan ang lalaking naiiyak na kakatawa. "Seriously, Rence. Anong nakakatawa sa mga sinasabi ko?"
"You... Oh my god, Iria! You're so unbelievable" nauutal at natatawa pa rin niyang ani at nakahawak pa rin sa tiyan niya at pinupunasan na ang magkabilang gilid ng kaniyang mga mata.
"Umalis ka na nga rito. Alis na at nang makatulog na ako" pagtataboy ko rito dahil nakakaramdam na ako ng pagod dahil sa mga nangyari kanina.
"Okay. Okay. What will be your schedule tomorrow?" mahinang natatawa pa rin ito habang tumatayo na mula sa pagkakaupo sa kama ko.
"No plans for tomorrow. But I bet that I'll be bored to death here" I groan and let myself lay again in the soft mattress of my bed. "Baka mastress pa ako bukas dahil sa boredom ko rito"
"Why don't you come in the hospital tomorrow with me?" napatingin ako sa kaniya dahil sa tinanong nito. "Guluhin mo sina mom. Miss ka na ng mga matandang iyon" sabay kaming natawa dahil sa sinabi nito at sa tinawag nito kay tita.
"Hoy! Sama mo kay tita a! Ang bata pa kaya niya" inirapan ko ito dahil sa pagngisi nito sa sinabi ko.
"Kaya gustong-gusto ka ni mom dahil ang sipsip mo sa kaniya"
"Ang sabihin mo, naiinggit ka dahil mas close kami ni tita" I stuck my tongue out to him and laugh dahil sa pagbusangot nito sa akin. "Don't deny it, Rencetot" mas lalo naman itong bumusangot dahil sa tawag ko sa kaniya.
He hated it when I call him that way. At nagtanong 'yan noon kung bakit gano'n ang nilagay ko na pangalan niya sa contacts ko pero sinagot ko lang siya noon ng isang ngisi.
"I hate you" mas lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi nito.
"Will you really hate you little sister?" madrama kong tanong sa kaniya na ikinairap niya lang sa akin. "Kuya Rencetot, do you really hate me? Hmm?" pang-aasar ko pa rito na ikinatalikod niya lang at nagsimula ng magmartsa papalabas ng kwarto ko. "I love you, kuya!"
"I hate you!" napapangiti na lang ako sa huli nitong tinuran habang padabog na isinara ang pinto ng kwarto ko.
Napabuntong hininga naman ako dahil naiwan na naman akong mag-isa sa loob ng malaking kwarto na ito. Inayos ko muna ang pagkakahiga ko at inilagay ang kanang braso sa noo ko. Isang mannerism kapag nag-iisip ako ng mga bagay-bagay kapag nasa isang lugar ako, nakahiga o nakaupo at nakatingala.
What will be my next step now? Dahil alam kong hindi ako titigilan ngayon ni dad kung hindi ko gagawin ang mga dapat kong gawin. He badly wants me back. Kahit na nakaramdam ako ng galit para sa kaniya ay agad namang nawala dahil sa wakas ay nailabas ko na rin ang mga hinanakit sa kaniya pero alam kong meron pa ring natira.
Hindi naman kasi gano'n kadaling mawala ang galit at sakit na nararamdaman ng isang taon lalo na kapag kinimkim ito ng mahabang panahon at kahit isang tao ay wala kang pinagsabihan. I need to settle this as fast as I can para makabalik na rin ako sa bahay kung saan sinabi kong hindi na ako babalik pa kahit kailan.
I miss him too, so much. I need to take them inside the prison cell para sa sarili ko, sa nawala kong anak at para na rin sa magiging anak ko ngayon. Napangiti ako at napahimas sa tiyan kong may maliit ng nakaumbok. I'm excited to meet you baby.
Saan ako magsisimula ngayon? Wala akong maisip para makasampa ako ng kaso sa kanila. I know that I can do now the things that I can't ten years ago dahil wala akong pera at kapangyarihan ngayon. Pero ngayong nasa likod ko na si dad, hindi na ako mahihirapan pang makuha at makamit ang hustisyang pinagkait sa akin noon.
I should ask Rence tomorrow for a lawyer at nang makausap ko na para sa kasong isasampa ko sa mga demonyo kong pinsan at tiya. Ngayong may pagkakataon na akong ipaglaban ang hindi ko naipaglaban noon ay gagawin ko hanggang sa matapos na ito at ng makapamuhay ako kasama ng anak ko ng matiwasay.
Nagising ako sa marahang pagtapik sa pisngi ko ng isang tao. Napaungol ako dahil ayoko pang bumangon at gusto ko na lang matulog buong araw. I feel too sleepy and lazy to get up from bed. I groaned in annoyance nang hindi pa rin ako tinigilan ng taong mahinang tumatapik sa pisngi ko.
"Iria, wake up, babe" winaksi ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko dahil inaantok pa ako. "Babe, we have talk about this last night"
"I want to sleep, Rence" inaantok kong ani sa kaniya at tumagilid ng higa. Ang likod ko ay nakaharap sa kung saan siya na hindi ko alam kung nakaupo o nakatayo.
"Tss. Akala ko ba pupunta tayong hospital ngayon?"
"What?" humihikab kong balik tanong pero hindi pa rin humaharap sa kaniya. "I feel so tired, babe. Can't I rest for now, please?"
"It's already noon, Iria. Hindi na nga ako pumasok kaninang umaga dahil nakita kong mahimbing pa ang tulog ko" napaupo naman ako mula sa pagkakahiga dahil sa narinig.
Napatingin ako sa side table kung nasaan ang rectangular clock ko at nakitang 12:17 PM na. What the hell?! Akala ko umaga pa lang? Bakit hapon na?
"Tama na iyang tulog mo. Masama sa buntis ang sobrang tulog" masama ko itong tinignan pero tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Bakit hindi mo ako ginising?! Alam mo namang magluluto sana ako ng lunch para kay tita, e!" pagmamaktol at pagsisisi ko sa kaniya. "You should've waked me up by 10 AM!"
"So kasalanan ko pa kung bakit tinanghali ka ng gising?" may pagkasarkasmo nitong tanong sa akin na ikinairap ko naman sa kaniya. "Get bath and we'll eat our lunch before we go to the hospital"
Hindi na nito hinintay pa ang sagot ko at naglakad na lang to papalabas sa kwarto ko ng tahimik. Ginulo ko naman ang buhok ko sa inis at padarag na naglakad papasok ng banyo para gawin ang kailangan kong gawin. Pagkatapos kong maligo at magtoothbrush ay lumabas na ako ng banyo at naglakad papasok sa walk-in-closet ko para maghanap ng masusuot.
I put my pair undergarments first before I proceed on choosing what will be my OOTD for today. Scanning my dresses, napahinto ako sa isang halter cream dress. Nakangiti ko itong sinuot at mas lalong lumapad ang ngiti ko ng tamang-tama lang ito sa katawan ko. It was backless and one inch above the knee length and it emphasizes my body curves. Pinaresan ko ito ng isang 2-inch silver kitten shoes na mas lalong bumagay dito. I French braid my hair with some of the strands and baby hairs are falling. For the last stop, I put up a light make-up and I'm done.
Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretsosa maliit na kusina ng condo at nakita ang naiinip na mukha ni Rence habang matiim na nakatingin lang sa pagkain sa harap niya. Mahina naman akong napatawa dahil sa naabutan ko. At dahil sa pagtawa ko ay agad nitong dinako ang mga tingin sa akin at masama akong tinignan. I just smiled at him and take my seat in front of him.
"Sorry kung medyo natagalan ako" hinging paumanhin ko at agad na natakam sa mga pagkain na nakita ko sa hapag. "Let's eat?" tanong ko sa kaniya pero nasa pagkain lang ang tingin ko.
"What's that your wearing, Iria Marie?" napatigil ako sa pagsubo dahil sa seryoso nitong tono at tanong.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko paharap sa kaniya at nakita ko ang matalim nitong tingin na nagpangiwi sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng alanganin dahil alam kong galit ito sa akin ngayon. Napakamot na lang ako sa batok ko at napaiwas sa talim ng tingin nito sa akin.
"A halter dress?" patanong kong sagot sa kaniya. Narinig ko ang marahas nitong pagbuntong hininga dahil sa sinagot ko.
"Wala ka na bang ibang dress sa closet mo? You're wearing a too revealing dress"
"Come on, Rence. Ngayon lang ako makakasuot ng mga ganitong mga damit. Kapag lumubo na ang tiyan ko, hindi ko na masusuot 'to" ibinalik ko ang tingin sa kaniya at tinignan siya na may pagmamakaawa.
"Fine. Pero kapag hindi mo na ako kasama mamaya, you'll put my suit in your shoulders. Got it?"
"Yes, sir!" nakangiti kong sagot at sumaludo pa sa kaniya na ikinatawa na niya.
-courageousbeast